| ingat. salitang sa 'yo ko natutuhang sabihin nangangahulugang ayaw kong may mangyaring kung ano sa 'yo dahil mahalagang lagi kang masaya, walang dinadamdam, ligtas. ingat ka sapagkat di kita makakasama dahil di kita masasamahan. kasama ng mga salitang 'yan ay dasal na lagi kang nasa tama, para mawala sa dibdib ko ang takot. ingat 'yan lang ang masasabi ko. pabaon saan ka man makarating. sana'y maaalala mo lagi na may taong nag-aalala sa 'yo. ingat ka huwag kang gagawa ng mga bagay na ikalulungkot ng mga nagmamahal sa 'yo. dahil ako 'yon. nagmamahal sa 'yo. sa huling pagkakataon na sasabihin ko sa 'yo mag-iingat ka. alam mo na kung ano'ng ibig kong sabihin: mahal kita. ingat. lagi. to M 16june02, 1600h, mnl |
| sheila ! |
![]() |
| ingat |
|