»sulat seksyon«

*Basahin mo muna to bago ka magbasa sa ibaba, hoooooooooy!: ang sulat na inyong mababasa ay pinadala sa amin.. hindi yan gawa-gawa lamang.. tututs no! Nasa amin ang karapatan kung gusto naming sagutin ang mga ito at tulungan ang nasabing sumulat. Ang mga pangalan at email address ay hindi na namin inilantad sa kadahilanang... Hello!? E kung kilala nyo sya at ang taong problema nya? E di nagkaletse letse ang buhay nating lahat!!! Kung makatulong ang aming mga advise e di mabuti.. kung di naman epektib at lalo lang lumala ang problema ay kasalanan nilang 2 dahil dapat di nila pinaalam sa amin ang problema nila.. nanahimik kami dito eh! o sya.. yan lang ang mga bagay na dapat mong malaman.. hala.. read onnnnnn!!!

batang sugar mami

 

Huhuhu! Ewan ko nga ba! Taenang buhay to! Gulong gulo na talaga ako, graveeeee! Mga pipols op da pilipins, i nid adbays ha? Kase gnito yun eh, may biep ako at mtagal ko na syang ka-ON. Almost two years na ang relasyon namin as in matagal na di ba? hanggang ngayon di ko pa rin ma-feel kung ano ba talaga ang lagay ko sa kanya. Ang siste, di ko alam kung ako nga ba ang mahal nya talaga kaya kami tumagal ng two years or dahil sa punyetang celpon ko na pinapagamit ko sa kanya. Lagi kaming nag-aaway sa dami ng teksmeyt nya na eventually eh nagiging syuta nya. So sino ba naman ang inde ma-iimbyerba di ba? So sabi ko sa kanya once na mag break kami, babawiin ko lahat ng binigay ko sa kanya. Tapos yun, sabi nya wak daw me wori kase ako lang daw tlaga ang lalabs nya. So ako nman si tanga na boba pa, konting kalikot lang bigay na ulit. Pero laging nangyayari ang ganung sitwasyon. Letse! Kakasawa na nga eh, ganun nang ganun ang pinag-aawayan tapos sa ganunan (dutdot daliri sa gitna ng palad) din naman nauuwi kase nga mahal ko talaga ang ugok na yun. Di ko talaga alam kung labs nya ba talaga ako kase dami na nmin nipagdaanan na pagsubok kaya kami tumagal. Kayo, sa palagay nyo, seryus ba ang biep ko sa kin? Nga pala (medyo nadyahe) 19 lang yun ako is turning 24 na. Waaaaaaaaaaaaaaa! Sabi nga ng mga kamaganak ko, "BATANG SUGAR MOMMY" daw ako kase nga ako pa ang suporta sa hinayupak na biep ko. Pero ano magagawa ko, mahal ko sya at kailangan sya ng puso(n) ko??? I'm konpyus lang talaga. Ang alam ko mahal din nya ako kase nuknukan ng selos ng hayup na yun. Pero bakit ganun, lagi namin nipag aawayan ang pagiging "cute" nya kase dami habol na haliparots at hitads sa kanya. ang masakit pa nun, mga ka-edad nya ang nagkakagusto sa kanya. Huhuhuhu! (tulo pa uhog at laway at luha) Litu na ako.... i nid help. Tapos right now, may nanliligaw sa kin (di alam ng biep ko to ha) na foreigner at willing akong pakasalan para makasama nya ako sa Emerica. Pero pano na fafables kong super cute, bata at sariwa? Mahal na mahal ko yun kahit gago yun eh. Ano sa palagay nyo ang maganda kong gawin? Payuhan nyo naman ako plis??? Aasahan ko yan ha? Tsige kayo, pag ako naligaw ng landas baka sumapi na lang ako sa mga new breed pekpek ni haring labuyo. So pano, babush na ha? Ako'y magmumuni-muni muna. (kuha yosi... hithit hanggang ubuhin)

Nalilitong Sugar Mommy daw,
Mengay

(name and email addy may given upon request)

I-click mo ang button tapos simulan mo nang basahin ang Advice:

Mahal naming Mengay,

Mabuhay! Ako ay nagilalas pagkabasa ng iyong liham dahil sa ganda mong yan? Taena, nakakainis ang sitwasyon mo! Kung sa itsura mong yan ang nagkakaganyan ka, pano pa kaya ang mga ngets sa tabi tabi? Bweno, dahil sa pagiging siryus ng iyong problema..ay kailangan pang magpakalanggo ng mga Superpekpek dahil di talaga nila makayang mag-advice pag sila ay nasa katinuan ng pag-iisip.. ito ang kanila mga sinabi:

