Maliit
lamang ito at may kutis na kayumangging kaligatan. Bilugan
ang katawan nito at ang pagiging mataba, batay sa
mga tagahanga, ay biyaya pa raw sa langit. Iba
naman ang pahayag ng mga kaaway ng matanda. Ang
katabaan dawnito ay mula sa dugo ng mga maralita.
Mukhang bata pa si Kapitan Tiago. Maaring
mapagkamalang trentay singko anyos lamang
iito. Mababanaagan mo sa mukha ni Kapitan Tiago
ang kabanalan at pagiging masunurin. Nagtataglay
it ng napakaitim na buhok, singkit na mga mata,
at matangus-tangos na ilong. Kung hindi lamang
sumobra sa paghitit ng tabako at pagnganga na
laging nakapagpapatambok ng magkabilang pisngi ng
kaniyang mukha, masasabing gwapo at may bikas ito.
Saludo ang lahat kay Kapitan Tiago na
pinaniniwalaang isa sa pinakamayayamang
mangangalakal sa Binondo. Marami itong lupain ng
tubo sa Pampanga at Laguna de Bay. Hindi rin
matatawaran ang mga kayamanan niya na kitang-kita
sa baying pinakakakilanlan sa kaniya. Maraming
lupain si Kapitan Tiago sa Sto. Cristo, sa
Anloage at sa kalye Rosarion. Malaki rin ang
kinikita niya sa pakikipagkalakalan ng opyo sa
isang Intsik.. Siya rin ang namamahala sa
pagpapakain ng mga bilanggo sa bilibid at sa
maraming manggagawang namamasukan sa malalaking
establisemyento. Malakas siya sa pamahalaan.
Malakas siya sa simbahan. Malakas din siya at
tinitingala ng maraming mamamayan.
Sa paniniwala ni Kapitan Tiago, ang pagiging
malapit niya sa Diyos at sa simbahan ay base sa
magandang gawa. Kung tutuusin, hindi nagdarasal
si Kapitan Tiago kahit na may napakalaking
pangangailangan. Sapagkat napakayaman, pera ang
kaniyang pinagdarasal.
Naniniwala siyang nilalang ng Diyos ang mga pare
upang magmisa at maging tagapamagitan si
Maykapangyarihan. Sa mga nobena at rosaryo naman
nakinakailangan din ng ating kaluluwa, naniniwala
siyang pwede nang pagalawin ang salapi upang
bayaran ang mga kapuspalad na handing ulit-ulitin
ang rosaryo sa pamamagitan ng isang dakot na
pipisuhin. Naniniwala rin siya na kung dadagdagan
ang upa sa mga nasabing nakatungangang mandarasal,
maaari nilang basahin hindi lamang ang maninipis
na aklat dasalan para sa kaluluwa ng isang mahal
sa buhay. Maaari na rin nilang basahin sa dagdag
na kalansing pati na biblia sa wikang Ebreo.
Kung magkaminsan at talagang kailangang-kailangan
niya ang tulong mula sa kalangitan, nagagawa rin
niyang magkunwa-kunwarian sa pagtawag sa lahat ng
santo at santa at kalimutan sandali ang mga
upahang mandarasal. Upang masunod lamang ang mga
ispiritwal na pangangailangan, uanang-una niyang
tinatawagan ang Birhen ng Antipolo. Bakit ang
maitim na birhen? Malaki pa rin ang paniniwala ni
Kapitan Tiago na kahit na higit na makikinang ang
damit ng ibang santo at santa, nasa imahen pa rin
ng Antipolo ang kapangyarihan upang dalhin sa
Panginoong Diyos ang ating mga hinaing at mithiin
sa buhay. Pero kwidaw, naniniwala rin si Kapitan
Tiago katulad ng paniniwala ng nakararami na
maariu rin naming magtampo o nagalit ang imahen,
kaya may pagkakataong lalong umiitim ang
milagrosang birheng ito.
Kung mapupunta tayo sa bahay ni Kapitan Tiago,makikita
natin ang isang magandang kapilya na karaniwang
kabahagi ng malalaking tahanan sa loob at labas
ng kamaynilaan. Nakatindig sa ibat-ibang bahagi
ng kapilya ang maraming santo at santa na para
bang nagtititigan sa isat-isa. Naroroon ang
imahen ng Sagrado Familia, ang nakatingalang si
Santa Lucia, ang maluha-luhang si San Antonio de
Padua at ang may pitong pakpak na si San
Francisco ng Assisi. Naroroon din si San Pedro na
pumutol sa tenga ng isang Moro. At naroron din at
nakatindig sa katahimikan ang makisig na si San
Miguel na para bang handang itarak ang
nangingislap na kris sa sinumang makasalanan. Sa
tuwing papasok si Kapitan Tiago sa kapilya,iniiwasan
nitong mapatabi sa estatwa ng nasabing santo.
Nangangamba siyang baka magkaroon ng isang
milagro. Ngingiti-ngiti siya habang palingun-lingon.
Marami ang nagsasabing hindi pahuhuli sa Kapitan
Tiago kung garbu at garbo din lamang ang pag-uusapan
kapag nababanggit ang kaniyang pagiging
relihiyoso. Para bang nais niyang patunayan na
huhusgahan tayo ng Diyos sa ating panlabas na
pagsasakatuparan ng ating pagiging Kristiyano.
Ang totoo niyan, hindi siya nagpapahuli kapag
abuloy din lamang ang pag-uusapan. Sa mga pamisa
para sa imahen ng Antipolo taun-taon, karaniwan
nang ang bayad sa misa ay nagmumula sa kaniyang
bulsa.
Hindi rin siya nagpapahuli kung abuloy din lamang
na panrelihiyon ang pag-uusapan. Sa taun-taong
parangal sa Birhen ng Antipolo, karaniwan nang
gumagasta siya nanag malaki upang balikatin
lamang ang halaga ng dalawang misa na
kinapapalooban ng mga awitin, kwitis at paputok.
Handa siyang gumasta rito nang malaki sapagkat
alam na alam niyang bultu-bultong biyaya naman
ang matatanggap niya taun-taon. Buong-buo ang
paniniwala niya sa kasabihang magtanim ka ng buti,
ikaw ay aani.