KABANATA THREE: "First Date"

Mahimbing ang aking pagkakatulog at sa unang pagkakataon, hindi ako ginambala ni Alvin. Nagising ako sa vibration na dulot ng aking cellphone - nagtext pala si Ces. "Gud am Kevs, msta ung swimming? Kaw ha! Kwento ka naman!" napangiti ako at namalayan ang sarili na tulala at yakap-yakap ang unan sa tabi ko. Sinagot ko naman siya ngunit hindi ko dinetalye ang mga nangyari sa amin ni Gary nang gabing iyon. Nagpasalamat din ako kay Ces dahil kung hindi dahil sa kanila ay hindi ko nakilala si Gary... at hindi magiging masaya ang araw na ito. Hindi na ako makapaghintay na makita siya ulit. Nakakakilig... nakakabaliw!

Pagbangon ko ay agad kong tinungo ang aking aparador upang maghanap ng maaari kong isuot mamaya sa aming First Date. Kahit papaano ay gusto kong maging presentable habang kasama ko siya. Pumili ako ng desenteng damit na magiging komportable ako at pagkatapos ay dadalhin ko ito sa harap ng salamin at titignan kung anong magiging itsura ko kapag sinuot ko iyon. Habang abala ako sa pagpili ng isusuot ay nag-vibrate na naman ang aking cellphone. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa akin at bigla na lang akong napatakbo papunta sa kama upang tignan kung sino ang nagtext. Nalungkot ako dahil isang forwarded message lang pala galing kay Girly ang dumating.

Bumalik ulit ako sa aparador at naging abala na naman ako sa paghahanap. Bigla akong nagawi sa ilang damit na hindi ko na masyadong ginagamit at napansin ko ang isang maroon na polo shirt sa dulo. Iyon ang damit na ini-regalo sa akin ni Alvin noong aking kaarawan. "Gamitin mo iyan kapag masaya ka. Dahil gusto ko lagi kang masaya." mga katagang binitiwan niya habang ibinibigay ang regalong iyon sa akin. Hindi man niya ako ginambala sa aking pagtulog ngunit doon siya bumawi sa regalo. Lumapit ako sa salamin at tiningnan ang sarili na suot ang damit na iyon. "Alvin, di ba sabi mo gamitin ko ito kapag masaya ako? Sana huwag kang magalit at sana huwag mo akong multuhin." sabi ko sa sarili ko.

Matapos kung mamili ng damit ay tinungo ko naman ang aking mga pabango. Pumili ako sa tatlong klase ng pabango na binili ko. Kailangan mabango ako habang kasama ko siya upang mahikayat ko siya na yakapin ako. At siyempre dapat din ay mabango ang hininga ko, para kung sakali mang halikan niya ako ay hindi siya makatiis at humingi pa ng isa. Napangiti na naman ako habang tinitignan ang sarili sa salamin, daig pa ang nanalo sa lotto. Maya-maya pa ay tumunog na naman ang aking cellphone at kagaya ng nangyari ay agad akong tumakbo patungo sa kama upang tignan kung sino ang nagtext. "Good Morning, Kevin. Gising ka na ba?" text ni Gary. Nang mga sandaling iyon ay parang may mga anghel na sabay sabay na nagkakantahan sa likod ko. Sinagot ko naman agad ang text niya ngunit pinalabas ko na hindi pa ako bumabangon dahil ayaw kong mahalata niya na excited ako. Matapos ang ilang palitan ng texts ay nagpaalam na din siya, "Meet na lang tayo mamaya sa Coffee Shop. 7pm. Prepare nako for school. Mwah." huling text niya sa akin. Siyempre, sino ba naman ang hindi kikiligin sa "Mwah?" Kakabangon ko pa lang pero parang kumpleto na ang araw ko, yan ang nararamdaman ko nang sandaling iyon.

Pagdating ng alas nuebe ng umaga ay nag-almusal na din ako kasabay si Nanay at ang kanyang Yaya. Pagkatapos ay tumungo na ako sa aming tindahan upang asikasuhin ang negosyo. Naging abala ako doon nang ilang oras at hindi ko napansin na nagtext na pala sa akin si Gary. "Kevin, okay lang ba saiyo na 7:30 pm na lang tayo magkita? May kailangan pa kasi akong tapusin bago ako umalis dito sa school." Naiintindihan ko naman na medyo mabigat ang kanyang trabaho kaya sabi ko ay ayos lang sa akin.

Umuwi ako pagkatapos ng aking trabaho sa tindahan upang makapagpahinga at makapag-ayos ng aking sarili. Pero sa sobrang pananabik ko ay maaga akong nakapunta sa aming tagpuan. Hindi ko alam kung bakit pero parang gusto ko na siyang makita at noong araw na iyon, siya lang ang laging nasa isip ko. Ilang sandali lang ay bumuhos pa ang malakas na ulan, naisip ko tuloy na baka ayaw kaming pagtagpuin ni Gary. Nakiusap ako sa langit na pagbigyan ako kahit ngayon lang gabi - lahat naman tayo gustong lumigaya. Sabay ngiti...

Bandang alas siete ay nagtext si Gary, "Nandiyan ka na ba? Sandali lang ha. Bihis lang ako." at dahil maulan ay sinabihan ko siya na huwag masyado magmadali at hintayin muna na tumila ang ulan. Agad naman siyang nagreply, "Opo, boss. Hehe" siyempre, kinilig ako. Mga kahibangan na tipong nakangiti at nakaupo mag-isa.

Alas siete y medya impunto ng dumating ang sasakyan ni Gary, malakas pa rin ang ulan. Gusto ko sana siyang salubungin ngunit wala naman akong dala-dalang payong. Pagbukas ng pinto ay dagliang tumakbo papasok ng Coffee Shop si Gary. Naka-itim na Poloshirt si Gary kaya mas lumitaw ang kaputian niya. Pagkatapos niyang magpunas sa katawan, dahil sa nabasa ito ng ulan, ay lumingon-lingon siya sa paligid upang ako'y hanapin. Hindi ako nagpahalata kung nasaan ako at nang dumapo ang kanyang mga mata sa akin ay agad siyang ngumiti. Bumagal ang oras habang siya'y papalapit sa akin hanggang sa namalayan ko na lang ang sarili ko na napatayo at sumalubong sa kanya. "Oh ano ka ba? Bakit ka pa tumayo? Haha" sabay yakap sa akin. Nasa may kanang balikat niya ang ulo ko habang nakayakap siya sa akin. Hindi ko napigilang ipikit ang mga mata ko para mas madama ang init ng kanyang katawan sa katawan ko - parang hindi ko na ninanais ang bumitaw. "Ahh Kevin, okay na. Hehe" gambala niya sa aking pagdidiliryo. Nahiya ako dahil ng idinilat ko ang mga mata ko ay marami palang ibang tao sa Coffee Shop. Hindi ko na naman napigilan ang sarili ko. Napansin ko na namula si Gary ngunit ito'y nakangiti. "Pasensya ka na ha, kanina ka pa ba? Marami pa kasi akong inasikaso." sinabi ko na ayos lang naman. Napilitan kaming manatili muna sa Coffee Shop hanggang sa tumila ang ulan. "Kumusta ang araw mo? Mukhang pagod na pagod ka." usisa ko kay Gary. Napabuntong-hininga siya sabay kamot sa noo, "Oo nga eh. Okay lang yun. May pambawi naman. Hehe" namula ako at napangiti habang nakatitig sa kapeng iniinum ko. Napapansin ko na medyo nagkaka-ilangan pa kami dahil wala kaming ibang mapag-usapan kung hindi ang mga nangyari ngayong araw."Kumain ka na ba?" tanong ko ulit sa kanya. "Hindi pa nga eh, dinner muna tayo. My treat." sagot niya. Biniro ko siya para medyo maging komportable naman siya sa akin. "Baka mamaya na naman niyan sabihin mo, ang takaw-takaw ko." bigla siyang napatawa. "Eh oo naman talaga. Tingnan mo, ang taba-taba mo na." dagdag niya pa sa pang-iinsulto sa akin. Hindi ko alam kung bakit napakahilig niyang asarin ako, siguro dahil natutuwa siya na nakikita akong napipikon. Pero kahit kailan naman ay hindi ako napikon sa mga tuksong katulad ng mga ginagawa niya. Dahil ang totoo ay sobrang kinikilig ako.

