HOME PROFILES NEWS ARCHIVES PHOTOS ACHIEVEMENTS PERSONAL BIO INTERVIEWS
.

 

ARCHIVES

1989

 

LIFE STORY OF ALVIN PATRIMONIO
Superball Special Magazine February 27, 1989


Ipinanganak si Alvin Patrimonio noong November 17, 1966, bale ikalawa  siya sa apat na anak nina Angel Patrimonio at ang dating Ophelia Vergara. Sa Marian Hospital ipinanganak si Alvin, 10:20 AM ang eksaktong oras. Normal ang delivery sa kanya, he was 8.8 lbs. in birth and he measured 57 cms. Ang buo niyang pangalan: ALVIN VERGARA PATRIMONIO.

Isang buwan lamang ang itinagal ni Alvin sa Maynila dahil December 1966 umuwi ang pamilya Patrimonio sa kanilang hometown, sa Koronadal, Cotabato.

"Hay naku, nung bata yan, napakalikot. Ang andador niya, yung sala set naming bakal. `yun ang tinutulak nya kaya siguro malakas eh. Sa kalikutan niyan, laging may bukol sa ulo – kalabog dito, kalabog doon. Pero kahit malikot yan at makulit, paborito yan ng father-in-law ko. Siya lang ang sinasakay doon sa official car ng lolo niya. Municipal Treasurer kasi ang father-in-law ko, at kapag umuuwi siya ng tanghali,ang ginagawa niyan, ipinapasyal agad si Alvin sakay nung kotse niya."
Bumalik ang Patrimonio family dito sa Manila after two years, that was October 1968, para manirahan na rito permanently. Sa Paco sila tumira. Nagdaan din ng Kinder si Alvin sa Ellinwood, at nung mag- graduate siya, honor student pa. Nag-grade 1 siya bale noong June 1973 sa Philippine Christian University Union Elementary School. Hanggang Grade 6 siya roon.

"Grade 2 yan nung matutong maglaro ng basketball. Pagkagaling niya sa school, mag-aaral sandali, tapos ihahanda yung gamit for tomorrow, ihahanda yung uniform niya, ang then lalabas yan na may dalang maliit na bola dahil may maliit na goal sa harapan ng bahay namin. Doon na
yan maglalaro ng basketball hanggang hapon. May dala rin syang notebook, yon ang scorebook niya. Sa isang papel, maglalagay siya ng borderline, ilalagay niya ang pangalan niya sa left side, sa isang side, yung kunyari kalaban niya. Ang inilalagay niya laging kalaban niya, si Andy Fields, yung import dati ng Toyota. Idol niya kasi si Andy Fields at maka-Toyota yan nung bata siya," recalls Mang Angel. Ang naguturo sa kanya ng basketball, ang daddy niya, na dating palyer ng Jose Rizal College nung kapanahunan niya.

"Ang daddy niya naging palyer pa ng Central Bank at nung magkaroon sila ng opening, Si Alvin pa ang naging mascot nila. Four years old na siya noon," kuwento pa ni Aling Fely. Nag-highschool si Alvin sa Manila Science high school. At ang sabi nga ng marami, yong mapasok ka lang sa school na yan, ibig sabihin, matalino ka. "hindi naman ako gaanong matalino. May alam lang, pero hindi naman matalinong matalino. Basta ba mag-aaral lang, tiyak namang papasok kahit sino. Mahilig na akong magbasketball noon. Talaga yatang para ako sa basketball kaya kahit exams ako for tomorrow, sige pa rin ang laro ng basketball," Alvin recalls. "Nung high school, kilala na rin sa school yang si Alvin," says his former classmate. "Paano kasi, ideal student yan. Sabi nga ng mga teachers namin, tahimik daw yan, pala-aral at kahit mahilig magbasketball, nakakakuha pa rin siya ng high grades. Kaya marami ang
bilib sa kanya. At saka, matangkad siya. Kaya nga maraming babae ang may crush diyan, eh."

