~~Ang Tamis ng Pag-ibig~~
Isipin mo ako kung may problema ka
Dyan sa tabi mo pagkat minamahal kita....
Sagipin mo sana ang puso ko
Na biglang nadulas at nahulog sa iyo..
Twing sa yakap mo, paraiso ang nakakamit
At ang iyong halik ay nagdala sa akin sa langit
Wag kang mangako sa langit at mga bituin
Sabihin mo lamang na ako'y mamahalin
Mali silang sabihing na ika'y iwanan ko
Dahil ang tama lang sa akin ay ikaw ang mahal ko....
Yakapin mo ako, ako'y manlalamig
At ninanais maangkin ang iyong pag-ibig
Mali man ako at tama sila
Na hindi bagay tayong dalawa
Mahirap mang sabihin ang nais ko
Ang pinili ko parin ay ang maging tayo....
Nangangarap ng gising
Na ako'y sa iyong bisig
Ikaw ang hiling at ang iyong pag-ibig...
Hosted by www.Geocities.ws

1