Ang Tamis ng Pag-ibig II
Hindi ako titigil para sa ating dalawa
'Di ako pa-aawat, ano man ang sabihin nila
Dahil alam ko na minamahal kita
Ikaw ang nag-iisa at tangi kong sinta..
'Wag kang mangamba sa pag-bago ng damdamin
Pagkat puso ko'y sa iyo pati na ang aking mithiin
Ang pag-ibig ko ay di na maglalaho
Pagkat tanging sa iyo lamang ang aking pagsamo ...
At sa iyong halik ako'y napapikit
Natangay sa mundong walang dalang pait
Walang hangganan tamis ang aking makamit
Galing sa halik mo na napaka-saglit
Yakap mo na hindi madama
Pati na rin ang halik mo sinta
Ngunit di na iyon kailangan upang mapasaya
Tamis na ang natikman sa sulyap ng iyong mata.......
Ako'y nadulas sa pag-ibig mong wagas
Isang munting hiyas na mula sa yo'y likas
Ang pangarap ko'y tanging ikaw
Damdamin kong ngalan mo'y isinisigaw
Kailanman pag-ibig kong ito'y di maaagaw
Pagkat dito sa puso ko'y nagtatangi kang tanglaw...
Isang ngiti, isang kaway
Isang hawak sa aking kamay
At ang hiling na hinihintay
Ang pag-ibig mo sana ay i-alay..
Ang kislap ng iyong mata
Ay parang isang daan
Na patungo sa langit
At magpakailan pa man..
.
Yakap mo na walang patid
Ay ninanais kong mabatid
Dahilan puso sa iyo'y napatid
At sa akin langit ang hatid..........
Hosted by www.Geocities.ws

1