panain si cupido sa pagitan ng nuo
Mga tanghaling tapat, pagkatapos kumain ng pananghalian ay dumating na si Mang Gusting... Inabutan nyang nagkakayod si Elsa ng niyog. "uhmm fuck, uhmp! ump! ump!" sabi ni Elsa na hirap na hirap sa pagkayod. "Ang sipag ng anak ko ah... "sabi ni Mang Gusting sabay himas sa buhok ng anak. Inabot ni Elsa ang kamay ng ama at nagmano. "Ang ganda talaga ng anak ko.. siguro maraming nagyaya sayong mag-date sa Balentaym's day no?" tanong nito. "Dad, di ho ako naniniwala sa balenataym's day na yan! Puro Kaplastikan yan! Puro kagaguhan.. dagdag gastos lang yan eh!"pabalang na sagot naman ng huli. Nahalata ni Mang Gusting ang pagkainis ng anak, kaya naman lalo nya itong inasar. "Huuuu! Aminin mo na anak! Dangkasi'y ayaw mo pang magboypren ng makalabas ka naman ng bahay... di yang kayudan ang inaatupag mo... Minsan lumabas ka.. yayain mo mga kaibigan mo."sabi ni Mang Gusting. "Wala ho akong kaibigan..."inis na sambit ni Elsa. "Dad, tama na ho ok? di ho ako magde-date sa balentayms, Magbubukas ako ng tindahan... sayang din ang benta." dagdag pa nito.
"Gandang hapon, Elsa... mukhang di ka pa naliligo ah.." sambit ni Baho, sabay bagsak sa mga Buko at nyog. Tinalikuran ni Elsa si Baho.."Tumahimik ka... Mukhang ikaw ang di pa naliligo since forever.. ang baho baho mo.. nakakasuka ang amoy mo.." sabi nito. "Asusssss... nahiya ka pang umamin! Hoy, bata pa lang tayo kilala na kita no! Alam ko oras ng ligo mo!! Saka di ako ang mabaho.. baka ikaw!"sabit ni Baho sabay batok kay Elsa. "Tang na ka baho! lumayas ka nga dito! Binubwisit mo ko!!.. di ka ba aalis jan!? Isusumbong kita kay daddy"sigaw ni Elsa. "Wow! dadi na ba ngayon ang tawag mo kay Mang Gusting?! Hanep.. sosi ka na ha! Ang lupit mo! Para kang abnoy!"sabi ni Baho sabay tawa ng malakas. Napikon si Elsa, kung kaya't kinuha nya ang pangkamot at hinampas hampas si Baho. Nagtatakbo naman ang ugok na si Baho sa takot na magkabukol. Inamoy ni Elsa ang sarili at sya'y nagulat.. tang ina! Sya nga yung amoy baktol!
Pagkapaligo.. bumalik sya sa tindahan at tumunganga... Nang inantok ay umidlip... Napasarap syang masyado sa pagtulog ay di nya namalayan ang pagtulo ng laway nya... Sya ay nanaginip....
Superpekpek Green: Hoooooooooy, Elsaaaaaa!! Gising! tangna andito ka sa Panaginip noh! Idilat mo ang mata mo!! Tama bang maglakad ng nakapikit. Sabay kotong kay Elsa.
Superpekpek Orange: O ano tang ina ka.. aangal ka pa jan?! e ang tanga mo kasi!!
Elsa: Hindi ako tanga... putah..
Superpekpek Violet: O ano problema mo? Bakit nakasimalsimal ka?!
Superpekpek Pink:Yeah.. what's your problem ba?! You look like a Jologs.. I told you naman na be pretty when you go to sleep cause you'll see us there...
Superpekpek Yellow:*zip*
Elsa: E pano si dadi.. tinutukso ako.. bakit daw wala akong date sa Valentine's day.. e wala nga akong boyfriend noh! Saka ang gusto kong ka date si Doc.
Superpekpek Pink: Gosh.. You're so makulit pala eh.. Me gf na si Doc no.. Oo nga madaming acne yun pero she's still the GF. Besides...It doesn't matter naman if you have a date or not noh..
Superpekpek Green: Tanga! It does matter noh! Biro mo.. Lahat ng kababaihan sa mundo ng earth e me bulaklak..me chocolates.. tapos ikaw ..WALA! Putang buhay yan o!
Superpekpek Orange: hmm.. ano ang dapat gawin.. kailangan ma-text si Cupido ng maayos ang date ni Elsa.
Superpekpek Yellow: Di ba dapat walang date si Elsa sa V day? Kasi malamang mag-OT tayo nun.. paniguradong maraming babaeng maapi.. maraming babae ang maloloko ng mga syota nila.. at maraming babae ang di magka-cum.