Ang sabi ni Superpekpek Blue:

Taenang life yan o! Usapang cellphone na naman! Taenangsyet! Bakit ikaw ang gumagastos sa Cellphone nyan ha? Porke ba bata siya't sariwa ? not to mention pogi? Alam mo mengay, minsan kasi ang seks ay pwede ring gamiting armas para ma-under mo ang isang tao. Wag kang masyadong padutdut ng padutdut jan… syempre bata pa yan.. ang isip nya ay umiinog pa sa seks. Masyadong mataas ang seks drive ng kabataan. Akala mo eh . out of lab pero sa kanya out of balls lang pala. Fuck! Pero balik tayo sa cellphone… Kadiri ka! Ikaw pa ang gumagastos sa lalaki mo! Pahiram ng minsan OO.. pero yung pahiramin mo ng pahiramin hanggang magkasyuta sye e.. kaengotan na yan! Singilin mo sya sa lahat ng load na naubos nya.ha! Ang masasabi ko jan.. talagang makasalanan ang cellphone dahil sa cellphone- maari kang maligaw ng landas. Kaya ikaw! Kung ayaw mong maligaw ng landas ang lalaki mo-- Huwag mong pahiramin ng cell at lalong huwag mong pag-internitin. Ikaw din, mas madaming babaeng pakwan sa net.

Ang sabi ni Superpekpek Red:

My Gosssh! Inde naman ako naging ganyan ever no! oo.. I was , and still am a sex slave pero never ko naman pinahiram si Freddie ng cell ko. He has his own kasi. And besides, eventhough na on his side eh it's pure sex.. sa akin naman ay may love. Kaya hindi kita masisisi kasi masarap talaya yung ganunan pagkatapos ng fight or even arguments. Pwedeng mahal mo sya.. pero ang tanong ay mahal ka din ba nya? Basta isipin mo lang na in due time, mamahalin ka din nya..dahil fuck girl, wala na syang choice no?! Me libreng hmm hmmn na nga sya sayo.. me libre pa syang cellphone! Taena, what more can he ask for? If ever niloloko ka lang nyang gagong yan -- fuck.. E tama si blue, singilin mo sya sa rent ng cellphone and loads na naubos nya, syet sya!

Ang sabi ni Superpekpek Yellow:

Mag-usap kayo.. heart to heart talk baga.. sabihin mo sa kanya ang mga agam-agam mo. Ang mga takot mo.. ang sama ng loob mo sa pagtatraydor nya sayo! Taena basta ilabas mo lahat ng gusto mo! Sabihin mo din sa kanya lahat ng mga sakripisyo mo.. ang mga bansag sayo alang alang sa pagmamahal mo sa kanya. Ang mga pagtitiis mo sa mga katarantaduhan nya.. Pero wag mong sasabihin about dun sa Porenger.. Bakit? E, basta! Kung laging ganyan ng ganyan ang nagiging problema nyo.. Bigyan mo na sya ng ultimatum… pagkatapos sabihin mo din na wala ka ng ipang susuporta sa kanya. Tignan mo magiging reaksyon.. kung, ok lang sya at kalmado -- syet...masama yan, dahil nag-iisip na sya ng ipapalit sayo. Kung hindi naman ok ang reaksyon nya -- Taena, suntukin mo sabay tadyakan mo…Manghuhuthut yan!

Ang sabi ni Superpekpek Lavender:

Masasabi ko lang .. sige basta masaya ka pa.. jan ka lang! Magsasawa din yan sa kadyu-dyugdyug ng ibang babae. Pero bago kayo maghiwalay (if ever) Bigyan mo ng isa. Gabing superbibo ka… at di nya makakalimutan. Sa ganun, makahanap man sya ng kapalit mo..taena, wala namang hihigit sayo! At poreber syang hahantingin ng galing mo… At ikaw… maging unreachable ka..Sumama ka kay porenjer .. siguradong di ka nya mare-reach dahil, ni pambili nga ng sariling cellphone e wala sya.. ang pumunta pa kaya ng emerika? Oo, bata pa sya.. pero.. hindi excuse yun. Taena, imagine mo? 19 palang sya e marunong na syang manggamit? Taena, lalo na siguro pag fully developed na ang kanyang kwan! Yan na siguro magiging hanapbuhay nyan! Mag-ingat ka.

