Second year college…
Something unexpected happened… naaprubahan ang petition ng parents ni dougs sa kanya na nasa Italy. Nalungkot ako… eto ang kauna-unahang feeling ng nawalan ang mararanasan ko sa buong buhay ko.
Dougs: raf, sayo ko na ipinagkakatiwala ang pag-aalaga kay Rio ha… wag mo syang pababayaan… at wag ka naman masyadong mahigpit, alam mo naman na sanay syang bini-baby… sige ka, pag hinigpitan mo yan lalong magtitigas ng ulo yan. (ngiting naiiyak)
Rio; (umiiyak) Dougs….
Raffy: Wag kang mag-alala ‘tol.. hindi ko naman pababayaan si Rio… alam nyo naman na napamahal na din xa sa akin, kahit mas mahaba ang pinagsamahan nyo mahalaga din xa sa akin kung paanong pinahalagahan mo at iningatan ang babaing yan na napakatigas ng ulo. (ngisi)
Niyakap ni dougs si Raf… at tinapik-tapik sa likod nito… halatang nagpipigil itong maiyak. Sumunod nyang niyakap ako..
Dougs: I love you Rio.., never change baby…
Rio: (baha na talaga ang luha ko) I love you too Daddy Dougs… write often ha…
Bumitiw na si dougs sa pagkakayakap sa akin at humakbang patalikod… palayo na sa amin.. nang siguro’y nakakalimang hakbang na ito tuluyan na itong tumalikod sa amin at mabilis na lumayo… hindi na muling lumingon sa amin.
Rio; Raf… yakapin mo ako…
Niyakap nga ako ni Raf… kaming dalawa na lang ngayon. Malungkot na dahil wala na si Dougs.
Si Dougs at Si Raf lang kasi ang tanging mga lalaki na personally close sa akin… aloof ako sa daddy ko dahil grade 5 ako nang malaman ko na nagtaksil pala ito kay mommy at hindi ko pala buong kapatid si Aleya… kaya pala masungit si mommy kay Aleya at mabait naman si Daddy kay Aleya. Ayoko kay Daddy kasi pakiramdam ko sinira nya ang magandang samahan ng pamilya namin… mula nang malaman ko na hindi ko buong kapatid si Aleya, natanim na ang selos ko sa kanya. Pakiramdam ko kulang atensyon ni Daddy sa akin dahil si Aleya lang ang laging magaling at matalino para sa kanya.
Kaya siguro ganon ang closeness ko kina Dougs at Raf… kasi sa kanila ko nakita ang fatherly love na hinahanap ko. Although, alam ko na mas maganda ang trato ni Daddy sa akin kesa kay Aleya… iniisip ko na baka hindi un ang totoong nasa loob nya… takot lang xa na magalit si mommy kaya special ako sa kanya. Napatunayan ko na yon nang mabasa ko ang planner ni Daddy… birthday lang ni Aleya ang nakalagay don at ang sa akin ay wala… at pati rin kay mommy.
Nalaman ko ang tunay na kwento kay mommy…. Nagkataon lang na si mommy ang pinakasalan pero ang tunay na mahal pala ni Daddy ay ang nanay ni Aleya. At ako bunga lang nang kalasingan ni Daddy… kaya nang mabuntis si mommy.. no choice si daddy kungdi pakasalan si mommy.
Naramdaman ko na lang na hinahaplos ni Raf ang likod ko…
Raffy: tahan na Rio…, I’m here for you…
Lalo kong hinigpitan ang pagkakayakap kay RAf…
to be continued..