Superpekpek Green: Hanep ka talaga bumirada Yellow.. Napatanga ako eh!
Superpekpek Blue: Ako na lang magtetext kay Cupido... wala akong maisip na sabihin kay Elsa.. ay meron ito for you.. "fuck you!". Sabay ayos ng buhok.
Superpekpek Pink: *laughs out loud* You're so bad talaga Blue.... But i like that... "Fuck you also, Elsa". Sabay ayos din ng buhok.
Superpekpek Blue: Ayan, nagtext back na ang kups... "k." Puta anong klaseng text yun?! Ke haba haba ng text ko sa kanya-- ang sagot lang "K?" shet!
Superpekpek Orange: Ako na magtetext.. tangnang Cupido yan ha.. nanarantado ba yan? *hablot ang cellphone at nagtext* AYANNN! E di umayos syang kupal sya!
Superpekpek Violet: Ayan.. matuto syang kups sya! Yahooo!! me date na si Elsa! Elsa! Elsa!
Elsa: *tulo laway*
"Elsa! Elsa!... elsa pabili ng 3 nyog!" sabay dutdot sa nuo ni Elsa. Nagulat ang ating bida.. pinunasan ang laway.. kinayas ang mga natuyo na.. sabay tingin sa relo. "Aba.. gabi na pala... di ko namalayan ang oras.. napasarap kasi ako sa pagtulog" sabi nito. "Obvious nga.."sabi ni Doc. "Doc, ikaw ba yan!?" tanong ni Elsa. "Yup! Bibili ako ng niyog. 3."sagot nito. "Ako na pipili Doc ng mga nyog mo... Large ba gaya nito?"sabay turo sa boobs nya. "...or medium tulad nito" sabay dakma sa nyog malapit sa kinatatayuan ni Doc. Nagulat si Doc... sabay sabi "Large lang ba ang boobs mo? Parang xtra-large kasi in my points of views.."
Elsa: a eh... doc.. me kadate ka na ba sa balentayms?
Doc: Duty ako Elsa.. nagagalit na nga si meldy sa akin kasi wala akong times for her.
Elsa: *isip* e pano ka magkakataym e ang panget nya.. di mo ba alam na ako lang ang nagmamahal sayo? Sa akin ka lang liligaya?! Superpekpek Heroes! hellllllp! Text nyo na si Cupido.. si Doc gusto ko makadate!!
Sa kabilang mundo... nayanig at naistorbo ang mga nagto-tong its nating mga bida dahil sa kangangawa ni Elsa..... Tinext ni Superpekpek Yellow si Cupido... at dali dali namang sumugod ang huli...
Cupido: Tangna! ano na naman!? putsa.. sarapsarap ng ginagawa ko.. shit!
Superpekpek Yellow: Tang-na ka! kailangan ni Elsa ang kadate... andun na daw... panain mo na... di kami makakapunta dahil di pa tapos ang last hit *hithit sigarilyo* ikaw na muna bahala sa kanya.. pagbutihan mo ang trabahong hayup ka ha!
Ang kawawang Cupido.. pumunta sa tindahan nila ELsa.. duon nakita nya si Elsa na kausap si Doc..
Cupido: *isip* ito na siguro.. dahil wala namang ibang lalaking andito sa tindahan... hehehe!! buti na lang magaling ako pumana.. isa lang pala tong dala ko .. pero di bale...yakang-yaka ang isang to... *asinta si doc* Hmmm... wag kang gagalaw na hayup ka.... ayan.. pwesto...pwesto... para kay Elsa na walang ka-date sa balentayms.... *tsug!*
Sa kasamaang palad ay di tumama ang pana... Laking galit ng mga Superpekpek sa katangahan ni Cupido.. dahil mali maling tao ang pinapana nito.. at di lahat ng tao ay may ka-date sa Balentayms dahil cost cutting daw sya diumano.. at dahil walang ka-date ang mga Superpekpek Heroes.. at dahil.. Wala lang. Feel lang nilang panain si Cupido sa pagitan ng nuo.
Moral Lesson: wala.
Ok fine... ANY lesson: Di mahalaga kung me boyfriend ka o wala.. Basta me date ka sa Valentine's day..or meron kang bulaklak ka o meron kang tsokolate. Huwag husgahan ang mga taong walang date, walang tsokolate, at walang bulaklak.. hindi sila mga taga-out of this world. Tao din sila.. wala nga lang minamahal o nagmamahal, in short walang epeysial someone... pero at least tao. Sa araw ng mga puso.. matuto.. kungdi mapigilan ang puson. Mag-Condom kang lintek ka. OO tama isuot mo sa kamay mo ang condom, Tanga!
© Superpekpek inc. Series of 2002 [top][table of contents][home]