Ang sabi ni Superpekpek Orange:

Yuck..huthutero na lalaki! Nak ng puta, iwan mo yan! Maraming lalaki pa ang pwedeng mong makilala! Just by the sound of it-- he's a fucking loser. Ok, nagseselos sya.. pero susme naman pwedeng natatakot lang sya na mawala ang cell na pinagagamit mo no! Saka.. bata pa sya.. he's only 19-- Ngii .. ano ikaw ang bubuhay sa kanya forever? Sabi mo pa nga maraming babaeng umaaligid sa kanya.. Pwes, gusto mo ba na habang buhay na bantayan yang biep mo? Sige lang.. kung masaya ka pa sa kanya, gamitin mo sya ng gamitin.. tapos.. iwan mo sya. Kunin ang cellphone at lumayas ka.

Ang sabi ni Superpekpek Green:

Woman! ang bata mo pa para maging sugar mami!! You have a choice now, Pwede kang sumama dun sa emerika at magpakalayo layo. Isipin mo na lang lahat ng kasamaan na ginawa nya sayo hanggang magalit ka. Never mo isipin ang masasarap na time dahil tange ka ba? E di hindi mo sya makakalimutan at ang porenjer naman e hindi mo matutunan mahalin! or pwede rin naman na hwag kang sumama sa emerika at makipaghiwalay ka lang... Kasi sa buhay, kailangan mo din ng pahinga mula sa mga lalaki. Kaya minsan masarap na pagkatapos ng isang relasyon ay namamahinga ka muna at inieenjoy ang buhay ng walang sabit, walang commitment. Mahirap lumimot..pero sa una lang yun.. masasanay ka din at darating ang panahon, na darating sa buhay mo ang lalaking mas higit pa sa kanya .. saka mahiya ka naman sa sarili mo noh! Akalain mo,ikaw pa gumagastos! Buti sana kung nuknukan ka ng panget! E hindi naman! Taena mga lalaki dapat ang gumagastos sayo! Dapat ay ikaw ang sakit ng ulo.. at hindi sila… dahil sila ay *isip* weaker sex? Hehhehe.. Hala ayan, Tigilan mo na pag gastos dyan sa lalaki mo! Kung mag-stick out pa rin sya despite na wla ka ng ipangsuporta, siguro nga e mahal ka nya talaga. Otherwise, Taena.. ipukpok ang cellphone sa ulo ng kampon ng kadiliman na yan!

Alam mo Mengay, merong mga bagay sa mundo na mahirap intindihin. Tulad na lang kung bakit sa dami ng tao ikaw pa ang nagkaganyan. Pero ang kaso kasi, ang bawat isa sa atin ay may sinasabing Failure sa lablayp. Sa paghahanap natin ng totoong magmamahal sa atin ay marami tayong maeengkwentro na gago. At minsan narerealize mo lang na nagpakatanga ka pag nagbreak na kayo... At pagkatapos.. ay may pandidiri kang mararamdaman paglipas ng mga panahon...pag hilom na sugat. Hindi lang naman sya ang cute sa mundong earth.. Oo pwedeng sa tanang buhay mo, sa lahat ng mga lalaking maeekwentro mo..Sya lang ang cute. Pero pagdating ng panahon, aanhin mo ang cute na walang pera? Di ba mas masarap kung ikaw ang ginagastusan? Pinadadalan ng flowers.. Ng cards.. binibili ng load? Di ba masarap na ikaw ang binebeybi sa relationship? Dapat mo rin namang isipin kung one sided love affair na lang ba ang relasyon nyo.. at hindi sapat ang pagseselos na sukatan, gagi! Marami pa syang dapat na patunayan para maiprove nyang wagas ang kanyang pag-ibig at hindi puro seks lang. Darating ang panahon na siguro ay magbabago pa sya... pero alam mo naman na ang mga lalaki e bobo sa emotional aspect ng buhay. Mabagal ang development nila pagdating sa mga relationships. It is still your choice whether to stick it out with him or not.. pero kung mag stick out ka sa kanya, Taena, Kailangan mo ng madaming madaming pera!! Harinawang naliwanagan ka kahit paano.. Isulat mo samin kung ano nangyari kay kups ha?! Hanggang sa muli!

Nagmamahal at lalong gumaganda,

Elsa

© Superpekpek inc. Series of 2002 [top][table of contents][home]

seal of imperfection

1
Hosted by www.Geocities.ws