Part 41
Nakita kong pumaling sa kanan ang mukha ni Raffy. Malakas ang suntok. Awtomatikong parang napuno ng sakit ang dibdib ko sa pag-aalala. Baka kung mapano sya kay Dougs.
Rio: Eee.. wag! Dougs, wag!
Humarang ako ng akmang susuntok pa xa.
Dougs: Gago ka Raffy! Ipinagkatiwala ko siya sayo. Bantay-salakay ka pala!
Hindi makasagot si Raffy. Nakayuko ito.
Dougs: Rio, halika dito!
Umiling ako. Na lalong ikinagalit ni Dougs.
Dougs: Kaya pala iritado ka palagi noon pag ngkukuwento si Rio tungkol kay Wendell. Niloko mo kami, insan.
Raffy: Patawad Dougs� hindi ko nmn gustong ilihim, kaya lang�
Sumabat na ako.
Rio: Dougs ako ang may kasalanan. Hindi nya nmn ako niligawan eh. Ako ang unang lumapit sa kaniya. Ako ang may pakana kaya ganito.
Napapailing si Dougs.
Dougs: Ano Rio? Nagpapabilog kn nmn ng ulo kaya pinatatakpan mo siya? Kilala kita Rio.
Rio: Hindi Dougs.., hindi mo ako kilala ng buo. Marami na kaming pinagdaanan.., iningatan nya ako� inalagaan.. kaya ko sya nagustuhan.
Lumapit ako..
Rio: (umiiyak) Parang awa mo na Dougs� tama na. Wag mo na sya sasaktan. Mahal ko sya. Mag-usap muna tayo.. ikukuwento ko sayo para maging malinaw sayo.
Ikinuwento ko nga.. Nang matapos ang pagkukuwento ko niyakap nya ako at tinapik si Raffy sa balikat. Tapos nagpaalam na sila para makapagpahinga na daw ako.
Rio: Dougs� promise mo sa akin� kahit alang-alang lang sakin please wag kn magalit.
Tumango si Dougs.
Dougs: Hayaan mo hindi na ako hahadlang.
Pagkaalis nila� hindi ko alam kung naalisan ako ng problema o hindi, para kasing nkkramdam ako ng lungkot. Wala na akong magagawa kundi umasa na hindi masisira ang friendhip naming tatlo.
Kinaumagahan.. ngkuwento si Raffy, sinabi nito kinausap daw sya ni Dougs. Pinapangako nya daw si RAffy na iingatan ako. Kahit hanggang don lang ang ikinuwento ni Raffy, may hinala na ako na kagaya rin ni RAffy si Dougs. They both love me, and in the name of friendship at para manatiling malapit sa akin ay nanatiling kaibigan ko na lang sila. Hindi nmn kasi magagalit si Dougs ng ganon diba? Maaring feeling ni Dougs nadaya sya, dhil nauna nga nmn syang naging kaibigan ko, at nauna syang sumumpa na iingatan at aalagaan ako� it so happened na he�s unlucky dahil pagbalik nya may nagma-may-ari na sa akin at sa taong the least he expects pa.
Ang nagagawa nga nmn ng TIWALA, it can make and break relationships. On our case, hopefully, I think maayos naman na.
to be continued...