





|

Silence Keeping...
Eto ang nakita ko habang naglalakad sa aking es-KWELA-han. Eto ang tips habang pinagmamasdan mo ang litratong ito:
1. Pagmasdang maigi ang kapaligiran. Kung ayaw mong mapahiya, siguraduhing wala kang kasama na titingin sa litratong ito.
2. Kung may kasama ka naman, siguraduhing matalik na matalik kayong magkaibigan upang hindi niya ikalat kung sakali man na siya lang ang matatawa.
3. Pagkatapos tignan ng maigi ng litrato, lumingon-lingon muli upang siguruhin na hindi lang ikaw ang tumatawa o ikaw lang ang hindi tumatawa (kung saan pareho kang magmumukhang kawawa).
Ano ang pinatutunayan ng litratong ito? Kung ang iniisip nyo ay pinatunayan lang nito na kahit saang parte ng mundo, kahit sa lugar kung saan pinagmamayabang ng ilan ang katalinuhan, ay may lalabas at lalabas pa rin na kamamangmangan (naks! ang lalim!), pwes! mali kayo. EM-EY-EL-EE, MALI! Pinatutunayan nito na tamad akong sumulat sa blog ko. Ganun talaga eh...
Updated: Tinanggal na nila ito sa kanyang kinalalagyan. Ayaw na nilang mag-"keep" ng "silence"... |