The Observer


HOME NEWS FEATURES OPINION ABOUT LINKS

Isang Iskolar ng Bayan sa Ika-Isandaang Taon ng Unibersidad
Ella Marie L. Dimaculangan
25 February 2009

Other articles

Behind a "Yes" Vote

�Yes� votes dominate in the Codified Rules for Student Regent Selection (CRSRS) referendum. Based on the final results, out of the 47, 365 students in the UP system, more than 55 percent or 26, 118 participated in the referendum. 19, 068 or more than 73 percent voted �Yes� while 6, 747 or almost 26 percent voted �No�. read more...

The Importance of an Online Journalism Course

The University of the Philippines is known to be a center of excellence. When you say it is from UP, you mean it is of high-quality. Over the years, UP has been able to produce in various fields and disciplines graduates who are among the finest or the greatest. read more...

Mula sa pagtataas ng matrikula at iba pang bayarin, hanggang sa rekonstruksyon ng ilang mga kolehiyo, mga patakaran o polisiya hinggil sa trapiko at iba pa, nabalot ng maraming pagbabago ang Unibersidad ng Pilipinas nitong mga nagdaang taon.

Ilan sa mga pagbabago,ayon sa isang artikulo na isinulat ng isang propesor sa unibersidad na si Rommel Rodriguez, ay kaalinsunod ng sentenaryo o ika-isang libong taon ng Unibersidad. Kabilang na rito ang pagpapaganda ng mga kolehiyo at ng UP sa kabuuan.

Nariyan ang tinatawag na �walk of fame� sa palibot ng academic oval, ang mga bagong pintang kolehiyo, at mga bagong tayong establisyimento.

Base sa mga arkitektural na transpormasyong ito, masasabing nagbago o nagbabago na ang mukha ng Unibersidad. Ngunit ito ay isa lamang bahagi ng mukha ng UP.

Upang ganap na malaman kung nagbago na ang mukha ng unibersidad, kailangang tingnan ang pinakamalaki at pinakamahalagang parte nito, ang estudyante o mag-aaral.

Isa sa mahigit labingdalawang libong nakapasa sa Unibersidad sa taon ng sentenaryo nito ayon sa tala ng UP Office of Admissions, si Sara Isabelle Pacia ay bahagi ng pinakamalaking parteng ito ng mukha ng UP.

Nagtapos ng elementarya at sekondarya sa Saint Pedro Poveda College, walang naging hadlang kay Sara upang mag-kolehiyo sa unibersidad na labis niyang gusto, ang UP kung saan siya ngayon ay kumukuha ng kursong journalism. �Alam ko na dati pa na magaling talaga ang UP, kasi dito nag-aral ang mga magulang ko.� saad ni Sara.

Hindi naging mahirap para kay Sara ang kanyang unang taon sa kolehiyo. Sa tulong ng kanyang mga blockmates at bagong kaibigan, madali siyang nakaagapay sa buhay sa unibersidad. �Sinasabi nila na sobrang iba daw ang UP sa Poveda at ma-cuculture shock daw ako, pero di naman ngayon na nandito na ako,� ani Sara.
Photo from inailish.multiply.com

Hinahatid at sinusundo sa unibersidad ng kanilang sariling sasakyan, ang kanyang regular na araw sa UP ay binubuo ng pagdalo sa mahihirap na klase, pagkain ng pancit canton kasama ng mga kaibigan sa harap ng main library at pagtulog sa loob nito pagkatapos.

Para kay Sara, ang tunay na iskolar ng bayan ay nag-aaral ng mabuti at hindi sinasayang ang perang ibinibigay ng kanilang mga magulang para sa kanilang edukasyon.

Bagamat hindi naging problema para kay Sara ang pagtataas ng matrikula ng unibersidad, naniniwala siyang hindi tama ang nasabing pagtataas. �Hindi siya naging hadlang sa akin, pero di ko gusto ang pagtaas, kasi pwede naman lakihan ng gobyerno yung budget sa edukasyon imbes sa kung anu-anong bagay,� aniya.

Sa pakikipaglaban ng mga estudyante kaugnay nito, naniniwala siya na ito ay nararapat. �Dapat ipaglaban natin ang mga karapatan natin bilang mga estudyante,� aniya. Ngunit sinabi rin niyang minsan ito ay sumusobra na. �Para sa akin, mas vocal talaga ang mga taga-UP tungkol sa mga isyu sa gobyerno. Hindi naman ito masama. Minsan nga lang, baka medyo masyado na,� ani Sara.

Sa ganitong paglalarawan ng mga bagong iskolar ng bayan malalaman kung ganap na nga bang nagbago o magbabago ang mukha ng Unibersidad ng Pilipinas. Kung ito ay maganda o hindi ay iba pang usapan.


HOME NEWS FEATURES OPINION ABOUT LINKS

Copyright 2009. All rights reserved

Hosted by www.Geocities.ws

1