PERFECT


Part 8

Successful ang plan namin.

Gaya ng dati wala uli ang lola ni Wendell.. naisip namin na nakakaisip itong gumawa ng kalokohan pag umaalis ang lola nya. Niyaya ako ni Wendell sa bahay nila.. sumama ako pero nagkunwari akong �meron� ako. Wala syang nagawa.

Parang naririnig-rinig ko pa ang sinabi ni Raf.. �pag hindi xa napagbigyan siguradong maghahanap yon para masatisfy nya ang sarili nya..�

Kaya nang umalis ako� hindi na ako nagpahatid� sinalubong ako ni Raf sa isang kanto. Nagtago kami at naghintay habang kumakain ng baon nitong sandwiches� para daw wag kami magutom sa paniniktik kay Wendell.

9pm na nang lumabas si Wendell.. isa at kalahating oras pagkaalis ko. Bagong paligo ito. Sinundan namin xa ni Raf. Gaya ng inaasahan sa isang bar nga ito nagpunta.

Bandang 10pm ng dumating si Chelsea. After an hour lumabas sila. Abah! Hindi na pinatagal ang inuman at harutan nila. Halatang sabik na ang mokong!

Siniko ako ni raf. Sinasaway nya ako dahil ang hita nyang kinapapatungan ng kamay ko ay nasasaktan na pala dahil naibabaon ko na don ang mahahaba kong kuko. Agad akong nag-sorry at tumingin uli kina Wendell.

Nang makalabas sila ay sumunod kami ni Raf.

Doon nga sa bahay nila dinala ni Wendell si Chelsea. Sa pinto pa lang ay naghahalikan na sila! Nang makapsok sila ay dagli akong sumugod. Hindi na ako napigilan ni Raf.

Pagbungad ko sa pinto ay napaigtad sina Wendell at Chelsea. Lumapit ako at sinampal si Chelsea.. malakas na malakas. Gusto kong makasiguro na magmamarka ang palad ko sa mukha nya. Napatunganga si Wendell. Sinamantala ko iyon at sinuntok xa sa mukha.

Galing ko db? Buti na lang at mga barako ang kaibigan ko kaya kahit paano ay marunong akong sumuntok. Lumabas na ako.

Sa labas ay nandoon si Raf. Nakasalikop ang mga braso nya sa dibdib.

Rio: Lets go Raf!

Sumunod ito sa akin at umuwi na nang bahay. Pagdating sa bahay� binuksan ko ang computer at inaya ko syang maglaro.

Naglaro kami ni Raf.. after three rounds.. yumakap ako kay Raf at umiyak.

Binuhat ako ni Raf at dinala sa kama. Naupo kami roon pasandal sa headboard at ikinuwento ko sa kanya ang sari-saring emosyon na nasa dibdib ko. Matiyaga itong nakinig at hinagod-hagod ang balikat ko.

Rio: Masakit pa lang masaktan Raf�

Raffy: Ssssshhh� tahan na.

Nakatulog na ako sa braso nya.. paggising ko ay si mommy na ang nakatunghay sa akin.. hinahaplos ang pisngi ko.

Rio�s mother; Okay lang yan anak� sige matulog ka na. Umalis na si Raf.

At muli akong nakatulog.

to be continued...

Hosted by www.Geocities.ws

1