Hindi na namin namalayan na tumigil na pala ang ulan. Nagpasiya na si Gary na umalis kami doon upang makapaghapunan. Pagpasok namin sa kotse ay umupo ako sa harap katabi niya. Napansin ko na medyo nag-aalangan siya kaya nagtanong ako, "Bakit Gary? Anong problema?" bigla niyang sinuri kung nakasara ang mga pinto. "Paki-check nga yung pinto diyan sa'yo, baka kasi hindi mo naisara ng maayos." kaya siyempre tinignan ko ito. Binuksan ko at pinuwersa pabalik upang maisara ko ng maayos. "May nakabukas pa rin eh. Teka, check ko nga." Bigla siyang lumapit sa akin at inabot ng kaliwang kamay niya ang pinto. Ipinuwesto niya ang kanang kamay niya sa may kaliwang balikat ko. Naging magkalapit ang mga mukha namin ni Gary at bigla kong naamoy ang kanyang pabango. Gusto ko siyang yakapin pero sa halip ay pinigilan ko ang aking sarili. Natagalan siya sa pagsuri sa pinto at napansin kong parang nanginginig ang kanang kamay niya sa may balikat ko. "Okay na ba?" tanong ko sa kanya. Bigla siyang humarap sa akin at sinunggaban ako sa labi. Nagulat ako sa ginawa niya ngunit nang nagtagal ay napapikit na lamang ako at napahawak sa mukha ni Gary. Halata sa mga halik niya ang pananabik sa akin. Ganoon din naman ang nararamdaman ko sa kanya. Parang sa ganoong oras pa lamang ay buo na ang gabi ko. Maligaya na ako. Pagkatapos niyang gawin iyon ay namula ako at hindi ako nakatingin sa kanya ng diretso. "Okay na, nakasara na pala lahat. Hehe" sabay ngiti. Nag-umpisa na siyang magmaneho at dinala niya ako sa isang sikat na restaurant sa ciudad, mamahaling restaurant.

Pagpasok namin ay nagulat ako dahil halos mayayaman at mga tsino ang nandoon sa loob. Hindi ko inaasahang doon niya ako dadalhin pero hindi ako nagpahalatang nahihiya ako. Tinanong niya ako kung anong gusto kong kainin pero simpleng rice meal lang ang kinuha ko. Habang kumakain ay hindi ako umiimik dahil nga sa nahihiya ako at hindi ako sanay sa mga lugar na katulad noon. Pasulyap-sulyap si Gary sa akin at nahalata niya na hindi ako komportable kaya kinausap niya ako. "Mukhang hindi ka komportable dito. Pasensya ka na ha." Ayaw ko naman magmukhang maarte kaya sinagot ko siya na, "Okay lang ano ka ba!"

Ang layunin naman ng gabing iyon ay mas magkakilala kami kaya gumawa ako ng paraan para makapagtanong sa kanya. "Hmm, paano ba kayo nagkakilala ng ex-boyfriend mo?" nabigla siya sa tanong ko at akmang mabubulunan pa yata. "Ughhh, wow. Bakit mo naman natanong yan?" sabay punas ng mukha at inom ng tubig. "Wala naman, gusto ko lang malaman." habang sumusubo ng pagkain. Napatitig siya bigla sa akin, "Ganito yun, yung Dad ko at yung father niya may project before sa company nila. Doon kami nagkakilala. Hanggang sa lagi na kami magkasama tapos ayun..." napatango naman ako. Naghanap ulit ako ng tyempo para makapagtanong, "Kumusta naman kayong dalawa noon?" napakamot ulit siya sa ulo habang nag-iisip ng isasagot sa pang-uusisa ko. "Okay naman pero nung nagtagal parang hindi na ako masaya. Umabot na kasi sa puntong lagi na kaming nag-aaway. Yung parang pinipilit ko na lang yung hindi pwede." sagot niya sa akin. Tinawag niya yung waiter at kumuha ng dalawang desert. "Ikaw? Siguro marami ka ng experience no?" nagulat ako sa tanong niya. Pero sinagot ko siya ng totoo, "Marami-rami na rin, pero mas importante pa rin sa akin ang relasyon kaysa sa experience. Hehe." napatawa siya sa sagot ko. "Ako kasi wala pa akong experience. Boyfriend lang pero pagdating sa sex, wala pa. Gusto ko kasi maranasan yun sa taong mahal ko talaga. Yung sigurado ako..." naisip ko tuloy ang nagyari sa amin nung overnight swimming. Kaya pala nakatulog siya pagkatapos naming maghalikan sa kubo. Tumango na lang ako bilang pagsang-ayon sa mga sagot niya. "Noon, ang sex sa akin parang isang laro lang. Pero nung mag-college ako na-realize ko na di lang pala dapat puro kalibugan ang umiiral sa katawan ng tao. Hehe." tumango din si Gary bilang pagsang-ayon sa mga sinabi ko. Nawala ang pagkahiya namin sa isa't isa. At nang matapos namin ang aming hapunan ay niyaya ako ni Gary na mag-inuman. Sinabihan niya din ako na ako na ang bahala sa lugar kaya iminungkahi ko sa kanya na pumunta kami sa isang Bar na lagi kong pinupuntahan.

Pagpasok namin doon ay nagulat si Gary dahil masyadong maingay sa loob. Maraming tao, siksikan at halos nagsisigawan na ito habang nagsasayawan. Sa paghahanap namin ng puwesto sa bar ay panay ang pagsalubong sa akin ng mga kakilala ko doon. Nabigla si Gary dahil hindi niya inaaasahang marami pala akong kakilala, "Wow, dami mo kakilala dito. Lagi ka ba dito?" pasigaw niyang usisa sa akin. "Weekends dati, pero ngayon bihira na lang." pasigaw na pagsagot ko sa kanya. Biglang lumapit ang kaibigan kong si Ross, isang barista, upang ituro sa amin ang isang bakanteng table malapit sa bar. Natuwa naman si Gary dahil maganda ang napiling puwesto ni Ross para sa amin.

Sari-saring tao ang makakasalamuha mo kapag pumasok ka sa isang bar; mga magbabarkadang linggo-linggo kung gumimik, mga batang nagsisimula pa lang mag-eksperimento sa pakikisalamuha sa kapwa tao, mga matatandang napaglumaan na ng panahon at naghahanap ng panandaliang ligaya, mga taong maligaya na ngunit gusto pa maghanap ng iba at marami pang iba. Lahat sila may kanya-kanyang motibo sa lugar na iyon. Lahat sila walang pakialam kahit mag-ingay ngf mag-ingay. Ang masaklap lamang ay sa oras na matapos ang gabi at umuwi na sila ay babalik ito sa kani-kanilang normal na pamumuhay. Kami lang yata ang iba ang motibo ng gabing iyon, ang makapag-date.

Habang pinipilit namin ang aming sarili na sumabay sa musika ay biglang may umakyat sa bar dala ang isang mikropono. Nang gabing iyon ay mayroong pakulo na kung sino man ang makakaubos ng isang buong pitsel ng beer sa isang inuman ay hihiranging "King/Queen of the Night." Alam ko na ang pakulong ito at ilang beses ko na din itong nasubukan kaya ipinagmayabang ko ito kay Gary at daglian kong isinali ang aking sarili. "Seryoso ka?" tanong sa akin ni Gary na parang gulat na gulat. "Oo, don't worry sisiw lang yan!" sabay lapit at akyat sa bar. Naghiyawan ang mga tao at pansin ko ang palakpak ni Gary sa table namin habang tumatawa. Hindi naman ako nabigo pero halos maduwal na ako sa sobrang pagmamadali. Nanalo akong "King of the Night" at kasama nito ang isang munting korona na kinakailangan mong suotin hanggang sa matapos ang gabi. Naghanap pa sila ng mga gustong humamon. Mayroong babaeng sumunod sa akin upang subukang talunin ako ngunit nabigo ito. Ilang sandali lang ay bigla akong kinalabit ni Gary, "Gusto kong subukan!" Nagulat ako sa sinambit niyang iyon at bigla akong natawa, "Sigurado ka? Huwag na! Baka mapahiya ka lang." at bigla niya akong tinitigan ng matalim sabay punta sa bar. Bigla niyang tinaas ang kanang kamay at isinali ang sarili. Ang lakas ng trip ni Gary ng mga oras na iyon. Pero habang ginagawa niya iyon ay sobrang kinikilig ako. Dahil doon ko napatunayan na kaya niya rin palang sakyan ang mga kabaliwan ko. Natagalan si Gary sa pag-inom ng beer nit wala itong sinayang na kahit na konti, sinaid niya talaga ang laman ng pitsel. At matapos niya itong ubusin ay sumigaw siya ng napakalakas. Pagbalik niya sa table namin ay panay ang ngiti niya sa akin, "Sinong napahiya ngayon? Ha? Ha?" Wala akong nagawa kaya agad kong ibinigay ang korona ko kay Gary. "Salamat." pa-insulto niyang pamimikon sa akin.

