|
Ang iyong halik na walang kasingsarap Kakabang tamis ang aking nalalasap At wala na akong ninanais na matanggap Kundi ang patuloy mong pag-ibig na tangi kong pangarap...
Sana twina na lamang ika'y nasa isipan Tunay na pag-ibig yata ang dahilan Pagkat walang pihit at walang hangganan Masarap din and dama ng puso kong nasinagan
Minamahal mo ba ako tulad ng damdamin ko sa iyo? Siguro nga dahit masaya ka rin sa piling ko At kung magpapa tuloy sa ating mga pangako Makakamit natin ang langit, kahit gaano pa ito kalayo..
Ang iyong pagmamahal na sana'y di malusaw Mula sa mga balakid na ating natatanaw Dahit kahit anong mangyari pangalang mo'y isisigaw.... Pagkat dapat mong malaman, pag-ibig ko'y tanging ikaw...... |
|