![]() |
![]() ![]() ![]() ![]() ![]() ![]() |
![]() Yan, yan
ang litrato ko sa site na ito. Kakaiba ba? Bakit yan lang ang gamit kong litrato dito? Yan ay dahil sa tatlong dahilan. Una, naibigay ko na ang pangalan ko sa site na ito, at iyun pa lang pakiramdam ko ay masyado kanang maraming nalalaman tungkol sa akin. Pangalawa, dahil wala akong magandang litrato ng aking sarili. Ako yung tipo ng tao na kahit "taliko-genic" eh hindi papasa (sa mga hindi nakakaalam o nagmamarunong dyan, ang taliko-genic ay mga taong maganda gwapo mula sa likod). At pangatlo, dahil kahit kailan hindi pa ako naglalagay ng litrato ko sa internet at ayokong masira ang tradisyon ko. For our non-Tagalog proficient viewers, I am sorry. I am too lazy to translate this into English so I suggest that you search for another site to read. Rest assured, we are not talking about you behind your backs. >:) Tagalog na uli sa wakas. Ako ay isang Tao, Lalaki, Bulakenyo (dati), Rizalenyo (nakatira sa Rizal, hindi sumasamba kay Rizal, Rizalista yun), Pilipino, Asyano, Isko, Anak, Kapatid, Kaibigan, Ka-text, Kausap, Kahigikgikan, Katawanan, at Kasama. Just checking if there are still some non-Tagalog proficients left in the premises. Hello? Anybody there? No? Okay then... At dahil wala na akong masabi dito, tatapusin ko na lang to gamit ang makabagbag-damdaming mga salita ng bandang Parokya ni Edgar... "Hindi ko na alam kung paano tatapusin ang kanta, kaya ganito na lang, bigla na lang mawawala." |

|
Home | About | Blog | Links | Feedback |