Nagpatuloy kami sa aming inuman pero hindi na kami makagalaw ng maayos dahil sa kalasingan - lalo na si Gary. Dahil sa sobrang saya ko ay niyaya ko si Gary sa dancefloor. Sa una ay ayaw niya ngunit napilit ko din ito. Hanggang sa namalayan na lamang namin ang aming mga sarili na nagwawala sa dancefloor. Hindi namin pinansin ang siksikan, nakatitig lang kami sa isa't isa habang sumasayaw. Bigla niya akong kinabig at niyakap sa gitna ng napakaraming tao. At nang bumitaw siya ay hinawakan niya ang aking mukha gamit ang kanyang dalawang kamay at sinunggaban ako ng halik. Napapikit ako at napayakap na rin ako sa kanya. Biglang nagsigawan ang mga tao sa paligid namin at pagdilat ko ay nagpapalakpakan sila at nakaharap sa aming dalawa. Nung sandaling iyon parang naramdaman ko na bagong kasal kami ni Gary at sila ang mga witness sa kasal namin. Nagpatuloy kami sa pagsayaw at biglang dumagsa ang napakaraming tao sa dancefloor. Hindi naging komportable si Gary at biglang tumakbo patungong CR. Sinundan ko siya at nang mahabol ko ito sa toilet ay napapasuka na pala ito. Inalalayan ko siya hanggang sa mahimasmasan siya at kumuha na rin ako ng tubig para kahit papaano ay mapalitan ng tubig ang mga naisuka niya. Nang makahinga siya ng maluwag-luwag ay niyaya ko na siyang umuwi. "Halika na, ihahatid na kita." sabay punas sa mukha niya. "Pasensya ka na, hindi talaga kasi ako sanay uminom." sabay alalay sa kanya palabas ng bar at papunta sa kanyang kotse. "Teka, marunong ka bang mag-drive?" napangiti ako sabay hawak sa mukha niya. "Oo, marunong po. Relax ka lang. Hindi ko gagasgasan 'tong kotse mo." High School pa lang yata ako ng matuto akong mag-drive, salamat sa Tito kong si Don na may sariling auto-shop at mga car accessories.

Pagdating namin sa apartment ni Gary ay tulog na tulog na siya. Marahil sa sobrang kalasingan kaya nakatulog na ito. Wala akong nagawa kaya kinarga ko na lamang ito papasok sa kaniyang apartment at pansamantala ko siyang inilatag sa sofa. Bumalik ako sa labas upang i-lock ang kotse at isara ang gate. Bumalik ako sa loob pero nakatayo na pala si Gary papunta sa kwarto niya. "Oh teka, alalayan na kita baka matumba ka." tinitigan niya lang ako pero halatang halata na sa mga mata niya ang sobrang kalasingan. Nang malapit na kami sa kanyang kwarto ay bigla siyang sumandal sa may pinto at kinuha ang korona mula sa kanyang ulo. "Suotin mo to, mas bagay sa'yo." sabay suot sa ulo ko. Napangiti ako at nagkatitigan kami. Hinalikan ko siya sa noo at nagsabi, "Salamat, sige na halika na... para makapagpahinga ka na." panay ang tawa niya.

Nang maihiga ko na siya ay agad kong tinanggal ang sapatos at medyas niya. At nang sisimulan ko na sanang hubarin ang shirt niya ay bigla niyang hinawakan ang mga kamay ko. "Teka sandali, payakap muna." kaya humiga ako sa tabi niya. Nakatagilid ako at naka harap sa kanya. Ang ulo niya ay nasa may gawing leeg ko at agad niyang naibalot ang mga braso niya sa katawan ko. "Mamaya ka na umalis." pabulong niya sa akin. Hinalikan ko siya sa noo at bumulong, "Oo, sige na pahinga ka na." naging tahimik na rin siya at nakatulog na rin kami pareho.

Bandang alas quatro ng umaga nang magising ulit ako. Hindi ko na napansin ang oras, kailangan ko pa palang umuwi at baka hanapin ako ni Nanay. Nakabalot pa rin ang mga braso ni Gary sa katawan ko ngunit mahimbing na ang kanyang pagkakatulog. Inayos ko ang kanyang pagkakahiga, iniwan ang susi ng kotse at apartment sa isang night stand malapit sa kanyang higaan. Ayaw ko rin umalis kaagad ngunit kailangan ko pang umuwi. Hindi ko na siya ginising upang magpaalam, nag-iwan na lang ako ng isang note na nagsasabing, "Gary, umuwi muna ako. Mukhang masarap ang tulog mo kaya di na kita ginising. Nag enjoy ako kagabi. Mwah Kevin"

Pag-uwi ko ay mahimbing na rin ang tulog ni Nanay ngunit naiwan niyang nakabukas ang TV. Isinara ko ito at inayos ang kanyang pagkakahiga, kinumutan ko din siya upang hindi siya lamigin. At nag-good night ako sa kanyang sa pamamagitan ng paghalik sa kanyang noo. Iniwan kong bukas ang lampshade sa tabi ng kama niya at lumabas na rin ako upang tumungo sa aking kwarto at makapagpahinga.

Humiga na ako at bahagyang naka-idlip. Biglang tumunog ang cellphone ko at may nagtext. "I love you." sabi ni Gary. Napatingala ako sa kisame at naalala ko tuloy ang mga unang halik namin ni Gary sa swimming, yung parang sabik na sabik kami sa bawa't isa. At ngayong gabi, nang niyakap niya ako... isa lang ang naramdaman ko. Masaya ako kapag kasama ko siya. Komportable ako na kasama ko siya at mahal na mahal ko na siya. Ito ang dahilan kung bakit hindi ako nagdalawang-isip na sabihing, "I love you too. Sleep well." sa kanya. ;)

Comments:

Templates online

Maganda ang gabi, malamig ang simoy ng hangin, tahimik ang paligid at sa kabila ng aking pagkakatulog, yakap yakap ako ni Alvin. Maya-maya'y narinig ko ang boses ni Girly, "Kevs! Kevs! Nandiyan ba kayo? Gising na! Almusal na... Malapit na tayong umalis." Nagulat ako at biglang napadilat ng aking mga mata. Panaginip lang pala ang lahat... sayang. Ngunit sa paggising ko ay parang ang bigat ng pakiramdam ko, hindi ako makagalaw ng maayos. Nagulat na lamang ako nang inangat ko ang ulo ko, nakadapa pala si Sir Gary sa katawan ko at marahil ay dito na nakatulog. Hindi lang iyon, tanging swimming shorts lamang ang suot naming dalawa. Tinangka kong umalis pero hindi ako makagalaw. Nakayakap siya sa akin ng mahigpit kaya hindi na ako nag-abala pa at sa halip ay hinintay ko na lamang siyang magising. Matapos ang ilang sandali ay hindi ko na namalayan ang sarili ko na yakap-yakap ko na rin pala siya. Masarap sa pakiramdam, parang ayaw ko nang bumitaw. Nasa may kanang balikat ko ang ulo ni Sir Gary at nasa may bandang labi ko ang pisngi niya. Gusto ko siyang halikan kaya dahan-dahan kong inabot ng kanang kamay ko ang ulo niya, sinigurado kong hindi siya makakawala habang hinahalikan ko siya sa pisngi. Ginalaw ko ng bahagya ang mukha ko para magkadikit ang mga labi ko at ang pisngi niya. Bigla siyang gumalaw, bigla siyang nagising. Ginalaw niya ang ulo niya patingin sa akin habang nakahawak pa ang kanang kamay ko sa buhok niya. Halatang-halata sa mga mata niya ang pagkagulat. Bigla siyang bumangon at umupo mula sa pagkakadapa niya sa akin. Nakahinga ako ng maluwag kaya umupo na rin ako. Tiningnan ko lang siya habang nakangiti. Siya naman ay hindi makatingin sa akin ng diretso. Napansin kong namumula na siya kaya nagsalita na rin ako, "Good morning." ngumiti lang din siya pero hindi pa rin makatingin ng diretso sa akin. "Good morning din... anong oras na ba?" tumingin ako sa labas at kumamot ng ulo, "Hindi ko alam eh, tara almusal na daw tayo." at nang nakatayo na ako ay nagtanong siya ulit, "Kanina ka pa ba gising?" ngumiti ulit ako at nagsabing, "Oo."

Dumiretso na kami sa aming cottage na hindi nag-iimikan. Pagdating namin doon ay kumakain na sila ng almusal. Sinalubong kami ni Ces na may dala-dalang plato, "Oh kain na kayo. Saan ba kayo nagpupupunta?" bigla ring nagsalita si Robert, "Alas siete na pala." habang nakatingin sa relos niya. Nagkatitigan lang kami ni Sir Gary pero hindi kami nakasagot. Nang mahalata na ni Ces ay ngumiti na lamang ito. Naupo kaming magkahiwalay pero magkaharap. At sa tuwing maaalala ko ang nangyari kagabi ay napapangiti ako kay Sir Gary. Gaya ng dati, hindi pa rin siya makatingin sa akin ng diretso.

KABANATA TWO: "ANG OVERNIGHT SWIMMING"

Siyam na oras ang nakakaraan...

