*Basahin mo muna to bago ka magbasa sa ibaba, hoooooooooy!: ang sulat na inyong mababasa ay pinadala sa amin.. hindi yan gawa-gawa lamang.. tututs no! Nasa amin ang karapatan kung gusto naming sagutin ang mga ito at tulungan ang nasabing sumulat. Ang mga pangalan at email address ay hindi na namin inilantad sa kadahilanang... Hello!? E kung kilala nyo sya at ang taong problema nya? E di nagkaletse letse ang buhay nating lahat!!! Kung makatulong ang aming mga advise e di mabuti.. kung di naman epektib at lalo lang lumala ang problema ay kasalanan nilang 2 dahil dapat di nila pinaalam sa amin ang problema nila.. nanahimik kami dito eh! o sya.. yan lang ang mga bagay na dapat mong malaman.. hala.. read onnnnnn!!!
|
|
I-click mo ang button tapos simulan mo nang basahin ang Advice:
Mahal naming babaeng mang-aagaw ng bf,
Lubos kaming nagpapasalamat sa iyo at ikaw ay lumiham sa amin. Dahil kung sa iba ka liliham, ay malamang na hindi masyadong mapapariwara ang iyong buhay. Maraming salamat din sa papuri sa aming site.. Taena, natats kami! Sinangguni ko agad ang iyong problema sa mga Superpekpek Heroes, At ito ang kanilang mga sinabi:
Ang turan ni Superpekpek Blue:
*baba muna ang cellphone* Hmmmm.... alam mo, hindi porke kakilala mo yung mga dating syota ng mga ex mo, e, mang-aagaw ka na. Dahil ang pang-aagaw ay yung me committment na sa iba pero sinasaksak mo ang sarili mo sa kanya hanggang sa mahulog na sya sa mga bitag mo. Yun! yun ang ginawa ko.. e kasi naman taena, ambait nya kaya?! Kaya hindi kita masisi kung nung down and low ka e saka ka nahulog dun sa nagpapakabait sayo. Dahil weak pa ang defenses mo nun, tapos sweet sweet sila? Taena, sinong babae ang di mahuhulog sa ganun? Sa lahat ng relasyon, malaki ang chance na maghiwalay. Mag-asawa na nga nag-hihiwalay pa eh, yung magsyota pa kaya!? Basta importante, nagmahal ka, ginastusan ka ng bf mo, binibili ka ng load o lahat ng gusto mo at higit sa lahat, minahal ka nya. Live for today dahil life is too short to think about the future. Di ba? Stay gorgeous!
Ang turan ni Superpekpek Red:
You know what, I'm so bored na with my work..
Ang turan ni Superpekpek Yellow:
Buti ka pa nga Red, me work.. e ako? Wala akong work.. grabe!! Patambay tambay na lang ako dito sa house eh! And Ecca doesn't want to return my books pa.. Taena ang kapal talaga ng babaeng yun, E resign na nga ako eh!! Tapos ayaw pa ring ibalik mga gamit ko. Leche.... huh? Yung problema? Ano... sabihin mo sa kanya, tigilan nya yung agaw ng agaw ng bf dahil masakit maagawan ng bf! *alaala nakaraan* syetttttt!!! *yosi*
Ang turan ni Superpekpek Lavander:
*inom alak* Hmm... Taena di sya masyadong pokpokita huh, biniep nya lahat ng papa ng klasmeyt nya..... simple lang kasi ang kaso nyan, E di everytime na magtaksil e di magpalit na lang sya ng biep.... Di naman talaga maiiwasan na mangaliwa ang mga lalaking yan. Nature na ata nila ang manloko ng babae. Kaya naman dapat talagang mag-aklas nang lahat ng kapekpekan sa mundo at supilin na yang mga mapang aping etits na yan!! *yosi*
Ang turan ni Superpekpek Orange:
Ang importante, gawin mo ang mga bagay na makakapagpasaya sayo. Oo, pwedeng pagkatapos e iiyak ka.. pero take note mare, in the process naman -- you had your chance to be happy. And there would be memories na worth remembering. Di ba ang saya nun? Tungkol dun ke Bubsy, Taena mas malaki pa ba ang boobs nyan ke Lavander? Talaga? Kung malaki pa boobs nyan ke Lavander taena, she's a cow! Eiiiiwww.. Bueno, Dapat kang matakot kung nagkikita sila..... Tandaan mo ang kasabihan na ang ginawa mo e maari ding gawin sayo. Maaring inaagaw ni bubsy ang inagaw mo sa kanya. At me point si Blue, ang importante nagmahal ka. Kung masaktan ka man-- it's all part of the game. Kung wala namang sakitan at puro mahalan lang... Syet! Ang swerte mo at puta, inggit ako ever!
