|X|
Ang Panunumpa at Batas ng Scout
Sa ngalan ng aking dangal,
ay gagawin ko ang buong makakaya;
Upang tumupad sa aking tungkulin,
sa Diyos at sa aking Bayan,
ang Republika ng Pilipinas
at sumunod sa batas ng Scout;
Tumulong sa ibang tao sa lahat ng pagkakataon;
pamalagiing malakas ang aking katawan,
gising ang isipan at marangal ang asal.
Ang Scout ay:
Mapagkakatiwalaan
Matapat
Matulungin
Mapagkaibigan
Magalang
Mabait
Masunurin
Masaya
Matipid
Matapang
Malinis
Maka-Diyos