![]() |
![]() |
||||||
| Ikaw ang Sumuway | |||||||
| Dakila mong pag-ibig na sa akin ay suwal Na hatid ay kirot luha at sampal Matapos ibuhos ang aking dangal Nalaman sa haplos na ako'y isang hangal sinuko ang isip sa aking pagtingin Tinupad ang pangako na sa kin ay umangkin Larawan nawiy tungo sa bangil........ Sugat ang dama ngunit hindi umangil Sumuway ka sa wika ng bawat sandali Ngunit na rito kahit ika'y nagkamali Hindi man maamin ang dulot ay hapdi.... Ba't nais ang lahat ay maulit muli? Matapos malaman lason sa iyong mga kamay Namanghang baligtad ang lahat ng iyong gabay.... Di na kailangan anuman ang iyong ala'y Pag-ibig ko'y tapat ngunit ikaw ay sumuway... |
|||||||