Gitara't Kanta
Lahat kami, marunong maggitara. Lahat kami, naging member ng choir ng simbahan sa Guimba. Kaya naman, lahat kami, marunong maggitara't kumanta. May isa sa amin na proud kami. Si Nerd, lead guitarist at bokalista ng anong banda na nga yun? Proud kami pero di namin alam pangalan ng banda niya. Sori, Nerd. Anyway, naggi-gig sa Bistro '70s ang banda niya. Kung minsan, pumupunta kami. Magaling na siya. Iba. Si Rey, may electric guitar, may amplifier din. Dinadala niya yun kahit saan may gimik. Ang problema, may topak ang lintik na gitara't amplifier. Kaya naman, alas-11 na ng gabi at lasing na kami, di pa namin magamit. Kapag finally nakisama na ang lintik na gitara't amplifier, tulog na ang mga kapitbahay. Bawal nang mag-ingay. Uwi na lang tayo. Si Cata, may gitara. Correction, maraming naging gitara. Grade 2 pa lang, may maliit nang gitara, yung tipong kayang akapin ng Grade 2. Along the way, napag-tripan ang maliit na gitara, ginawang acoustic base guitar. Nung pinagsawaan, itinambak. Gaano kadami ang naging gitara ni Cata? Bukod sa maliit na gitara, may isa nung high school, isa nun college, dalawa nung magkaroon siya ng work (see pictures). At may base guitar pa siya galing kay Nerd. Lahat yun, nanduong nasira, o ipinahingi, o nakatambak. Si Abet, maraming kamag-pamilya na may gitara. At magagaling gumitara. Yung dalawang utol, dating member ng Philippine Army band (isa dun sa dalawa, magaling pang mag-drums at mag-sax). May mga pamangkin ding magagaling maggitara. Pero marunong din siyang maggitara. Kaya lang, sabi niya, mas magaling siyang kumanta kaysa maggitara. Kaya sa gimik, siya lagi ang kumakanta. Si Felix at Senen, alam nila ang bass riff ng "With or without you" ng U2. Yun lang yata. Si Felix, magaling ding mag-flute. At kaya niyang mag-flute habang nagyoyosi (see picture)! Si Grig, may gitara din. Pero kaiba ang nadevelop niyang talent. Ipahanap mo sa kanya anumang kanta na nasa compilation namin ng mga songbuk, ibibigay niya sa iyo in 6 seconds, nakabuklat na sa tamang page! Hindi gaanong ginagamit ni Grig ang gitara niya. Kasi mas gusto niyang mag-pluck ng alam mo na. Dahil dito, di nasasagad ang batak ng mga kwerdas. Kaya laging wala sa tono ang gitara. Tatawag yan kay Cata para ipatono. Over the phone ha! "Taas pa, taas pa, yan, baba mo ng konti, baba, baba. Yan! O, next." Lahat kami, marunong maggitara. Lahat kami, naging member ng choir ng simbahan sa Guimba. Kaya naman, lahat kami, marunong maggitara't kumanta. |
|
![]() |
![]() |