Among his early stints in basketball were on the barangay level. "Kinuha yan ng Makati at naglaro sa lugar namin," recalls Mrs Fely Patrimonio. "Nagchampion sila, binigyan sya ng trophy, tapos palihim pang ibinibigay sa kanya ang bonus. Mga P100.00 yon. Naglaro din sila sa may Fort Bonifacio, sa Zembo, tapos, sila rin ang nagchampion, MVP din siya. Biro mo yan sunud-sunod yung ligang sinasalihan niya. Sabi nga namin noon sa kanya baka maapektuhan ang pag-aaral niya. Pero sabi nya sa amin ng daddy niya, kaya raw niya." After graduation from high school, nagtry out siya sa De La Salle
University. Kaya lang, hindi siya nakuha. Nagtry out siya next sa Mapua, nakuha agad siya. Nakita sa kanya ni Coach Charlie Badion ang potential. "noon pa lang, sabi ko na, may ibubuga ang batang yan,"
Mr. Valerio Lopez says. Si Mr. Lopez ang athletic director ng Mapua. Malakas tumalon, may katawan, at hindi natatakot makipagsalpukan. Kaya lang, marami pang dapat matutunan sa mga galaw niya. Marami pangkulang."

He started playing for Mapua in 1983, and right there and then, he emerged as the top rebounder and among the leading scorers after two rounds. Kaya lang, hindi naman nagchampion ang Mapua.
"Doon ko na talaga narmadaman yung mahirap pagsabayin ang pag-aaral at paglalaro ng basketball," sabi ni Alvin. "Ang hirap ng mga studies ko sa Mapua, tapos practice sa umaga, sa hapon. Tapos may laro pa. There was a time that I thought of quitting pero sabi ko, bakit pa, nandito na ako."

He had his first taste of failure in big time basketball when he tried out for the RP youth team. Akala ng lahat, kuha na siya dahil ang ganda ganda ng ipinakita niya sa try out. Inilabas na niya ang lahat ng kakayahan niya, pinaghandaan niya, at talagang lumaban siya nang husto. He, too, hoped he'd make it. Pero nung lumabas ang line-up, hindi man lang siya nakuha kahit sa reserved list. "Ang sama-sama ng loob ko dahil pinaghusayan ko talaga, pinagbutihan ko, tapos nung lumabas yung line-up, ni hindi man lang ako nasama sa mga alternates," Alvin confesses.

Unang taon ni Alvin Patrimonio na makapaglaro sa NCAA noong 1983. Matapos siyang hindi makuha sa De La Salle University, sa Mapua siya nagtry out. Agad siyang kinuha dahil noong mga panahon na yon, kulang na kulang talaga sa mga players ang Mapua. Porke malaki, porke matangkad, may makitang potensyal sa kanya ang coaching staff at ang Athletic Director ng Mapua na si Mr. Valerio Lopez. Puro talo ang unag apat na laro ni Alvin para sa Mapua. Unang kalaban ng Mapua ang JRC, ang school na kung saa'y player rin ang daddy niya nung binata pa ito. Alvin scored 14 points for Mapua as the Cardinals lost to the Heavy Bombers. 84-89. "Ang sama ng loob ko noon dahil unang laro ko pa naman sa Mapua, talo agad," he recalls. "Siyempre, ganyang nagde-debut ka sa isang malaking liga, gusto mo manalo agad. Eh kaso, hindi talaga namin kaya."

Right on his debut year, Alvin was heralded as Mapua's Wonder Boy, as right there and then, he started to show his prowess in the rebounding and scoring departments. He was uncontrollable in the rebounds as he came out as the league's no. 1 rebounder, both offensive and defensive. "Alam na agad namin na may ibubuga yang bata. Kaya nga lang, malaki pa ang kulang sa galaw, sa maneuver, sa pivot. Pero saang anggulo mo man tingnan, alam kong pagdating ng araw, maraming pahihirapan yang si Alvin," predicted Mr. Lopez. On January 5, 1984, Alvin tried out with 50 other aspirants for the National youth team. Si Larry Albano pa ng Letran ang head coach noon. "I gave all my best, I gave almost everything, at sabi ng mga kaibigan ko na madalas manood ng practices at ng try out, tiyak na raw na papasok ako. Pero nung lumabas yung line up, wala ako, at kahit sa reserve, hindi ako nakuha. But that did not stop Alvin from striving harder. "At least, naging challenge pa nga sa akin, dahil sabi ko sa sarili ko, kailangang pagbutihin ko pa lalo, kailangan magpa-kondisyon pa ako para next time. Tiyak na makukuha na ako. Maganda rin yang ganyang may mga failure ka. At least, natsa-challenge ka ng husto."