Ang turan ni Superpekpek Green:
Ang pag-iibigan ay isang sugal... Majhong, Black Jack, Tong-its, Lucky nine at kung ano ano pa.... dahil pag ang isang tao ay pumasok sa isang relasyon , sinusugal mo ang iyong sarili. At tulad din ng sugal, minsan tumatama ka, minsan naman tumatama ka sa pader, as in Bokya, Butata tapos, dahan dahan mong nakikita na kinukubra ng lecheng bangka ang pera mo! Pero ang importanteng part kasi ng isang relasyon ay iyung boluntaryong pagbibigay ng iyong sarili (hindi yan literal,engs!) ibig sabihin... handa kang magparaya kung san sasaya ang katipan mo..Pero di ibig sabihin nun e pamigay mo sya sa kung sino lang na umaagaw sa kanya no?! Dapat ay pilit mong isaksak sa isip nyang lalaki na yan na sa yo lang sya liligaya.... At para dyan ke Bubsy..... sabihin mo sa kanya, Tigilan nya ang Biep mo... Malandi sya, mang-aagaw ng Boyplen!!!! Huh? Teka... wag mo sabihin yun baka ibalik sayo e matanga ka pa. Sabihin mo na lang sa kanya, NO RETURN, NO EXCHANGE! Leche.... Kaw naman kasi.... boyprenin ba mga dyowa ng klasmeyt mo?! Next time, kumuha ka sa kabilang section..... o kaya taga ibang department.... *nginig, dampot yosi at lighter*
Bueno, yaan ang tinuran ng mga Superpekpek Heroes nung sila ay nagkaron ng toma session .. talaga namang napalakas ang barikan nung gabing yaon..... ganang akin naman eh... natural lang naman siguro sa bawat nilalang na hanapin yung taong gusto nilang makasama sa pang habang buhay. Sa kaso mo nga e sa classroom ka naghanap ng future companion mo.. isipin mo nga!? Syotain ba ang mga dyowa ng kaeskwela? Pano ka aatend ng reunion nyo? At isipin mo na rin na twing titingin ka sa inyong class picture, biro mo andun ang mga ex mo sa iisang litrato na talaga namang kapraning praning! Maaring ang pangambang nararamdaman mo ay karma na dahil, takot ka sa sarili mong anino. Natatakot ka na maagawan ka dahil, ilang beses ka na din namang naagawan at ilang beses ka na ring nang-agaw. Siguro ay pana-panahon lang talaga ang pag-ibig. Darating din ang panahon na matatagpuan mo ang lalaking magiging katipan mo habang buhay. Huwag kang mapagod sa pagsubok ng ibang putahe no?? Ano ba akala ng mga lalaki na yan? Sila lang nagsasawa at sila lang maaring humanap ng ibang putahe? Pero wag nating ikumpara ang ating mga sarili sa mga jologs na yun, dahil kaya nila ang simultaenous ekek achuchu na yun samantalang tayo ay one at a time lang ang kaya natin. Ang bawat relasyon ay nahaharap sa walang hanggang pagsubok. Kung palpak ulit.... wag kang mapagod... gagi, practice makes perfect! Harinawang hindi namin masyadong nagulo ang buhay mo.. At sana ay sumulat kang muli. Mabuhay!
Nagmamahal at lalong gumaganda,
Elsa
© Superpekpek inc. Series of 2002, 2003 [top][table of contents][home]
![]()