May date kami ni Wendell…
Habang palabas sa gate ng school nakasalubong ko si Raffy.
Rio: Raf! (kaway)
Gumanti ito ng kaway at seryosong lumihis ng daan para puntahan ang isa sa barkada nito sa school.. may laro siguro sila ng basketball ngayon.
Wendell: Si Raffy ba ang gumawa ng project mo?
Rio: Oo! (proud akong sumagot)
Wendell: Kaya pala maganda kasi kung ikaw… ewan ko na lang!
Rio; Sobra ka naman! (pinalo sa braso si Wendell)
Wendell; (napailing) Biro lang!
May pagka-sarcastic.. although aminado ako na ganda lang talaga ang asset ko dahil hindi naman ako gaanong nabiyayaan ng talino.. nasasaktan ako pag naririnig ko yon sa mga taong mahal ko at ini-expect kong mahal din ako. Si Aleya lang kasi ang nagmana kay Daddy.
Ang tanging nakapag-aalis ng insecurities ko kay Aleya ay si mommy lang at ang dalawa kong bestfriend na si Dougs at Raffy.
Sa totoo lang nag-iba na ang mood ko…
Napansin iyon ni Wendell at bigla akong kinabig ng yakap.
Buti na lang ay alam nito kung paano ako lalambingin.. iyon naman ang gusto ko kay Wendell, hindi nito hinahayaan na malungkot o naiinis ang kasama nya. Kaya nga napagtitiyagaan ko xa dahil magaling itong manuyo.
Dumiretso kami sa bahay nila. Wala daw kasi ang lola nya. Pag wala ang lola ni Wendell dinadala nya ako sa bahay nila. Kasi pagkakataong yon lang nya ako nasosolo.
Xempre uuwi akong masayang-masaya at kuntentong-kuntento. Alam mo ba ung feeling na parang kang lumulutang sa hangin sa sobrang gaan ng iyong pakiramdam? Ganon ang nararamdman ko.. para bang laging punong-puno ang puso ko ng pagmamahal.
Raffy: Kumusta ang lakad nyo?
Rio: Pumunta kami sa bahay nila.
Napatango lang ito. Naglalaro kasi kami ng computer games noon after dinner. Every Friday night iyon na ang nakagawian naming gawin ni Raf.
Hindi lingid kay Raffy ang nangyayari sa amin ni Wendell pag pumupunta kami sa bahay nila. Open nga kasi ako sa kaniya. Nagalit ito nang una… gusto pa nga nyang sapakin si Wendell. Pinahinuhod ko na lang ang kalooban nya at in-assure xa na alam ko ang ginagawa ko.. protected naman iyon, dahil educated naman si Wendell pag dating don. Idinahilan ko rin kay Raf na masaya ako sa nangyari at hindi na ako bata. 3rd year college na ako at matagal na rin naman kami ni Wendell.
Its almost midnight na siguro nang matapos kami maglaro. Inaya ko si Raf na dito na lang sa bahay matulog.. tumanggi ito. Bago xa umalis ay niyakap na muna nya ako at hinalikan sa noo.
Raffy: Goodnight!
Rio: Goodnight.
Hinalikan ko xa sa pisngi. Nahiga na ako pagkahatid ko kay Raf sa gate ng bahay.
Its 2am cguro nang makatanggap ako ng tawag from Tintin. Classmate ko at classmate din ni Wendell sa isang subject.
Rio: Hello? Tin? Ano kaba 2am na!
Tintin: No Rio! You have to hear this…
Rio: Wat?
Tintin: And2 kmi ni Mike sa bar.. and guess what I saw?
Rio: Pwd ba.. go straight to the point!
Tintin: I saw Wendell here… kalalabas lang nya,
Rio: So wat?
Tintin: Kasama nya Chelsea.
Si Chelsea is also a student sa school namin, isa sa mga newest beauty sa school.. xa na ang may hawak ng title ko since hindi na ako pwedeng sumali dahil lagi na akong nanalo.
Rio: Oh no!