Ibinaling ko ang aking atensyon sa barkada para matigil ako sa kakaisip sa mga nangyari sa buhay ko. Isang araw ay napagdesisyunan namin ng grupo na mag-overnight swimming sa isang beach resort. Nauna kami nila Girly at Ces sa resort dahil may sarili ring kotse ang boyfriend ni Ces na si Robert. Nang nasa cottage na kami ay biglang sumigaw si Ces, "Andiyan na raw si Sir Gary. Magpapatulong daw kumuha nung gamit." kaya agad naming pinuntahan si Sir Gary sa kanyang kotse. Pagdating namin doon ay nakabukas ang likod ng sasakyan na laman ang water jug, tent, mga paglulutuan at lulutin namin sa cottage. Matapos kong kunin ang isang plastic bag na may mga lulutuin ay hinila ko naman ang folded na tent ngunit parang nakasabit ito kaya't hindi ko makuha. Sinabihan ko si Robert, "Naku, sumabit pa yata." ngunit hindi na pala siya ang katabi ko kundi si Sir Gary na pala. Pagtingin ko sa kanya ay natulala ako sa ganda ng katawan niya. Nakaputing hapit na sando na nagpabakat ng kanyang katawan. Nakabulaklakang shorts din siya kaya mukhang handa na siyang maligo. Ngunit hindi lang iyon ang talagang nagpagulat sa akin. Wala na ang kanyang mahabang buhok dahil nagpagupit si Sir Gary. Mas maganda ang buhok niya ngayon, mas malinis tingnan. Ito ang dahilan kung bakit mas lumitaw ang ganda ng kanyang mukha at nagpagwapo ng kanyang mga ngiti. Hindi ko namalayan ang sarili ko na nakatitig na pala sa kanya. "Huy, ang sabi ko, alisin mo muna kasi yung water jug. Okay ka lang?" napatingin ako sa hinihila ko, "Ahh ehh, ganun ba? Teka, sandali." bigla siyang bumalik sa loob ng kotse na dala ang isang malakas na tawa.

Nabighani ako sa bagong itsura ni Sir Gary. Hindi talaga ako nakapag-isip ng maayos sa mga nasaksihan ko nang sandaling iyon. Pero mas pinainit nito ang gabi nang mga sandaling hinubad niya ang kanyang suot na puting sando upang lumusong sa dagat. Para bang bumagal ang oras habang tinatanggal niya ito at dahan-dahang isinasambulat ang makisig niyang katawan. Hindi ulit ako nakapag-isip ng maayos at namalayan ko na lang ang sarili na nakatitig na naman sa kanya. Mabuti na lang at ginambala ako ni Girly. "Huy, ene ke be!" sabay kurot sa akin. Napikon ako sa panggugulat na ginawa ni Girly kaya tinulak ko siya sa mukha.

Habang si Ces at ang kanyang boyfriend na si Jomar ay abala sa pagkuha ng mga litrato, kami naman ni Girly ay abala sa pag-aayos ng mga pagkain at inumin sa mesa ng cottage. Halatang excited si Sir Gary sa beach dahil sa mag-isa itong nagpasawa sa tubig. Ang sarap niyang sulyapan habang lumalangoy. Ang sarap niyang titigan habang tumutulo ang tubig mula sa kanyang maitim at bagung gupit na buhok pababa sa kanyang leeg na napakakinis. Lumapit sa akin si Ces habang hawak hawak ang DSLR na Camera. Nahuli niya akong nakatitig kay Sir Gary na nakangiti. Bigla niya akong kinuhanan ng litrato. Nagulat ako dahil sa lakas ng flash na nanggagaling sa camera. Tumawa naman si Ces at Girly sabay kurot sa akin, "Uyyy..." ako naman napangiti habang namumula ang mukha sabay kuha ng tsinelas ko at pinaghahabol ko sila ni Girly. Hindi ko namalayan na niyaya na pala ni Jomar si Sir Gary para kumain kaya nabigla ako ng bigla niya akong kilitiin habang nakatalikod sa kanya. Pagtingin ko sa kanya ay tawa siya ng tawa habang ako nama'y namumula pa rin sa pagkagulat at pang-aasar nila Ces at Girly. Ayon na nga, nagsimula na kaming kumain.

Pansamantalang natahimik ang paligid dahil mukhang nagutom kami sa byahe. Walang nakapagsalita ng ilang sandali dahil masasarap ang niluto namin ni Ces. Pero nang naglaon ay hindi rin nakapagpigil magbigay ng komento si Sir Gary, "Sino ba ang nagluto nitong Adobo? Ang sarap ha." kaya agad kong tinaas ang aking kamay dahil sa ako nga ang nagluto noon. Hindi rin ako makapagsalita dahil may laman pa ang aking bibig.

Alas otso pasado, nagkayayaan na kaming lumusong ulit sa dagat. Nauna sina Ces at Girly, sumunod naman si Robert at ako. Nagpaiwan sandali si Sir Gary dahil wala daw maiiwan sa cottage. Hinayaan na lang namin siya. Ayun, nagkatuwaan. Nang mapansin ni Ces na parang nababagot na si Sir ay lumapit siya sa akin. "Kevs, samahan mo muna si Sir, baka nabobore na yun dun." nilingon ko si Sir na kasalukuyang nakaupo at parang tulala. Umahon ako at bumalik sa cottage, "Oh tapos ka na ba? Ang bilis mo naman." tanong niya sa akin. "Hindi, ako na lang magbabantay dito. Mamaya na lang ako, maaga pa naman. Sige na, samahan mo na sila dun." sagot ko sabay upo sa may bandang labas ng cottage. Ilang sandali na lang ay panay ang sigawan ng tatlo sa dalampasigan dahil inaasar nila si Girly. Natatawa pa ako sa mga ginagawa nila tuwing pagkakaisahan ito.

Tumabi sa akin si Sir habang abala ako sa kakapanuod sa iba pa naming kasama. Hawak-hawak ni Sir ang tatlong barbeque, "Barbeque?" alok niya sa akin. Nagtaka ako kung bakit tatlo ang dala niyang barbeque kaya tinanong ko siya. "Bakit tatlo?" sabay tingin sa dala-dala niyang barbeque. "Napansin ko kasi kanina na ang lakas lakas mong kumain kaya dalawa sa'yo, akin ang isa. Hahaha." pang-aasar niyang sagot sa akin. Kunwari pikon ako pero ang totoo'y sobrang kinikilig ako. Nauwi ang pikunan namin sa seryosong usapan. Bigla niya akong tinanong, "Namimiss mo ba siya?" nagulat ako kaya napatingin talaga ako sa kanya kung seryoso siya sa tinanong niya. Nang mapansin kong seryoso nga siya ay yumuko ako, "Minsan, hindi. Pero most of the time, oo." Nakatitig lang siya sa akin habang tinatanong niya ako, "Namimiss mo ba siya ngayon?" napatingala ako sabay ngiti, "Oo, kasi pinaalala mo pa sa akin." napayuko siya pagkasagot ko at huminga ng malalim. "Sorry, yan minsan ang problema sa akin. Masyadong pakialamero." kinabig ko ang braso ko sa braso niya dahil mukhang nahiya siya sa mga natanong niya sa akin. "Okay lang, ano ka ba? Mas mabuti na yun kaysa magpanggap ka na okay ka kahit na ang totoo hindi naman pala talaga." napatingin uli siya sa akin habang sinasabi ko iyon. Nagpatuloy naman siya sa pagtatanong tungkol sa buhay ko. Pero sinabi ko sa sarili ko na hindi ako papayag na ako lang ang halungkatin niya. Kaya tinanong ko din siya, "Ikaw, kwento ka naman." bigla siyang napangiti habang nag-iisip kung papaano sisimulan ang kanyang kwento. "Wag na, walang kwenta ang kwento ng buhay ko Kevs. And besides, naaaliw ako na pakinggan ka. Parang ang saya-saya mo kausap." Nagkatitigan kami matapos noon at nagkaroon ng katahimikan. Matagal na matagal na nag-usap ang aming mga mata. Hanggang sa hindi na lamang namin namalayan na pabalik na pala ang tatlo naming kasama sa cottage. "INUMAN NA!!!" pasigaw ni Robert sa aming lahat. Nagsitayuan na kami ni Sir Gary at agad na tinungo ang loob ng cottage upang makapag-umpisa sa tagayan.

