Pasay

Si Rey ang pinaka-mahilig magyaya, "sa Pasay tayo!"

Kung minsan, Thursday pa lang, "Sa Pasay tayo! Tinawagan ko na si Felix at Senen, ok daw!" Tawagan mo kahit sino sa binanggit ni Rey na umoo, ikaw pa tatanungin, "kailan tumawag si Rey sa akin?" Labo!

Punta naman sa Pasay kung sino ang libre at walang ibang gagawin. Kadalasan, libre lahat at walang ibang gagawin.

Pasay ay bahay ng nanay ni Cata. Dun din nakatira si Cata. Dun din pinanganak si Cata pero sa Guimba siya lumaki. Malaki si Cata; siya rin ang pinaka-malaki sa mga myembro ng Nagbayagagpapukis egroup. Sa Guimba rin niya nakilala ang mga myembro ng Nagbayagagpapukis egroup. Gamitin ang raw at rin kung ang sinusundang titik ay vowel. Gamitin ang daw at din kung ang sinusundang titik ay consonant. Sa Guimba rin niya nakilala si Binibining Salonga. Ang Guimba ay may sariling kwento ...

Thursday hanggang Sunday sa Pasay kami, inom, darts, gitara, kanta. Inom? Di na pinag-uusapan yan. Darts? Pinagpupustahan namin yan. Kadalasan, ang pusta ay isang litrong Coke bawat game. Pag nagsawa sa Coke, isang litrong Pepsi naman ang pinagpupustahan. And yes, gitara, kanta. Ang gitara't kanta ay may sariling kwento rin ...

   

 

Sumundot ng mga mata

 

 

Hosted by www.Geocities.ws

1