»sulat seksyon«

*Basahin mo muna to bago ka magbasa sa ibaba, hoooooooooy!: ang sulat na inyong mababasa ay pinadala sa amin.. hindi yan gawa-gawa lamang.. tututs no! Nasa amin ang karapatan kung gusto naming sagutin ang mga ito at tulungan ang nasabing sumulat. Ang mga pangalan at email address ay hindi na namin inilantad sa kadahilanang... Hello!? E kung kilala nyo sya at ang taong problema nya? E di nagkaletse letse ang buhay nating lahat!!! Kung makatulong ang aming mga advise e di mabuti.. kung di naman epektib at lalo lang lumala ang problema ay kasalanan nilang 2 dahil dapat di nila pinaalam sa amin ang problema nila.. nanahimik kami dito eh! o sya.. yan lang ang mga bagay na dapat mong malaman.. hala.. read onnnnnn!!!

gaga dahil sa pag-ibig

 

sumulat ako dahil una, wala lang talaga ako magawa.. pangalawa, cguro nga problematic na din ang aking relasyon.. OK OK ganito yun.. me prendship ako tapos sa di sinasadyang pangyayari..may nangyari sa amin minsan na nalasing kaming dalawa. Meron syang anak.. pero hindi naman sya kasal dun. wanakopake kung bakit d nya pinakasalan ang gagang babae pero lagi naming nilalabas ang bata. syempre naimberyna ang lolang mahadera!! lagi kami lumalabas na parang may shota na akala ko nga kami na yun pala.. illusyonada ang pala ako! tingin nya pala sa akin ay gamit nya na pwede nyang gamitin pag nagiinit na ang kanyang pakiramdam at kailangan nyang ilabas lang yun. Prendship lang ang habol nya ( kuno!) d ba mas magandang pakinggan keysa naman sabihin pa nyang katawan ko lang ang habol nya at gusto nya akong maging panakip butas. magulo na nga isip ko.. me bigla namang umentra sa buhay ko at nagfefeeling spiderman ( hindi ko na gnamit c superman kase laos na sya) as if kaya nya akong sagipen sa pagkakalokaloka ko dun sa gagong lalakeng yun! Iritang irita ako kase talagang super swit sha! helpppppppppp meeeeeeeee!!!!!!!!!!!!!!!!

IM ON FIRE! pls call 911!

nagmamahal at umaaasa,

Gaga dahil sa pagibig (name and email address withheld)

 

 

I-click mo ang button tapos simulan mo nang basahin ang Advice:

Mahal naming Gaga dahil sa pag-ibig,

Isang malugod na pagbati at pasasalamat! Harinawang nasa mabuti kang kalagayan habang binabasa mo ang mga advice dito.. Bueno.. Dahil ang iba sa mga Superpekpek Heroes ay nagpapahilom pa ng mga sugat na natamo mula sa engkwentro.. sila ay hindi makapagbigay ng mga pahayag ukol sa iyong problema. Ikaw na sana ang magpapasensya ... Ako ay humingi ng tulong sa mga taga-pektonia. At ang iba naman sa kanila ay malugod na nagbigay ng advice.. Hindi ko alam kung makakatulong pero.. what the heck.. try mo na din.. ang iba ay nangahas na pangaralan ka.. Pero yaan mo na sila.. dun sila sumasaya eh! O sya.. ire na ang mga tugon ng ibang superpekpek heroes at ng mga taga pektonia:

Ang sabi ni lapongga:

dear gaga dahil sa pag ibig, bago ang lahat...luma ang iba!!! kaya sa susunod bago mo ilalagay ang sarili mo sa sitwasyong ganyan, isipin mo muna kung ano ang magiging resulta. dahil ang mga kabaro ko, hangga't makakalusot ay lulusot (hindi ko naman nilalahat, syempre exempted ako..). at i have news for you, yan ang gustong gusto ng mga lalaki haliparot , yang mga relasyong walang linaw, kase in da end...di mo nga naman siya masisisi kasi wala namang kayong pinag usapan about any commitment...o get mo na?...next time, bago ka pumasok (at magpapasok) sa isang complicated na situation na ganyan, make sure na malinaw ang usapan para pagdating sa huli..walang sisihan....heniweys...just move on na lang sister...dami pa naman diyan eh...

