Hindi ka Malilimutan

ni Emely Carilla



        Tunay nga palang kaybilis ng panahon.  Isang araw ay namulat na lamang ako na dapat na tayong magkahiwalay.  Sariwa pa sa aking isipan ang mga nakaraan.  Ang akala ko noo'y hindi matatapos ang panahon na aking bubunuin upang malampasan ang lahat ng ito.  Ngunit napagtanto kong apat na taon at saya, lungkot, tuwa, luha, tagumpay at kabiguan na aking naranasan kapiling ang aking mahal na paaralan at mga kamag-aral.  Dati-rati ay kumakabog pa ang aking dibdib dahil sa takot sa mga guro.  Halos makuba sa bigat ng mga daladlang mga aklat.  Ang pagpupuyat ay pangkaraniwan na lamang lalo na kung sund-sunod ang pagsusulit o di naman kaya's magpapasa ng proyekto.

        Ngunit kung ating pakaiisipin, ang magagandang karanasan natin sa ating mahal na paaralan ay isang malaking tulong sa pagpapaunlad ng ating pagkatao.  Ang mga guro na nagsisilbing pangalawang ina natin ay walang sawang nagtuturo at nagluluklok sa atin sa wastong landas.

        Sa inyog lahat, maraming maraming salamt sa pagiging bahagi ninyo sa aming buhay.  Maaaring kami'y aalis na, subalit ang lahat ng inyong nagawa ay di mapapalitan ng paglipas ng taon.  Kasama natin ito sa aming paglisan at magiging gabay tungo sa tagumpay.  Asahan ninyong di namin kayo malilimutan.

 

Home        Back        Next

Hosted by www.Geocities.ws

1