Page 1 | Page 2 | Page 3Page 4 | Page 5

Naging wake-up call ng mga housemates sa unang araw ang kanta ni April boy na ‘Di ko kayang tanggapin’. Bagay na kinainisan ng karamihan ng housemates, pero may isang, medyo..masaya.

Tres: Pota! Red tigilan mo yan!
Red: (memorize na memorize ang actions) Lolz!
Chelle: Bakit kaya ito pinatugtog ni Big Bro?

Garden:
Naguusap ang magpinsan na Emo at Xai, nang dumaan si Bob sandali at pumasok ulit sa bahay.


Xai: ‘Di ko talaga gusto yang taong yan. Kakainis eh.
Emo: Nyeh. Bago mo pa nga nakasama yan. Hayaan muna natin. Hehe.
Xai: Ewan. Sumisiksik sa usapan. Hindi man lang niya maalala ginawa niya.

Naalala ulit nina Xai at Emo nang mag usap sila with Chai, isang forumer din, nang biglang sumulpot itong si Bob at inaasar si Chai at Xai sa topic na ‘Sino mas mahalaga, lalake o babae?’.

Emo: Maaalala rin niyan ginawa niyan.
Xai: Sana nga.
Emo: Ate?
Xai: Hm?
Emo: Miss mo si sol?
Xai: Sus, taong yun. Haha. Ewan.
Emo: Hehehe uyy..lika na nga kumain na tayo.

Matapos maligo at kumain ng mga housemates ay pinatawag sila sa living room ni Kuya.

Living Room:
BB: Housemates. Ibibigay ko na ngayon ang first weekly task niyo. Goma, pumasok ka sa confession room at kunin mo ang instructions.

user posted image

si goma ang unang nakapsok sa confession room. (peace gomz)

Goma: “Kara-Okay.” Housemates, sa weekly task na ito ay susubukin ang inyong pasensiya, katatagan, at boses. Sa box ay may WeW magic sing at listahan ng over 6000 songs mula noon hanggang sa kasalukuyang panahon. Dapat palaging may kumakanta sa sala ng karaoke sa buong linggo ng walang tigil. Walang exemption ang tulog kaya kahit gabi dapat may kumanta pa rin. Dapat pagkatapos ng isang song ay deretso na sumunod yung isa kaya piliin niyo na ang susunod na kanta gamit ang mic. Isa lang dapat ang kumanta sa microphone. Bahala na kayo mag divide ng oras sa mga kasama ninyo.

Elmo: Hahahah! Start na ako mauna!!
Reirei: Me! Ako muna!
Erika: Ako po sunod sa inyo ^_^
Tres: Paunahin natin mga manyak! (Turo kay red)
Red: Lolz!!!
BB: Masyado kayong nagmamadali. Kailangan ko munang malaman, kung ilan ang bet niyo sa task na ito.
Bob: 75% na tayo.
Kyle: I go with 75.
Chelle: 50% nalang, baka may makalimutan tayo gugutumin lang.
Goma: Full cooperation nalang tayo. Pero dapat sure rin kaya go tayo sa 75%.
BB: Sige, 75%..Aasahan kong gagalingan ninyo. Simulan niyo na agad.

***

dedicated to chai n goma na naka eb koh. lolz. Kaos-psoccer1.gif
***   ---
1