Subok na matatag si Sir Gary, dalawang bote na kami ng Emperador Light ay parang wala pa rin siyang tama. Siyempre ganoon din kami ni Girly. Ngunit nang maumpisahan na ang huling bote ay nagbago ang ihip ng hangin. Gumagaralgal na ang boses ni Sir Gary at minsa'y natatapon niya na ang bawat tagay na iniinum niya. Si Girly naman ay panay na ang tawa, tawa ng tawa, puro tawa, para na siyang timang. Si Ces naman at si Jomar ay naghahalikan na, nagsimula sa isa, dalawa at tatlong beses ngunit ang pang apat ay talagang tumagal na ng halos kinse minutos. Ayon tawa pa rin ng tawa si Girly habang nakapatong na si Ces sa kandungan ni Jomar. Napatingin sa akin si Sir Gary sabay kindat. Tumayo ang mga balahibo ko sa ginawa niya. At mas kinabahan ako ng bigla niyang hinimas ang mga daliri ng paa niya sa mga binti ko. Napatingin ako kay Girly at kina Ces pero mukhang wala naman silang kamalay malay sa mga nangyayari sa ilalim ng mesa. Pinilit naming ubusin ang huling bote kaya talagang sabay sabay kaming tinamaan nang gabing iyon. Kinalaunan ay nakatulog na si Girly sa cottage. Sina Ces naman at Jomar ay pumunta sa isang bakante at madilim na cottage sa malayo upang makapagharutan. Tinungo ko ang mga gamit namin at agad na kinuha ang tent para ayusin para kung sakaling gusto na namin magpahinga ay may matutulugan kami. Naupo lang si Sir habang nanunuod sa akin sa pag ayos ng tent. Nang matapos ako ay tumingin ulit ako sa kanya pero tulala na siya habang nakatingin sa dalampasigan. Iwinagayway ko ang mga kamay ko sa harap ng mga mata niya pero tulala pa rin siya. Tumawa ako kaya hinila ko siya at pinilit na patayuin. "Halika, maglakad-lakad tayo. Mukhang ang laki ng problema mo." tumingin siya sa akin at agad na tumayo. "Saan ba tayo pupunta? Mukhang naparami yata ang nainum ko." ngumiti ako at inalalayan ang makatayo. Tinungo namin ang kabilang resort habang nagkukuwentuhan. Doon ko nalaman na may tatlo pang kapatid si Sir. Isang bunsong babae, isang pang babae na sunod sa kanya at ang pinakapanganay ay lalake na abogado na rin katulad ng Daddy nila. Sinabi niya din sa akin na mas malapit siya sa Mommy niya at sa bunsong kapatid na babae. Ikinuwento niya din sa akin na noong bata pa sila ay hindi sila nakakapaglaro dahil ipinagbabawal sa kanila ito ng kanilang Daddy.

Naikwento niya rin sa wakas ang tungkol sa buhay niya at sa kanyang pamilya. Noon ko din nalaman na may pagka-strikto pala ang Daddy niya. Dahil siguro sa kilala at maimpluwensiya ang kanyang pamilya. Naging abogado pala ang Daddy niya ng mga sikat na pulitiko sa bansa. Nagulat din ako ng ikwento niya rin sa akin na nagkaroon na pala siya ng relasyon sa kapwa niya lalake noon. Ngunit matagal na silang naghiwalay at wala na rin silang komunikasyon. Ito raw umano ay isang estudyante na nakilala niya sa Law School noong hindi pa siya abogado. "Bakit kayo naghiwalay?" tanong ko sa kanya. "Pumasok ako sa relasyon na hindi naman pala talaga ako sigurado, parang ganun." natawa ako sabay pabulong, "Naku, mahirap talaga yan. Minsan kailangan magpakatotoo ka na lang kaysa naman magmukhang tanga yung tao, diba?" tumango siya bilang pagsang-ayon sa mga komento ko. Pabalik na rin kami ng cottage ng mga oras na iyon pero tinungo niya ang isang madilim na cottage malapit sa aming pwesto. "Dito muna tayo, medyo masama ang pakiramdam ko eh. Naparami talaga yata ang nainum ko." inalalayan ko siyang pumasok sa loob at naupo kami sa may bench. "Sige, pahinga ka na muna." bigla siyang bumulong sa akin. "Halika dito Kevin, tabihan mo ako." kaya ako naman ay tumabi na rin ako. Patay-malisya lang ako dahil ayaw ko naman magmukhang malibog ako kahit iyon naman talaga ang gusto kong mangyari. Bumulong ako sa kanya, "Gusto mo doon tayo sa loob? Para naman makahiga ka nang maayos." paanyaya ko sa kanya. Bigla siyang bumangon pero nahalata ko na matutumba siya kaya inalalayan ko siya habang tumatawa. "Ohh, naku, okay ka lang?" ngumiti lang siya sa akin at nagsabing, "Pasensiya ka na ha, hindi naman talaga ako sanay uminom eh."

Pagpasok na pagpasok namin doon ay agad ko siyang inihiga sa sahig na kawayan. Madilim pero maliwanag ang ilaw na nanggagaling sa buwan. Nakahiga kaming magkatabi nang mga sandaling iyon. At habang malamig ang simoy ng hangin ay mabilis ang tibok ng aking puso. Gusto ko siyang yakapin at gusto ko siyang halikan. Nagulat na lang ako nang bigla siyang bumangon at pumaibabaw sa akin. "Okay ka lang ba?" pabulong ko sa kanya. Hindi siya umimik at bagkus ay dumapa siya sa katawan ko. Doon ko unang naramdaman ang init ng katawan niya at mabilis na pagtibok ng kanyang puso. Nanginginig siya habang nakapatong sa akin. Dahan-dahan niyang ginalaw ang mga kamay niya at niyakap ako ng mahigpit. Naramdaman ko ang hininga niya sa mga oras na papalapit ng papalapit ang kanyang mukha sa akin. Hindi na ako nakapaghintay kaya agad ko siyang sinunggaban ng halik. Nagsimula sa labanan ng aming mga labi hanggang sa sumunod ang aming mga dila. Sabik na sabik kami sa isa't isa ng mga oras na iyon. Parang may kuryenteng dumadaloy sa aming mga katawan. Tumigil ako sandali upang tingnan ang kanyang mukha. Nakangiti siya sa akin at biglang bumulong, "Okay ka lang?" hinawakan ko lang siya sa mukha at muli itong ninakawan ng halik. Ang sarap sarap niyang halikan. Parang ayaw kong bumitaw, parang ayaw ko siyang pakawalan. Pansamantalang nawala ang lahat ng problema ko at tanging siya't siya lang ang laman ng isip ko. Matapos noon ay inihiga niya na rin ang kanyang ulo sa dibdib ko. Ako naman ay panay ang himas sa kanyang buhok habang nakatingala sa kisame. "Sige, pahinga ka na." pabulong ko sa kanya.

Nanatili kami sa ganoong posisyon. Hanggang sa lumalim na ang gabi at unti-unti na ring pumipikit ang mga mata ko... at tuluyan na rin akong nakatulog.

Gumaan ang pakiramdam ko. Para akong lumulutang sa sobrang sarap. Malamig din ang simoy ng hangin, tahimik ang paligid at sa kabila ng aking pagkakatulog, yakap yakap ako ng isang lalake. Nang siya'y aking lingunin ay naaninag ko ang mukha ni Alvin. Nakangiti siya habang nakayakap sa akin. Lumapit ako sa kanyang mukha upang siya'y halikan ngunit parang hindi ko magawa. Lumapit ulit ako pero parang mas lalo siyang lumalayo hanggang sa bigla na lang siyang naglaho papunta sa isang nakakasilaw na liwanag. Maya-maya'y narinig ko ang boses ni Girly, "Kevs! Kevs! Nandiyan ba kayo? Gising na! Almusal na... Malapit na tayong umalis." Nagulat ako at biglang napadilat ng aking mga mata. Panaginip lang pala ang lahat... Ngunit sa paggising ko ay parang ang bigat ng pakiramdam ko, hindi ako makagalaw ng maayos. Nagulat na lamang ako nang inangat ko ang ulo ko, nakadapa pa pala si Sir Gary sa katawan ko at marahil ay dito na nakatulog. Tinangka kong umalis pero hindi ako makagalaw. Nakayakap siya sa akin ng mahigpit kaya hindi na ako nag-abala pa at sa halip ay naghintay na lamang akong magising siya. Matapos ang ilang sandali ay hindi ko na namalayan ang sarili ko na yakap-yakap ko na naman siya. Masarap sa pakiramdam, parang ayaw ko nang bumitaw. Nasa may kanang balikat ko ang ulo ni Sir Gary at nasa may bandang labi ko ang pisngi niya. Gusto ko siyang halikan kaya dahan-dahan kong inabot ng kanang kamay ko ang ulo niya, sinigurado kong hindi siya makakawala habang hinahalikan ko siya sa pisngi. Ginalaw ko ng bahagya ang mukha ko para magkadikit ang mga labi ko at ang pisngi niya. Bigla siyang gumalaw, bigla siyang nagising. Ginalaw niya ang ulo niya patingin sa akin habang nakahawak pa ang kanang kamay ko sa buhok niya. Halatang-halata sa mga mata niya ang pagkagulat. Bigla siyang bumangon at umupo mula sa pagkakadapa niya sa akin. Nakahinga ako ng maluwag kaya umupo na rin ako. Tiningnan ko lang siya habang nakangiti. Siya naman ay hindi makatingin sa akin ng diretso. Napansin kong namumula na siya kaya nagsalita na rin ako, "Good morning." ngumiti lang din siya pero hindi pa rin makatingin ng diretso sa akin. "Good morning din... anong oras na ba?" tumingin ako sa labas at kumamot ng ulo, "Hindi ko alam eh, tara almusal na daw tayo." at nang nakatayo na ako ay nagtanong siya ulit, "Kanina ka pa ba gising?" ngumiti ulit ako at nagsabing, "Oo."

