Dasmariņas Hymn
Dasmariņas, Ika'y aking mahal
Uliran kang duyan ng aking buhay
Pag-iisip, diwa't karunungan
Sa paghubog mo'y masimulan
Ang pangako sa kinabukasan
Taglay ko'y iyong kasaysayan
Mahal kong lungsod ng Dasmariņas
Ikararangal ka kahit saan man
Kapaligiran mo'y sakdal ganda
Likas na yaman amin ang pamana
Dasmariņas tinubos ang luha
Kalayaan ang hinadhika
Kagitingan ng mga bayani
Sa paglaban sa pang-aapi
Mahal kong lungsod ng Dasmariņas
Ikararangal ka kahit saan man
Mahal kong lungsod ng Dasmariņas
Ikararangal ka kahit saan man