He was taken into the NCAA selection in September 1984 and he had among his teammates Samboy Lim, Tano Salazar and Romy Ang, all pros now. Diyan siya nagsimulang magshine. Against the UAAP Selection, Patrimonio topscored for the NCAA team aside from hauling down a number of rebounds, making him the most dominating and promising manon the slot. Noon ding 1985, he got the MVP award from the NCAA. Hindi man nagchampion ang Mapua, nagawa pa rin niyang ipakita sa lahat na siya ang pinaka-outstanding among the players. Noong 1986, nakuha ni Alvin ang isang rare back-to-back MVP from the NCAA. Hindi rin nagchampion ang Mapua kaya marami ang nagtaasan ng kilay ng siya ang mapili. Ang siste, siya lamang ang tanging NCAA player na nakapagdala ng malaking pride sa Pilipinas sa Asian games. Nag-iisa nga naman siyang NCAA player sa national team and for the NCAA officials, that was an outstanding achievement na hindi napantayan that year.

Nagdebut siya sa PABL last 1986 right after winning his second MVP title in the NCAA. Nagpaalam siya from Mapua at sinabi niyang maglalaro na siya sa YCO. Hindi naman siya pinigilan ng kanyang alma mater and so, Alvin played his first jersey for a commercial league as YCO. And from thereon, he made history.

Lahat na yata ng klaseng award sa amateurs ay nakuha na ni Alvin. 1988 na naramdaman niya na dapat siguro'y umakyat na siya sa PBA kasabay sina Jojo Lastimosa at Jerry Codinera, na pawing kasamahan niya sa National team. Ang kaso, naka-kontrata siya sa RFM until December 1988, kaya hindi siya pinayagan na mag-pro sa pagbubukas ng PBA noong taong iyon. While Jolas and Jerry made it fast to the pro league, Alvin didn't. Namayapag sina Jolas at Jerry sa unang salpukan ng Purefoods at kahit na bago lang siya sa PBA, they managed to fare pretty well.

Marami pang negosasyon ang dumaan bago tuluyang pinayagan si Alvin na magpro. Na-shorten ang kontrata niya sa RFM, at pumayag naman ito na paakyatin na si Alvin sa PBA on certain conditions. Nagbukas ang All-Filipino conference noong June 1988 and Alvin hoped he could play. Pero nasira ang lahat ng enthusiasm ni Alvin nang hindi pa rin siya pinayagan na makapaglaro sa opening na ang kalaban pa naman ay ang San Miguel Beer. Na-delay pa ng mga kung ilang araw ang paglalaro niya, at nung finally ay nai-release siya, natalo naman ang Purefoods sa Great Taste. Unang laro ni Alvin sa PBA, talo agad. Ngayon patuloy sa paglalaro sa Purefoods si Alvin. Like Jolas and Jerry, Alvin has proven to be a vital cog for the Purefoods Hotdogs. He has no regrets whatsoever dahil hindi siya kasali sa Rookie of the
Year Award.

Mid-October nang finally ay tanggapin ni Alvin ang alok ni Mother Lily na mag-artista. Dahil bakasyon naman ang Purefoods and because there wont be too much work. Alvin thought it best to accept the tempting offer. Sayang nga naman yung experience, and besides, sayang din yung six-figure contract na yon.


Feedback    |    Webmaster    |   Disclaimer   |  

tennis_zinz 2001-2004

1
Hosted by www.Geocities.ws