Matapos naming mag-almusal ay isa-isa na kaming naligo sa Wash Room. Nauna sa akin si Sir Gary kaya nagpasya muna akong magkape at mag-ayos ng mga gamit namin sa cottage bago umalis. Nang matapos na si Sir Gary ay lumapit siya sa akin, "Oh Kevs, tapos na ako, maligo ka na." Hindi ko na naman namalayan na nakatitig na pala ako sa kanya. Pero nang ibaling ko ang tingin ko sa likod niya ay napansin ko na nakahilera na pala ang tatlo naming kasama at masamang-masama ang tingin sa akin at tiyempong nang-aasar na naman. Sinungitan ko sila at agad na tinungo ang Wash Room.

Pagkabalik ko sa cottage ay nagbihis na rin kami at naglinis. Matapos naming makapag-ayos ay tumungo na kami sa kotse. Dala-dala ko ang water jug dalawang bag at isang plastic habang dumiretso ako sa likod ng sasakyan ni Sir gary. Biglang lumabas si Sir Gary at sinalubong ako, "Akin na, tulungan na kita." sabay kuha ng dala-dala kong water jug. Matapos kong ilagay ang mga bagahe ay nakahinga na ako ng maluwag. Pagkasara ni Sir ng pinto ay tumalikod na ako papunta sa sasakyan nina Ces at Robert. Pero pinigilan niya ako, "Kevin, sandali. Gusto mo bang sa akin ka na lang sumabay?" napalingon ako kina Ces na noo'y nakadungaw sa akin at nagsesenyas na sumama na ako sa kanya. Lumapit ako sa kanya at nagpaalam. "Sige, kay Sir Gary na raw ako sasabay. Okay lang ba?" biglang dumungaw si Girly sa bintana sabay sabi, "Asus, ang landi mo talaga." kaya pinasok ko ang kamay ko para kurutin ulit si Girly. "Sige, ingat kayo ha. Good luck Kevs!" pagpapaalam nina Ces at Robert.

Pagpasok ko ng kotse ni Sir Gary ay nakangiti na rin siya. Wala kaming ibang ginawa sa kotse niya kundi ang sumabay sa mga kanta ng MP3s na pinapatugtog niya. Tapos sa tuwing mamamali kami ng lyrics ay nagkakatawanan kami. Yung simpleng sandali na iyon, ang sarap sa pakiramdam. Hindi ko alam, pero ang saya-saya ko. Pagdating namin malapit sa bahay ay bumaba na rin ako. Pero paglabas ko ay lumabas din si Sir Gary. Lumapit siya sa akin at nagtanong, "Gusto mo bang lumabas bukas?" Sa totoo ay kinilig ako ng mga sandaling iyon. Niyayaya niya akong lumabas, niyayaya niya akong makipag-date sa kanya. Pero para kunwari makasigurado ako ay tinanong ko din siya, "Tayong dalawa lang?" biglang nagbago ang guhit ng mukha niya sabay tanong, "Bakit? Ayaw mo ba?" ngumiti ako at nagsabi, "Okay lang Sir Gary, walang problema. Basta ikaw..." napakamot siya at nakiusap sa akin, "Wag mo na nga akong tawaging Sir, hindi naman kita estudyante eh. Hehe" natawa ako kaya kinamayan ko siya. "Sige Gary, bukas na lang." medyo matagal ang kamayan namin at napansin ko na tila ayaw niyang bumitaw. Tatanungin ko sana siya kung bakit pero bigla niya akong hinila at binigyan ng isang yakap. "Salamat Kevin." sabay hawak ng kanang kamay niya sa likod ng ulo ko habang magkayakap kami. "Ingat sa pagdrive ha." paalam ko sa kanya habang magkahawak pa rin ang kamay namin. Hindi ko alam kung anong meron ng sandaling iyon pero hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya. Pakiramdam na para bang ayaw ko siyang umalis. Pero kailangan niya na din umuwi kaya nagpaalam na din siya sa akin.

Pumasok ako sa loob ng aming bahay na nakangiti at sobrang gaan ng pakiramdam. At siyempre, hindi ko rin ikakaila... hindi na ako makapaghintay sa aming First Date.

Comments:

Templates online

KABANATA ONE: "AFTER ONE YEAR"

Halos tatlong taon na ang nakararaan nang mangyari ang isang pagsubok sa buhay ko. Iniwan kami ni Tatay na isang doktor para sumama sa kanyang mas batang kabit na chief nurse sa hospital na pinagtatrabahuhan niya. Dahil nag-iisang anak ako at lalaki pa ay napilitan akong maghanap ng trabaho ngunit ang kinahinatnan ay nagtayo na lang kami ni Nanay ng negosyo. Pero hindi lang iyon ang nangyari dahil labis na dinamdam ni Nanay ang pag-alis ni Tatay. Hindi niya kinaya ang sobrang sakit kaya siya ay nagtangkang magpakamatay. Nakaligtas si Nanay ngunit nagkaroon ng epekto ito sa kanyang katinuan. Naging catatonic si Nanay, hindi siya makausap at nakatitig lang sa kawalan. Pumunta si Tatay sa hospital at nagtangkang kausapin ako ngunit nabigo lamang siya. Tumindi ang galit ko sa kanya. Pinakiusapan ko siyang lumayo sa amin at binura ko ang lahat ng bagay na nagpapaalala sa kanya.

Iginugol ko ang sarili sa negosyo at naging matagumpay naman ako. At nang nakaluwag-luwag ay ipinagamot si Nanay. Nagkaroon naman ng magandang pagbabago sa mga kilos niya kaya natuwa naman ako. Hanggang sa napalago ko ang negosyo at nakapaghire ng private aid o yaya para kay Nanay. Nang nakaluwag-luwag din sa schedule ay nakalabas naman ng konti para libangin ang sarili. Noong mga panahong iyon nakilala ko si Alvin. Simpleng tao, mabait, responsable at higit sa lahat mapagmahal. Siya ang naging sandalan ko sa mga oras ng kalungkutan at problema. Sabi ko nga sa sarili ko, kung sakali mang nasa mabuting kalagayan si Nanay ay ipapakilala ko agad siya bilang kasintahan ko. Pero nakilala niya naman si Nanay, yun nga lang, hindi siya nakakausap ni Alvin.

Maligayang maligaya ako noon sa piling ni Alvin. Si Nanay naman ay nakakapagsalita na pero kahit pautal utal pa lang ay natuwa na rin ako.

Nagdesisyon si Alvin na ipakilala ako sa mga magulang niya. Araw ng Martes iyon, naghanda ako dahil ayaw kong mapahiya ako sa pamilya ni Alvin. Alas sais ng gabi kami nakatakdang magkita ng araw na iyon kaya bumili ako ng damit at siyempre pabango, mahirap na. Habang naghihintay ako sa bahay ay hinanap ako ng private aid ni Nanay. Hindi daw ito tumitigil sa pag-iyak at ako raw ang hinahanap. Tinungo ko ang kwarto niya at pagbukas ko ng pinto ay sinalubong niya ako ng yakap. Umiiyak si Nanay at nagsasabing, "Natatakot ako Kevin, natatakot ako." tinanong ko siya kung bakit ngunit paulit ulit niya lang sinasabi iyon. Pinatahan ko si Nanay at hinintay kong makatulog.

Matapos makatulog ni Nanay ay napansin kong malapit na pala mag-alas siete y medya. Bakit kaya wala pa si Alvin? Tanong ko sa sarili ko. Nagdaan ang alas nuebe, alas diyes, alas onse, alas dose hanggang kinabukasan ay wala pa ring Alvin na nagpaparamdam. Pero pagsapit ng almusal ay may biglang kumatok sa bahay, ang kaibigan namin ni Alvin. Hindi siya mapakali at halatang pawisan ito. "Kevin, pasensiya ka na ha. Nagmadali agad ako na puntahan ka matapos kong malaman ang nangyari." naguluhan ako sa mga sinasabi niya kaya sinabi kong hindi ko siya naintindihan. "Si Kuya Alvin, naaksidente kagabi. Patay na siya Kevin!" nanigas ang buong katawan ko dahil sa masamang balita na aking nalaman. Napaupo at hindi napigilan ang sarili sa pagiyak. Niyakap ako ng aking kaibigan.