Ang sabi ni Arien_Lagrosa/Skwala~!:

Shet naman oh. No offense pero gaga ka talaga. Unang-una bat ka nagpapakagaga dun sa prenship mo eh alam mo lang palang gagamitin ka lang?!? Simple lang naman ang sagot sa problema mo eh, iwanan mo si prenship mo. Dun naman ke spiderman, gaga feeling Mary Jane Watson ka naman. Eh kung sa palagay mo eh di ka lolokohin at ilalambitin ni spiderman eh di dun ka sumama. Pero mas mabuti kung ka muna papasok sa relasyon: IN ADER WORDS, ipahinga mo muna ang puso at isip mong hunghang. Kung seryoso sayo si ispayderman eh uunawain ka niya. Masyado bang conservative ang payo ko? eh wala, yun lang ang masasabi ko.

Ang sabi ni babaeng-mahilig (magmahal):

Hay naku babaeng tuliro...isa lang ang masasabi ko sayo...Waaaaaaaaaaaaaaaa! Susme, tama ba namang hayaan mo na ganunin ka ng nyetang lalaki na yun? Hay naku sis, kung ako sayo, magising ka sana sa katotohanan na panawid-init ka lang ng lintek na yun. Ikaw din, baka balang araw eh my i suicide ekek ka na nyan kase you gave him everything na ata eh. Potek! Wag ganun sis! Dont let him get into your nerves ok? At si spiderman nman ng buhay mo, give him a chance. Aba malay mo, maging feeling damsel in distress ka na nasagip nya di ba?Sows nman sis... pinagdaanan ko na yan lahat. Leche! Talagang mahirap yan. Di lang 911 tinawag ko no! Well, sana, may panahon ka pa to get over that guy with anak okies?

Ang sabi ni mRBiGG:

masasabi ko ke "babaeng tuliro"; dapat magising na siya sa katotohanan na ginagamit lang siya ng prendship niya.. at ang tanging paraan para maka-alis siya sa sitwasyon na yon ay iwanan niya ang prendship niya.. period! wag na siya lalo pa magpaka-gaga pa! cguro she's madly inlove na dun ke prendship.. pero naman, napakamanhid naman nung guy.

tungkol naman ke spiderman; well, why don't you give him a chance, di ba? malay mo siya na nga yong lalakeng magmamahal sayo. pero sa palagay ko, rest mo muna yang puso mo.. tsaka katawan mo.. give urself a break muna. wag ka din padalosdalos ke spider man. kung talagang mahal ka ni spiderman, siguro naman kaya nun maghintay until such time na ready ka na uli pumasok sa isang seryosong relasyon.

o siya, mahaba nayan.. baka makagalitan na ako ng asawa ko.. magluluto na ako ng pananghalian namin tsaka magpapaligo na ako ng mga anak ko.. hehehe!! hirap talaga ng takusa..!

Ang sabi ni Spyderman:

babaeng tuliro... sa dami ng dumagok sayo, natauhan ka na siguro. tanong is papano ka gaganti sa pukarang prendship mo at makilala mo ng husto si spiderman.

Invite mo si prendship mo na manood ng sine then punta kayo sa disco and say you'll meet in a mall. pagdating ng mo sa place kasama mo na si spiderman*siguradong gulat yon dahil kala ni prendship mo skor na naman sya*. Pag pumayag si hudas sa gimik mo na tatlo kayo, magpakasweet ka kay spiderman(yung sweet ha hindi flirting)habang nasa gimik. Bago semi dedma mo si prensip hudas mo....... as much as possible oo or hindi lang sagot mo kay hudas pag nagtatanong sya.Pag napikon weakest link yon... bye bye mo na sya.

Observe mo si tokayong spiderman habang playing sweet k sa kanya for 6 moths. HHWW lang kayo and kiss lang sa cheek pag gudbye...tingnan mo kung tatagal sya na panay ganon (ingat ka, baka ikaw ang bumigay). OK na yon 6 months, kung ako nga di ko matiis yung 1 buwan na walang. Pag tumagal sya...and naipakilala ka na sa parents nya. hooowahhhh!!! kita mo na strongest link.

