Lilisanin
Ayokong mawalay ka sa piling ko
Dahil sa iyo lamang ang puso kong ito..
'Di nais lumuha o maiwang bigo
Mula sa isang nasirang pangako...

Minamasdan ang bituin sa langit
Saan ang sagot sa tanong na bakit
Ang iyong pag-ibig na biglang pinagkait
Gusto mo bang mapasan ko ang pait?

Ayokong makinig sa iyong mga salita
Gustong itigil ito...'di ka nais mawala!
Kinakailangan ba? ito ba'y sadya?
Na saktan ako at mawala ang ligaya...

Ano bang dapat gawin upang iyong mabatid
Ang lalim ng kirot na iyong inihatid
Poot ng damdamin na biglang naisid..
Lilisanin ng sa oras puso ko'y napatid..
~~Durog na Puso II~~
Maling Pag-ibig
Anong klase ka? Paano mo nagawa ito?
Ang ibalewala ang nadarama ko
Sana kahit saglit ay ikunsidera ang aking nadarama
Mahirap ang aminin na ninamahal kita
Habang ako pala'y walang halaga
Bigyan mo ng pansin ang hiling ng damdamin
Bigyan ng sandali ang aking hangarin
Dahil nais makasama kahit isang saglit
Ngunit hindi ka naman talagang pinipilit
At hindi ko kasalanan ang umibig sa iyo
Kaya 'wag mong hiyain ang nadarama ko
Pagkat ang puso ay nasasaktan
Tuloy pag-ibig na ito ay dapat kalimutan
~~~--~~~--~~~
Hosted by www.Geocities.ws

1