Kinagabihan ay nagpunta ako sa burol kasama ang aking kaibigan. Isang napakagandang itim na kabaong ang tumambad sa akin pagpasok ko. Lumapit ako sa kabaong para tignan si Alvin. Binubulong ko sa sarili ko na sana hindi siya ang nasa loob at paminsan minsay kinukurot ko ang aking sarili dahil baka iyon ay masamang panaginip lamang. Ngunit walang nagbago, totoo pala ang nangyayari. Pagdungaw na pagdungaw ko sa kabaong ay ang gwapong mukha ni Alvin ang tumapat sa akin. Nagpigil ako sa pagiyak dahil sa maraming tao sa kapilya. Maya-maya ay lumapit ang Mama ni Alvin, "Kaibigan niyo ba ang anak ko?" at dahil hindi ako nakasagot ay ang kaibigan ko na ang kumausap sa Mama ni Alvin. "Ah opo, kaibigan po kami ni Alvin. Condolence po. Ano ho bang nangyari?" lumapit ang ginang malapit sa kanyang anak sa kabaong at sumagot habang umiiyak. "Sabi niya sa akin, may ipapakilala daw siya sa amin ng Papa niya pero nalaman ko na lang nagkaroon ng banggaan, kotse ni Alvin at isang pangpasaherong jeepney, may dalawa pang injured mula sa jeep." hindi ako makaimik ng mga sandaling iyon. Halatang halata sa kwento ng Mama ni Alvin na labis ang pagmamahal nito sa anak at bakas sa kanyang mukha ang pangungulila.

Umuwi akong wala sa sariling katinuan. Muntik na nga akong makabangga ng isang ale sa daan dahil lumilipad ang isip ko. Pagpasok na pagpasok ko sa bahay ay tinungo ko si Nanay. Tahimik siyang nakaupo sa sofa habang nakabukas ang TV. Tumabi ako sa kanya na lumilipad pa rin ang isip ko. Hanggang sa namalayan ko na pareho na pala kami wala sa sarili. Tanging boses lang ng isang host sa TV ang naririnig sa buong kwarto hanggang sa biglang nagsalita si Nanay. "Kumusta anak? Kumain ka na ba?" pagtingin ko kay Nanay ay nakatingin siya sa akin at nakangiti. Napayakap ako sa kanya at napaiyak sabay sabi, "Love you Nay."

UNANG KABANTA: "Matapos ang isang taon"

Maganda ang gabi, malamig ang simoy ng hangin, tahimik ang paligid at sa kabila ng aking pagkakatulog, yakap yakap ako ni Alvin.

KRING KRING KRING! Tumunog na ang alarm clock. Panaginip lang pala ang lahat... sayang. Napabangon ako bigla sabay kamot ng ulo. "Hay naku..." sabi ko sa sarili ko. Akala ko pa naman totoo ang mga yakap na iyon.

Ganito ako araw-araw pagkatapos bumangon sa kama. Kahit alam ko kung saan ako pupunta at alam ko kung ano ang mga balak kong gawin, pakiramdam ko ay may kulang pa rin. Minsan pa nga ay tinatanong ako ng mga alalay ko sa tindahan sapagkat bigla na lamang daw akong natutula at parang ang layo ng iniisip. Hanggang dumating sa puntong medyo napapabayaan ko na ang aking sarili at ang pamamalakad sa negosyo. Kinausap ako ng Tita ko, nakababatang kapatid ni Nanay. "iho, ano bang nangyayari sa'yo? Mukhang kasing lagi kang wala sa sarili mo. Iniisip mo pa rin ba ang nangyari kay.." bago pa man siya makapagbanggit ng pangalan ay sumagot na ako sa kanya, "Hindi, okay lang ako Tita. Okay lang po ako." yumuko ako dahil hindi ako makatingin sa kanya ng diretso. Huminga siya ng malalim at tinapik ako sa likod, "Kevin, hanggang kailan mo ba sisisihin ang sarili mo? Hindi mo naman kasalanan ang mga nangyari." hindi ako nakasagot ngunit nakatitig pa rin si Tita sa akin dahil nararamdaman niyang may nais pa akong sabihin. Huminga rin ako ng malalim para makapagsalita ng maayos at tinitigan ko din siya, "Hindi ko alam Tita, masyadong masakit ang mga nangyari. Parang ang hirap bumangon... ang hirap makaahon." hinimas ni Tita ang buhok ko sabay ngiti, "Alam mo, proud na proud ako sa'yo kasi simula ng iniwan kayo ng Tatay niyo, ikaw na ang tumulong at nag-alaga sa Nanay mo. Hanga ako sa katapangan na pinakita mo, Kevin. Kaya alam ko, darating din ang araw makakalimutan mo din ang sakit na nararamdaman mo ngayon." yumuko ulit ako sabay sabi, "Sana nga Tita, sana nga." tinungo ni Tita ang mesa ko sa tindahan at nagsabing, "Ang mabuti pa, ako na ang bahala dito. Libangin mo naman ang sarili mo, go out with your friends. Para maiba naman ang routine mo." tiningnan ko siya na parang nagdadalawang isip pero bago pa man ako makasagot ay ginambala na niya ako, "Sige na, ako na ang bahala dito Kevin."

Umuwi ako para maligo at habang nasa shower room ay iniisip ko kung saan ako pupunta. Tinext ko ang aking kaibigan na si Ces, classmate ko sa college at ngayon ay nasa Law School na. Kinumusta ko siya at agad naman siyang sumagot. "Oh Kevs, mzta na? D2 kmi skul. Pnta ka d2, dali." Pinuntahan ko nga siya sa school pero hindi ko alam na marami pala siyang kasama. Ipinakilala niya naman ako sa mga classmates niya sa Law School. Nakipagkamay naman ako at besobeso sa kanila. Kinalaunan ay napunta ang biruan at tawanan sa isang usapan tungkol sa isang propesor sa Law School na di umano'y crush nila. "...si Sir Gary, ang gwapo niya." narinig ko sa kaibigan ni Ces na si Girly. "Ayun siya oh... Kevs, siya yung Sir Gary namin. Gwapo niya ano?" sabay turo sa isang silid kung saan nandoon nga ang propesor na may mahabang buhok. Matapos ituro ni Ces ang kanilang Sir Gary sa akin ay nagpasya silang yayain ito na sumama sa amin. "Naku, nakakahiya, kayo na magyaya sa kanya. Sige na please." tumawa sa Ces sabay sabi, "Ang lakas ng loob mo magsuggest tapos nahihiya ka din pala. Ang labo mo Girly." hanggang sa nauwi sa tulakan at pasahan kung sino ang kakausap sa Sir Gary nila. Dahil nabagot ako sa paghintay at kakarinig sa mga halakhak at pinaggagagawa nila ay napilitan akong kausapin na mismo ang kanilang Sir Gary. Habang tinutungo ko ang silid ay narinig ko si Ces na sumigaw na para bang kinikilig, "Oh my God!" hanggang sa narinig ko na nagsibulungan at nagtatawanan na din ang mga kasama niya. Kumatok ako sa pinto ng silid, tumingin siya sa akin at agad kong napansin ang brown eyes niya. Ngumiti ako pero sa totoo ay kinakabahan ako pero lumapit pa rin ako sa kanya. Nilagay niya ang libro sa bag niya sabay tanong sa akin, "Good afternoon, what can I do for you Mister...?" ang ganda ng boses niya parang anghel. Kinamayan ko siya at sabay sabi ng, "Kevin po Sir, Kevin Sotero po. Friend po ako nila Ces at Girly." tumingin siya sa labas at kumaway sina Ces na para bang mga fans sa isang mall show. Natawa si Sir Gary, "Napansin ko nga." huminga ako ng malalim para makapagsalita ako ng maayos, "Gusto po sana namin kayo iinvite mamaya lumabas, kung ayos lang po sa inyo?" matapos marinig ang invitation ko ay nilagay niya ang strap ng bag niya sa balikat niya na para bang naghahandang umalis, "Pasensiya ka na, marami pa kasi akong kailangan tapusin. Pero salamat sa invitation. Law Student ka din ba dito?" lumapit ako upang pansamantalang mapigilan siyang umalis. "Dating College Student po Sir, pero I stopped. Gusto raw ho kasi kayong makajam nila Girly dahil cute daw po kayo." tumawa siya at napansin ko na ang gwapo pala talaga ni Gary este Sir Gary, lalo na kapag nakangiti. "Talagang sa'yo pa nanggaling yan." nang mapansin kung gusto na niyang umalis ay binigay ko ang business card ko sa kanya. "Ganito po Sir, ibibigay ko ang contact number ko just in case magbago ang isip niyo. Gusto lang po talaga ng mga friends ko na makajam kayo." tiningnan niya ang business card ko sabay tapik sa likod ko. "Okay po Mr. Kevin." pagkaalis ni Sir Gary ay nagsigawan ang mga babae na parang nakakita ng artista. Si Ces naman ay panay ang pang aasar sa akin.

Matapos ang sandaling pagtambay sa school ay lumabas na kami para makapaglibang. Pumunta kami ng coffee shop. Nalibang ako at pansamantalang nakalimutan ang mga iniisip ko. At matapos ang ilang kuwentuhan at halakhakan ay biglang tumunog ang cellphone ko. Nagtext si Sir Gary at panay naman ang sigawan ng mga kababaihan pagdating niya. Sino ba naman ang hindi kikiligin sa kagwapuhan ni Sir Gary. Siya ang tipong lalake na magugustuhan mo dahil sa kanyang pananamit. Kungdi dahil sa kanyang pustura at mala-artistahing pagmumukha. Ngunit hindi rin ako ang tipong lalake na nagagandahan sa mga lalakeng may mahahaba ang buhok. Iyon lang talaga ang hindi ko nagustuhan sa kanya.

