*Basahin mo muna to bago ka magbasa sa ibaba, hoooooooooy!: ang sulat na inyong mababasa ay pinadala sa amin.. hindi yan gawa-gawa lamang.. tututs no! Nasa amin ang karapatan kung gusto naming sagutin ang mga ito at tulungan ang nasabing sumulat. Ang mga pangalan at email address ay hindi na namin inilantad sa kadahilanang... Hello!? E kung kilala nyo sya at ang taong problema nya? E di nagkaletse letse ang buhay nating lahat!!! Kung makatulong ang aming mga advise e di mabuti.. kung di naman epektib at lalo lang lumala ang problema ay kasalanan nilang 2 dahil dapat di nila pinaalam sa amin ang problema nila.. nanahimik kami dito eh! o sya.. yan lang ang mga bagay na dapat mong malaman.. hala.. read onnnnnn!!!
|
I-click mo ang button tapos simulan mo nang basahin ang Advice:
Mahal naming wanting to be Superpekpek Black,
Gandang araw sayo! Magkahalong tuwa at lungkot ang aming naramdaman dahil taena, sumulat ka na naman.. ibig sabihin ay may problema. Aking hinagilap ang mga Superpekpek Heroes upang hingan sila ng mga payo. Sa totoo lang medyo matagal bago nasundan ang huling sulat-- ke dami ng nagbago sa aming mga buhay kaya hindi ko na din alam kung marunong pa kaming mag-advice. Bueno, Tignan natin kung magkakaron ng sense! Let's get it on!
Ang sabi ni Superpekpek Blue:
Uuuuuy, nag mega text sya. I think I can relate to that Ako din pag nagagalit ako sa biep ko ay nagmemega txt ako. Hindi ko nga alam kung saan nanggaling ang powers ko pag galit ako. Parang sa text ko palang ay kaya ko na syang durugin. Syempre pa, lalo akong nagagalit dahil nauubos ang load ko! Taena nya pala eh. Kasalanan nya bakit naubos ang load ko. Kung di ako nagalit sa kanya ay hindi ako magmemega text. Pero dahil alam ko naman na padadalan nya ako ng load eh tuloy pa rin ako sa pag txt ng kung ano anong kawalanghyaan sa kanya. Bah Bah Bah! Dapat alam nya kung saan sya nakatayo sa buhay ko noh! Gago ba sya.. Pero dahil meron ng DROP KOL, ay maari na akong makipag away sa kanya .. basta within 5 seconds lang ay hindi makakaltasan ang load mo. Namura mo na sya e nagmuka pa syang tanga. Biro mo, magsasalita pa lang sya e wala ka na sa linya. I-tayming mo na nasa labas sya ng bahay sa gayun e swak ang pagmumuka nyang engot. Tandaan mo lang na 5 seconds lang ang time limit mo sa pagsabi ng "Tang ina mo, manloloko!" Ulitin ulitin mo lang ang pag drop kol, sa gayun e mapilitan syang tumawag sayo. At pag tumawag sya.. Ayun murahin mo ng murahin, this time kahit mabagal ka ng magsalita ay ok lang. Harinawang nakatulong ako.. smile and be beautiful. (ö)
Ang sabi ni Superpekpek Red:
O my godd!! Really? That's so sad.. Haaay.. people can really be chismosa noh? I think ang masasabi ko lang sa kanya is.. be strong. If you really love the guy, no matter what they tell you-- you will still hold on. Sacrifices have their own prize. If you are meant to be-- kahit sino manlandi sa kanya-- he would still belong to you. Kailangan mo lang ng faith. Oo.. pwede ka nilang tawagin na tanga. Pero ang sabi mo nga, Jan ka masaya. Tanga but happy di ba? Kaya do things that makes you happy. Dahil one way or another-- if its bound to end-- it will end. Always trust your instincts. Dahil inherent power yan ng girls. If you feel something is wrong -- then something is really wrong, believe me. Ganyan ako kay Freddie. =)
Ang sabi ni Superpekpek Lavender:
King ina.. Depende kasi yan sa set ng friends na meron ka. Kung sila ba ay likas na tsismosa.. then dapat di patulan dahil career na nila yaon no! Ngayon, kundi naman sila ganun-- syet.. dapat kang matakot. Dahil walang usok kung walang apoy. Pagpalagay na natin na super mahal mo sya. As in sya lang makakapagpaligaya sayo (yeah right..) Pero, dapat mong tanungin ang sarili mo kung kaya mo pang respetuhin ang sarili mo .. dahil kung hindi na .. Taena let go. Masakit lang yan sa una.. sa bandang huli, mawawala din yan tapos.. Masaya ka na ulit! Yehey! c",)
Ang sabi ni Superpekpek Yellow:
Syet.. Ang masasabi ko lang jan e. Hayaan mo ang mga tsismis.. Pero if its bothering you. Then kailangan mong gumawa ng paraan para talaga namang maalis sa isip mo ang tsismis na yaon. Dahil hangga't merong kang alinlangan sa kanya. Hangga't merong pumapasok sa isipan mo na nagtataksil sya ay hindi ka talagang sasaya. Grabe.. likas sa mga kalalakihan ang mangaliwa at magtaksil. At likas na din naman sa kanila ang mag-explain kung sila ay nahuhuli. Ingat ka dahil hindi lahat ng taong me magandang mukha ay mabait... karamihan sa kanila ay may masamang asal.. tulad na lang namin! Siguro nga ay mabait ka... pero maari din naman kasing wala ka lang ebidensya kaya napipilitan kang umuwa sa kagaguhan ng lalaking yan. Napakarami mo pang bagay ang dapat malaman.. at di masama kung saka sakaling magkatuluyan kayo nyang dagat na yan e, magpa-psychological exam muna kayo pareho. Iba na ang nag-iingat. d-_-b
Ang sabi ni Superpekpek Orange:
Puta, tadyakan mo sa balls nya yang lalaking yan! Wala syang wenta hayup sya. Nafe-feel ko na lagi kayong mag-aaway nyan dahil sa mga katarantaduhan nya. Di bale sana na ikaw ang problemahin nya, pero ang ikaw ang mamobrelema sa kanya? Syet, that is unfair! Minsan kasi ang katigasan ng ulo ay may di magandang kinalalabasan, pero ganun talage eh-- Kaya nga matigas ang ulo di ba?! Minsan kasi kailangan mong makinig.. Para di ka makarinig ng putaenang phrase na "you brought that to yourself, tigas kasi ng ulo mo!" ü
Ang sabi ni Superpekpek Green:
Sa sampung tsismis na narinig mo ay may isang tama duon. Ngayon kung lahat ng tsismis e isa lang ang sinasabi-- taena girl.. tama ang tsismis na yun. Sabi nga nila when there's smoke there's a cigarette. Pero talagang dumarating sa buhay ng mag-singirog ang ganyan. Pero natural lang sa mag-singirog ang ganyan.. Alam mo naman ang mga lalaki, likas na kaliwete sila.. Sa buhay buhay madalas na kung sino ang dapat makaunang makaalam ay syang nahuhuli. Masakit ding isipin na hindi pala sapat ang pagmamahal mo sa kanya dahil kailangan pa nyang manlandi ng kung sino sinong babae jan sa tabi. Nakakainis ding isipin na kahit na ganun ang mga naririnig mo-- Alam mo na mahal mo pa rin sya. Oo tama, maaring ikaw lang ang nakakilala sa kanya-- pero minsan ay kailangan mo ding itanong syong sarili kung "Gaano ko ba kakilala ang taong ito?" Dahil mahirap kilalanin ang taong di mo pa nakakasama sa bahay...yung tipong mapag-aaralan mo ang bawat galaw nya. Kung paano sya makipag-interact without him knowing that you are watching. Dahil dyan kaya merong mga investigative agencies. Alam mo na, yung mga report, pipic ekek and other evidences. Kaya kung ako sayo.. mag-ibestiga ka! Yun lang, harinawang maging masaya ka na sa buhay mo! Makikisampal ako sakaling mapatunayan na eng eng ka talaga! *hithit yosi*'\(",)_,
Ayan, Wanting to be Superpekpek Black, ang mga tinuran ng mga superpekpek. Harinawang nakatulong sila kahit paano sayo. Personally speaking.. kung nararamdaman mo na serious na ang dating ng mga tsismis na ito na naapektuhan na ang iyong buhay at taenang lablayp.. e gumawa ka ng paraan para malaman ang totoo. Me karma nga pero matagal pa bago yun maningil, madami pa akong pinagagawa sa kanya. Maari din naman kasing, ang nangyayaring ito ay karma mo din. Either way, it is shitty. Sa tingin ko kasi mali ang step na ginawa mong pagsugod. Dapat nuon ay kumuha ka muna ng ebidensya para maisampal mo sa pagmumuka nyang sinungaling. Dahil maliit lang ang mundo ng pagdaldal. At halos lahat ng tao duon ang makakakilala. Hindi ba sya nahihiya at nalalaman yan ng mga kaibigan mo?! Taena ang kapal ng muka nyang herodes sya! Sana nga ay ikaw lang mahalin ng gagong yun.. dahil kung hindi... syet.. sulat part 4? Dapat siguro ay lagyan ko ng limit ang pagsulat dine. Kung saka sakaling mapatunayan ang kataksilan ng iyong Malalim na Dagat, Pwede bang mag-request? Pwede bang ako sasampal sa putainangsyet na mukha nyang syet sya?!!? Minsan Bulag ang pag-ibig pero indi kailangang maging tanga. Kung saka-sakali man, marami pang lalaking karapat dapat sayo at sa pag-ibig mo. Harinawang nakatulong kami kahit paano sa problema mo...
Nagmamahal at lalong gumaganda,
Elsa
© Superpekpek inc. Series of 2002 [top][table of contents][home]
![]()