| sheila ! |
![]() |
| namimilipit, nakakabuwisit |
| namimilipit ang mundo parang kay sikip. samu't saring alaala, lungkot, galit ang gulo-gulo, nakakabuwisit! sa bawat araw na magdaan akala ko, hirap ay nababawasan pero pagbangon sa umaga, minsan walang nabago mula sa araw na nakaraan. itinutulak pilit mga alaala sa dulo ng isip at sa gabi tuwing pipikit nagdadasal na sana'y walang panaginip. pero, ano ba naman, talagang ang emosyon di maibsan hindi sapat na nalalaman walang halaga anumang nararamdaman. naloko ka ba? naloloka ka na ba? ano man iyan, please, tantanan! dahil sa kanya, wala iyang kahulugan. 'tang ina, at kung anu-ano pang mura sa sarili man o sa kanya, di maisigaw at lalong di bagay lunurin mo na lang sa laway. dahil gaano mo man iyakan kung siya'y walang nararamdaman natuyo ka na't lahat iba pa rin kanyang kayakap. sige lang, tuloy lang bilog ang mundo, tao ay di bato. ngayon ay nandito bukas sa kabilang dako. tiisin ang pamimilipit kahit lubos na nabubuwisit pasasaan ba't mangingiti sa buhay isa lang itong --- kiliti. 31aug04, 1330h, dvo |
|