Nagsimula na ang usapan, biruan at halakhakan. Tinanong kami ni Sir Gary kung may mga ka-relasyon na kami. "May boyfriend ako ngayon Sir, 10 months na kami." pangiting sagot ni Ces. Si Girly naman ay nagsabing, "Ako Sir, single pa." sabay kunwari'y nang-aakit na tingin. Naghalak-hakan ulit kami na parang wala sa sarili. Hanggang sa napatingin si Sir sa akin, "Ikaw, Kevin?" nagulat ako sa tanong niya. Tumingin ako kay Ces na biglang napayuko matapos ako tanungin ni Sir Gary. Nagtaka si Sir kaya muli siyang nagsalita, "Is there something wrong?" biglang nagsalita si Ces para basagin ang katahimikan, "Wala naman po Sir. Medyo hindi lang siguro komportable sa ngayon si Kevin na pag-usapan ang tungkol diyan." tumango siya at tumingin ulit sa akin, "I'm sorry Gary. It's okay if you don't want to answer the question." matapos noon ay sumingit si Girly at nagbiro hanggang sa mauwi na naman ang usapan sa halak-hakan. Kaya parang wala ring kahiyaan na nangyari.

Dumating sa punto na lagi na naming nakakasama si Sir Gary sa paglalabas namin. Naging close na rin kami sa isa't isa. At nang isang gabi na galing kami sa isang resto bar ay nagkataong ako ang pinakahuli niyang inihatid pauwi gamit ang kanyang sasakyan. Si Ces ang huli naming hinatid kaya hinatid ko siya hanggang sa may gate nila. Biglang bumulong sa akin si Ces, "Sa tingin ko, type ka ni Sir Gary." sabay ngiti. Kinurot ko lang siya at ngumiti sabay sabi ng "Lasing ka na. Sige na, see you again some time." Hinintay kong makapasok si Ces at matapos ay bumalik na ako sa kotse ni Sir Gary. "Hindi ka pa ba pagagalitan sainyo?" tanong niya sa akin matapos akong bumalik sa loob ng sasakyan. "Hindi pa naman, medyo maaga pa naman eh." ngumiti lang siya. Nang malapit na kami pabalik ng centro ay niyaya niya akong kumain ng Goto para mahimasmasan daw at medyo mawala ang kalasingan.

Seryoso ako sa pagkain dahil nagutom din ako sa paghatid kina Ces. Hindi ko napansin na natapos na pala si Sir Gary at nakatitig na siya sa akin. Nang tingnan ko na siya ay nakangiti siya sa akin. "Ang takaw mo pala." sabay tawa. Ako naman medyo napikon sa dahil sa biglaan ang insulto na ginawa niya sa akin. "Hindi ako matakaw, gutom lang talaga ako. Magkaiba din yun." huminga ako ng malalim sabay insulto din sa kanya, "Ikaw ang matakaw kasi mas nauna ka sa akin matapos." sabay kuha niya sa baso ng tubig at ininom ito. Natahimik siya bigla ngunit napansin kong may nais siyang sabihin kaya pinilit ko siya na sabihin iyon. "Okay ka lang. Parang may gusto kang sabihin?" hinawakan niya ang baso na parang naghahanap ng tyempo sabay tanong, "Okay lang ba malaman kung bakit di ka komportable pag-usapan tungkol sa lovelife mo?" napayuko ako bigla sabay subo ng huling goto sa bowl. "Naaksidente yung ex-boyfriend ko, namatay siya at yung Nanay ko naman ay nagtangkang magpakamatay, nagkaroon ng epekto sa utak niya yung gamot na ininum niya. Yun ang pinaka-summary." natulala si Sir Gary. "Wow, oh my God. I'm so sorry." Umayos ako ng pagkakaupo at tumingin ako sa kanyang mga mata. "Okay lang, matagal na iyon. Ang importante, sinusubukan ko nang bumangon." tumangu-tango siya, "Oo, naiintindihan kita Kevin." Dahil sa medyo nagiging malungkot na kami ay nagpasya si Sir na ibahin ang usapan. Hinatid niya ako sa may sa amin pero bago ako bumaba ay nagtanong siya sa akin. "Kevin" lumingon ako sa kanya at nagtanong, "Bakit po Sir?" tumawa siya at nagsabi, "Huwag mo na akong tawagin na Sir. Gary na lang." tinaas ko ang dalawa kong kamay na kunwari sumusuko na ako, "Okay Gary. Bakit po?" tinitigan niya ako at pabulong na nagtanong, "Ikaw? Sa tingin mo gwapo ba ako?" nagulat ako sa tanong niya. Nayabangan ako kaya biniro ko siya, "Hindi naman masyado. Hindi ko kasi gusto mga long hair eh." ngumiti lang siya. "Sige na nga, umuwi ka na sa inyo." ako naman ay sinara ko na ang pinto at nagpaalam na sa kanya. Doon na nagsimulang maging kakaiba ang pagtrato sa akin ni Sir Gary. Binibilhan niya ako ng kung anu-ano, niyayaya parati na lumabas hanggang sa siya na rin mismo ang dumadalaw sa akin sa tindahan namin. Minsan tuloy iniisip ko na baka naaawa siya sa akin kaya niya ginagawa ang mga iyon.

Isang araw pag-uwi ko ay nandoon si Tatay. Nilapitan niya ako pagpasok na pagpasok ko ng bahay. "Anak, pwede ba tayong mag-usap?" sabay hawak niya sa braso ko. Inalis ko ang kamay niya at nilayuan ko siya, "Pagod ako sa tindahan, pwede ba umalis na kayo? Hindi kayo welcome dito." bago pa siya makapagsalita ay pumunta na ako sa aking kwarto. Hanggang sa nalaman ko na lang na umalis na din siya. Biglang sumama ang pakiramdam ko, parang bumalik ang lahat ng masasamang alaala ng mga kasalanan niya sa amin ni Nanay. Sabi nila masama daw magalit o manumpa ng isang tao pero galit na galit ako at iyon ang gusto kong gawin. Gusto kong maramdaman niya ang hirap na pinagdaanan ko. At gusto ko makita niya na hindi namin siya kailangan.

Nang mga gabi ding iyon ay lagi akong ginagambala ni Alvin sa mga panaginip ko. At kapag magigising ako ay mahirap na ulit makatulog dahil sa sobrang kakaisip sa nangyari sa kanya... at sa amin. Halu-halong emosyon. Naiiyak ako dahil nalulungkot ako na hindi ko na siya kasama, naiiyak ako dahil gusto kong makatulog pero hindi ko magawa at naiiyak din ako dahil hindi ako tinatantanan ni Alvin sa panaginip.

Ibinaling ko ang aking atensyon sa barkada para matigil ako sa kakaisip sa mga nangyari sa buhay ko. Isang araw ay napagdesisyunan namin ng grupo na mag-overnight swimming sa isang beach resort. Nauna kami nila Girly at Ces sa resort dahil may sarili ring kotse ang boyfriend ni Ces na si Robert. Nang nasa cottage na kami ay biglang sumigaw si Ces, "Andiyan na raw si Sir Gary. Magpapatulong daw kumuha nung gamit." kaya agad naming pinuntahan si Sir Gary sa kanyang kotse. Pagdating namin doon ay nakabukas ang likod ng sasakyan na laman ang mga water jug, tent at mga paglulutuan at lulutin namin sa cottage. Matapos kong kunin ang isang plastic bag na may mga lulutuin ay hinila ko naman ang folded na tent ngunit parang nakasabit ito kaya't hindi ko makuha. Sinabihan ko si Robert, "Naku, sumabit pa yata." pero hindi pala iyon si Robert, si Sir Gary na pala iyon. Pagtingin ko sa kanya ay natulala ako sa ganda ng katawan niya. Nakaputing sando lamang siya kaya't bakat na bakat ang kagandahan ng kanyang katawan. Nakabulaklakang shorts din siya kaya mukhang handa na siyang maligo. Ngunit hindi lang iyon ang talagang nagpagulat sa akin. Wala na ang kanyang mahabang buhok. Nagpagupit si Sir Gary. Maikli na ngayon ang kanyang buhok na mas nagpaganda ng kanyang mukha at nagpagwapo ng kanyang mga ngiti. Hindi ko na namalayan ang sarili ko na nakatitig na pala sa kanya. "Huy, ang sabi ko, alisin mo muna kasi yung water jug. Okay ka lang?" napatingin ako sa hinihila ko, "Ahh ehh, ganun ba? Teka, sandali." bigla siyang bumalik sa loob ng kotse na dala ang isang napakagandang ngiti...

=========================