*Basahin mo muna to bago ka magbasa sa ibaba, hoooooooooy!: ang sulat na inyong mababasa ay pinadala sa amin.. hindi yan gawa-gawa lamang.. tututs no! Nasa amin ang karapatan kung gusto naming sagutin ang mga ito at tulungan ang nasabing sumulat. Ang mga pangalan at email address ay hindi na namin inilantad sa kadahilanang... Hello!? E kung kilala nyo sya at ang taong problema nya? E di nagkaletse letse ang buhay nating lahat!!! Kung makatulong ang aming mga advise e di mabuti.. kung di naman epektib at lalo lang lumala ang problema ay kasalanan nilang 2 dahil dapat di nila pinaalam sa amin ang problema nila.. nanahimik kami dito eh! o sya.. yan lang ang mga bagay na dapat mong malaman.. hala.. read onnnnnn!!!
|
I-click mo ang button tapos simulan mo nang basahin ang Advice:
Mahal naming engot girl,
Isa kang pasaway! Sa uli uli kasi-- maniniguro ka, dahil nakakahiya ang ginawa mo. Biro mo nangbintang ka tapos ikaw pala mali. YAK! Anyway, depende sa akusasyon na ginawa mo. Kung ang akusasyon e me bahid ng krimen, naku day-- patay tayo jan, dahil alam naman nating napakadali magpatawad pero napakahirap makalimot. Ang ganyang mga pangyayari ay nakakapagpabago sa isang relasyon -- kahit pag-iibigan o pagkakaibigan. Sabi nga ng iba-- merong mga bagay ang di mo na maibabalik. Ngunit dahil sa magagaling tayo--- pwedeng remedyuhan yan. At dahil na rin sa pangangailangang pagtitipid ng espasyo, e minabuti ng mga SPP na tig-iisang suhestyon na lamang ang kanilang ibigay.
Ani Superpekpek Blue:
Mag-sorry sa pamamagitan ng text. Siguraduhing me load at me charge ang cellphone! Kundi ka nya patawarin, e miss call mo ng miss call gang ma-low batt sya! Mainis man sya sayo e mapag-iisipan naman nya na talagang sincere ka sa iyong paghingi ng tawad.
Ani Superpekpek Red:
Alamin ang mga bagay na gusto nya. - ito ay may character ng suhol. Bigyan mo sya ng mga bagay na sobrang ninanais nya. Sabihin mo na bati na kayo para mailakad mo sya sa babaeng pinagnanasahan nya. Ganun din naman, maari rin syang bigyan ng mga gamit tulad ng cap, t-shirt o kung ano ano pang kinahihiligan ng mga lalaki bukod sa pambababe. Kalahati ng problema sa mundo ay naaayos ng pera day!
Ani Superpekpek Yellow:
Ipaalala mo yung mga times na andyan ka for him. --- ito yung mga bagay na medyo makakabawi ka. Huwag mo ipalala yung mga times na tinarantado mo sya-- dahil lalo lang yun magdadamdam. Ipaalala mo din yung masasayang times nyo together.. yung mga oras na nanlalait kayo habang nakatanga sa tapat ng bahay... yung pang-aaway nyo sa kapitbahay. Sa pamamagitan nito, maiisip nya na bah! Mahaba na rin pala pinagsamahan nyong dalawa at kalabisan na pag-iinarte nyang ito.
Ani Superpekpek Lavander:
Wag ng banggitin ang pangyayari.-- Taena, Mag move on na kayong 2! Dahil nakaraan na yun, di nyo na maibabalik pa kahit i-replay mo pa yan sa isip mo ng isang milyong beses.
Ani Superpekpek Orange:
His friendship is all I can have ka jan! Ano ba?! Ma-guilty ba? Ok lang yan, marami kang maipapalit jan no. Ikaw naman kasi-- eengot engot ka!! Kainis ka eh! Kung ayaw ka na nyang maging friend, e di ayaw mo na rin sa kanya! Ganun lang kasimple-- di mo kailangan ipagsisikan sarili mo daming tao sa earth noh!
Ani Superpekpek Green:
Imbitahan mo syang kumain sa labas.. tabihan mo at saka mo tanungin kung gaya na ba kayo ng dati. Kung sumagot at feel mo na di sya serious, Yugyugin mo sya -- at itanong mo kung pinatatawad ka na ba nya. Kung di sumagot-- yugyugin mo ulit sabay tanungin mo pasigaw kung peace na ba kayo. Kung peace na kayo-- sya pagbayarin mo tutal balik na kayo sa dati nyong "close" friendship. Kundi naman -- kunwari magkakasilyas ka lang kamo at hintayin ka nyang bumalik at ikaw ang magbabayad. Pero syempre, tatakas ka na tutal ayaw ka na nyang maging friend-- e balasubasin mo na rin!
Talagang ang asal ng kababaihan ay isang misteryo. Hindi malaman kung normal ba sa kanila ang pagiging makulit, pinatawad na nga-- gusto pang makasiguro na totoo yun at di bola lang. Maswerte ka Engs, at meron taga pektonia na naglakas loob na pakielamanan ang problema mo. Ito ang kanilang tinuran:
Ani ni Adel:
time heals all wounds, ikanga ... now if its long or short time, depende na sa budget mo
Ani ni Gulaman Girl:
Gaya nga ng kasabihan: "words, once spoke, can never be taken back." Sadya mo man or hindi, nasabi mo na. Kahit siguro habangbuhay mo ipakita ang remorse mo at subuking bumawi, kung yun tao labis nang nasaktan at naapektuha..ala ka nang magagawa kung hindi na 100% maibalik sa dati samahan nyio. Kumbaga.. live with the mutation of your friendship brought about by the words you have spoken.
Harinawang nakatulong kahit pano ang mga tinuran ng mga iyan, ikaw naman kasi-- sa susunod e mag-isip ka muna ng 10 beses bago ka magsalita. Mahirap talaga ang padalos dalos-- kaya maraming unwanted pregnancies sa Pilipnas eh! Hanggang sa muli at maraming salamat sa iyong pagliham.
Nagmamahal at lalong gumaganda,
Elsa
© Superpekpek inc. Series of 2002 - 2004 [top][table of contents][home]