|
Ini-isip kita ngayon at ang iyong nadarama Kaibigan lang nga ba tayong dalawa? At kung pipilitin, makakaya ko ba Kapag ako'y itinaboy o iwasan na...
Masaya sa iyong piling kahit dito lang Kadamay sa lahat... kaya parang---sayang Pero kahit ano man nasa tabi ka pa rin Lagi nakakasama, ngunit di maangkin
Tuloy ayoko ko na nitong paglilihim.. Nakakasakit na rin kasing dalhin Nalabis ang lapit ng ating pagsasama Ngunit damdamin ko'y di maaring ipa-kita
Basta narito ka, kahit di ka man akin Sa isip na lang mahigpit na yayakapin Hanggang sa magbago ang iyong pag-tingin At kung hindi man, kaibigan pa rin 12-15-2005 5:01 pm |
|