Ang sabi ni Superpekpek Blue:

Naiintindihan ko ang sentimeyento mo! Dahil ang biep ko din naman ay may mga anak! Take note ha.. MGA! as in APAT! At minsan pa nga ay isinasama nya ang bunso nyang anak.. at ang masasabi ko lang.. taena talaga.. hindi ako pinganak ng Dyos para lang mag-alaga ng anak ng me anak. Alam mo ba .. na kundi lang sa mga bata ay malamang kami na ang nagsasama... Puta talaga ang sitwasyong ganito. Ayon na rin sa kwento mo.. akala mo "kayo" na. Mukhang napaaga ang pag claim mo mare! Taena.. humanap ka ulit ng iba noh! Me chat sa cellphone ngayon.. dun ka maghanap ng ipapalit jan sa taenang manggamit na yan!

Ang sabi ni Superpekpek Red:

Being used is really hard to accept.. And you know.. we girls kasi tend to presume things that isn't really there.. Siguro mas okey kung sila magpepresume and we just play them. Shet talaga .. saket nyan.. if you ever see this guy again , girl.. Give him the Finger noh! He really deserves it!

Ang sabi ni Superpekpek Lavander: On leave, nagpapagaling ng basag na puso.

Ang sabi ni Superpekpek Yellow: On leave, pilit pinapatay ng boss nya sa pag gawa ng sangdimakmak na pleadings.

Ang sabi ni Superpekpek Orange: On leave, nagpapagaling ng mga muscle na namamaga dahil sa sobrang pagkakatayo sa trabaho.

Ang sabi ni Superpekpek Green:

Bueno.. dahil sangdimakmak na ang dumadakdak ukol sa problema mo.. ano pa nga ba ang masasabi ko na hindi pa nasabi ng mga dakilang mahadera sa itaas. Alam mo gaga.. dapat mong isa-isip na iba ang takbo ng utak ng babae at ng lalaki. Kahit kelan ay hindi nagtatagpo ang kanilang pangunawa unless pinag-uusapan ng husto... Alam mo namna na siguro na ang mga lalaki ay medyo mahihina umintindi at walang kasing manhid ng mga putaenang yan! Kailangan mo pa ipaalala sa kanila ang mga bagay bagay di ba?! Merong mga lalaki talaga ang walang inisip kundi ang sarili lang nila. Wala silang iniisip kundi pasayahin ang sarili nila. Malas mo lang dahil nagkrus ang landas nyong dalawa. Iba ang prenship sa flingship .. Ang prenship me halong pagmamahal yan..ang flingship.. halo halong init lang yan! Taena. maghiganti ka! Landiin mo to the max ang hayup na lalaki.. tapos ilabas mo sya.. tapos bigyan mo ng isang gabing di malilimutan.. at pagkatapos ng mainit na sandali.. Ikumpara mo sya sa ibang lalaki na kunwari ay napaglaruan mo na din. O di kaya e bayaran mo ang serbisyo nya... Pwede din naman na after nun e.. taguan mo sya.. Iparamdam mo sa kanya ang sakit na naramdaman mo nung nalaman mo na ginamit ka lang nya tangna nya. Tungkol kay Spiderman.. bah bah bah.. nararamdaman ko na iba ang dating "help help" na sigaw mo... Parang nahuhulog ka na sa bitag nyang taong gagambang yan! Uhmm hindi ko naman sinasabi na wag mo patulan.. lalo na nga't super sweet ang lalakish na iyuon.. Ang nais ko lang iparating sayo ay baka naman mamaya e maling signal ang nababasa mo! Mag-iingat ka sana sa pakikitungo sa mga anak ni hudas.. hindi masama ang magmahal.. pero masama ang manloko! yun na!

Ayan ha.. gaga dahil sa pag-ibig.. Malinaw na malinaw ang isinasaad ng bawat nilalang na hiningan ko ng tulong!! Alam mo.. mahirap ang umibig.. dahil sa pag-ibig .. laging me tsansang maloloko ka.. iiyak ka. Pero hindi dapat ito maging hadlang, dapat patuloy pa rin ang paniniwala mo na darating ang panahon makakatagpo ka ng lalaking magmamahal sayo ng tapat. Lalaking hindi manhid.. lalaking hindi tanga.. at syempre pa, lalaking iyong-iyo lang! Harinawang naguluhan ka sa mga tinuran ng mga taong yan! Sumulat ka ulit, huwag ka ng mahihiya..

Nagmamahal at lalong gumaganda,

Elsa

© Superpekpek inc. Series of 2002 [top][table of contents][home]

seal of imperfection

Hosted by www.Geocities.ws

1