Di na Magbabago
Huwag magselos sa knaya at yan ay masama
At ikaw lang ang mahal na dapat ay alam na
Kung ako'y may pagtingin sana'y nilihim k na lang
'Di ko sasabihin para walang hadlang

At kung ako'y naglalaro ba't lagi mong alam
Kung ganoon nama'y sana ngayon di ba'y nag-paalam?
Ngunit ang pagtingin ko sa iyo ay talagang tunay
Totoo ito sumpa ko pa ang aking buhay

Huwag mo akong itulad sa iba, yan ay pagkakamali
Isiping mabuti at di magsisi sa huli
Dahil ako'y tapat sa iyo kailan pa man
Ang iyong pag-ibig sa puso ko'y laman

"Wag kang mangamba sa pag-bago ng damdamin
Pagkat puso ko'y sa iyo pati aking mithiin
Ang pag-ibig kong ito ay mahirap maglaho
Kaya tandaan na di ako sa iyo magbabago...
Hosted by www.Geocities.ws

1