Kinabig nya ako ng yakap… ewan ko kung dahil ba sa nangungulila lang sya kay Coleen o dahil sa wakas natauhan na ako na hindi tamang mghintay ako sa wala kay Julius. Ayaw ko nmang isipin na dahil sa sinabi ko, dhl kung normal na araw at wala kami parehong problema, hahagalpak sya ng tawa at itutulak ng daliri nya ang noo ko, at sasabihing puro ako kalokohan.
Pero seryoso ako..
Rio: be my boyfriend Raf…. Make me happy, heal my wounds, I don’t wanna lose you. Don’t go after coleen anymore, I need you right now.
Tumulo ang luha nya sa noo ko. Hinalikan nya ako sa noo at humigpit ang yakap nya.
Tahimik lang kaming mgkayakap. Maya-maya ay nangawit siguro ito kaya bumangon. Raffy: halika.., don tayo sa kama para komportable ka. Ngumiti ako.. masakit nga sa likod dhl malamig at matigas ang sementong sahig. Raffy: censya kn baby, hindi pa ako naliligo. Napatawa ako sa sinabi nya. Mejo mabaho nga ang napanis na amoy ng alak at pawis sa balat nya at sa paligid. Yumakap pa rin ako. Rio; sanay na ako! (nakangisi) Raffy; Ano ka! Lagi kaya akong mabango! Nangiti lng ako at pumirmi ng higa para matulog. Napagod ako… ngayon ko lng naramdaman na napahinga ang kalooban ko. Nang magising ako.. mukha ni raf ang una kong nakita.. nakapaligo na ito, fresh tingnan na para bang walang nagdaang problema sa kanya. Bahagya kong inangat ang ulo ko at kinabig ko ang leeg nya para maabot ko sya. Nang maramdaman nya ang mga braso kong pumulupot sa leeg nya, binabaan nya ang mukha nya at humalik ako.. limang segundo. Magaan pero memorable yon. Ngayon kc.. hindi na kmi magkaibigan. Sya nmn ang humalik.. saglit lng din.., a light kiss. Ngumiti sya. Haay! Para bang kinikilig ako ah.., kaya lng…. Saan patungo ang relasyon na ito? Will it last at maging totohanan or temporary lng habang may ginagamot kmi pareho na sugat sa puso? Muli kming maghihiwalay pagkatapos… pano kung isa sa amin ay matutong umibig? Paano kung isa sa amin ay mk-realize na higit pl sa kaibigan ang pgmamahal na ibinibigay simula pa noon? Or ang pinkamalalang tanong… sino sa amin ang masasaktan?