Pag-ibig ang ating nararamdaman sa ating mga mapagmahal na magulang at kapatid. Kung wala sila, wala rin ang pamilyang mag-aaruga sa atin.
Kung walang pagibig, sadyang magiging walang halaga't kabuluhan ang pagkakaroon natin ng pamilya.
Ang pagibig ay sadyang mahalaga. Subalit atin sanang pakakaisipin na "Ang pag-ibig ay mapaghinuhod at magandang loob, hindi nagmamapuri, hindi mapagpalalo, hindi nag-uugaling mahalay, hindi hinahanap ang kanyang sarili, hindi nayayamot, hindi nagagalak sa kalikuan kundi nakikigalak sa katotohanan."
Ang pag-ibig ay hindi nagkukulang kailanman ngunit kung sakaling maganap, kailangan lang ng pang-unawa at tiwala.