about
music
you are visitor #
  There are infinite  times when thoughts suddenly pop in my head, spontaneous words keep on linking themselves, emancipating themselves, binding themselves into phrases, lines, sentences and paragraphs forming beasts and mortals, rationals  and supernaturals; forever dancing  in landscapes painted gray.

      I wake 2 in the morning, trying to forget  them, their  whispering mantras in my head, only to find myself grasping for paper and ink.

     There goes another sleepless night, teasing me to take some pills..

     Here's a page to the great unknown which forever keeps us wandering on his transparent, unstable plane called life.
graphics
links
home
poetry&prose
      Hanggang ngayon istranded pa rin ako dito. Hindi ko na binigyan ng pagkakataon ang sarili kong maging isang biktima ng pangagahasa ng mga taong nakapaligid sa akin. Pero hanggang ngayon, hindi pa rin maliwanag ang madilim na eskinitang gusto kong pasukin, kaya 'eto, istranded pa rin ako.

       Masyado na kasing maliwanag doon sa aking pinanggalingan at nakakahilo na rin ang patuloy na pagsinag nito sa aking mga mata. Nakakahilo. Bumabaliktad ang mga nalalaman ko.

       Gusto kong patayin ang mga ilaw pero maraming nagagalit, maraming nayayamot. Hindi kasi sila nasanay sa dilim. Ayoko ng pakiramdam na iyon. Ayaw nila sa dilim.

       Noong una, kasama ako sa hangaring magkaroon ng katotohanan ang aming paligid. Nais ng lahat makita ang hitsura ng aming nasasakupan. Nais ng lahat makilala ang kani-kanilang mga sarili.Naghahanap ng kabuluhan ang lahat at kasama ako doon. May isang pangarap na napagsang-ayunan.

       Gusto kong maaninag ang aking sarili. Ang hitsura ng aking mga mata kapag pumupungay ito dahil sa antok, ang sayaw ng aking mga daliri kapag ito'y naiinip, ang buka ng aking bibig kapag mayroong awiting nagpupumilit mabigkas. Ang lahat ng ito, katulad ng sa lahat, ay ninais kong makita at makilala.Isang paghahanap katotohanan.

       Katulad ng inaasahan, natagpuan ang liwanag. Noong una'y mahirap itong yakapin dahil kahit kailan ay hindi ito dumampi sa aming mga balat. Ang aming mga mata ay pansamantalang nabulagan sa kung anuman ang aming hinaharap. Ngunit ngayon, ngayong nakamit na ang pinakaaasam-asam na liwanag, ay hndi na namin ito mapakawalan.

       Nakita namin ang aming mga sarili. Dahil sa liwanag na ito ay nalaman ng lahat ang marumi sa malinis, ang maganda sa pangit. Nagkaroon ng pamantayan kung ano ang nararapat at hindi. Dahil sa liwanag ay nagkaroon ng isang komunidad na mayroong imaheng pagkakakilanlan, na mayroong poprotektahan, na mayroong ipaglalaban.Nagkaroon ng mataas at mababa.

       Dahil na rin sa liwanag ay nakita namin ang kapasidad ng aming nasasakupan. Nagkaroon kami ng pagkakataon makilala ang ibang nilalang, mga hayop at halaman. Napag-aralan at nalaman namin kung paano gamitin ang mga ito sa aming mga maka-sariling hangarin upang lalo naming mapa-unlad ang aming mga sarili. Nagkaroon ng dahilan upang abusuhin namin ang dati'y hindi naman namin inaabuso. Nagkaroon ng dahilan upang pakialaman namin ang aming mga sarili at ang aming kapaligiran. Ang dating simpleng pangarap na makilala ang aming mga sarili ay naging isang komplikadong realisasyon ng isang kapangyarihang tahan ng aming mga kamay.

       Nahihilo na ako sa mga pangyayari. Mayroong nang puting tulodk sa tuwing ipipikit ko ang aking mga mata.

       Ayoko na sa liwanag. Marahil dati, noong kami'y naroon pa sa dilim, ay bulag kami sa katotohanan ngunit ngayo'y tila mas nabulagan kami nang matagpuan namin ang aming mga sarili.

       Hindi nga kami makakita sa dilim ngunit nabulagan naman kami ng liwanag.

       At ngayon, 'andito ako sa bungad. Nagdadalawang isip kung saan ako papanig. Isang hakbang pabalik sa dilim. Sinubukan ko silang isama ngunit hindi nila mapatay ang mapang-akit na liwanag. Hindi na nila ito mapatay.

       Ayoko na sa liwanag. Ang pungay ng aking mga mata'y hindi na dahil sa antok kundi dahil sa pagkakalungkot. Ang sayaw ng aking daliri'y hindi na dahil sa pagkainip kundi dahil sa pag-aasam ng pagbabago. Ang aking bibig ay ayaw nang umawit dahil wala nang awiting mayroong magandang himig.

     Patungo sa pinanggalingan, sa pagpikit ng aking mga mata.
9/24/03                 Sa Muling Pagdilim
post / view comments
You have to be a member to post. Send your e-mail here
and wait for the confirmation.

P&P Members:
paderewski
sQuid
Hosted by www.Geocities.ws

1