Kabataan,
makakawalis ba ang iisang patpat?
Kabataan,
makakapaligo ba sa isang patak?
Kabataan,
papa’no na tayo gayong watak-watak?
Kabataan…
…sa salumpuwit ng silid-aralan,
makailang-ulit ding napakinggan
na tayo ang bukas at sasandalan
ng Perlas ng Silanganan.
Tinig na iisa,
panawagan sa kabataan.
Posible ang lahat
sa lakas ng bayanihan.
Tinig na iisa,
panawagan sa kabataan.
Posible ang lahat
sa lakas ng bayanihan.
Kabataan,
ang iisang tinig ay himig na wagas.
Kabataan,
walang anuman kung iba-ibang kumpas.
Kabataan,
awitan ang bayan nang may pagmamahal.
Kabataan…
…sa salumpuwit ng silid-aralan,
makailang-ulit ding napakinggan
na tayo ang bukas at sasandalan
ng Perlas ng Silanganan.
Tinig na iisa,
panawagan sa kabataan.
Posible ang lahat
sa lakas ng bayanihan.
Tinig na iisa,
panawagan sa kabataan.
Posible ang lahat
sa lakas ng bayanihan.
Sama-sama.
Sama-sama.
Sama-sama.
Sama-sama.
___________
A. A. A. Alegre, himig at titik.
No Parking, areglo.
Natuldukan: 5 Mayo 2007.
Listen to NP's other songs
|