Umalis si Julius bago pa ako magising kinabukasan. Pagbangon ko, nilinis ko ang bahay, nagluto ako, naglaba.. ito na ang huling pagkakataon ko para pagsilbihan sya.
Nagbihis na ako at sk umalis pagkatapos lingapin ang tahanan nya na ibinahagi nya sa akin, naninikip ang dibdib ko. Gusto kong umiyak pero naubos na ata ang luha ko sa kaiiyak. Baka kailangan kong uminom pa ng isang litrong tubig pr may mailuha ako ngayon at pr hindi maipon ang bigat sa dibdib ko.
Kanina ay tinitigan ko ang bawat sulok ng bahay. Kinapa ko sa alaala ko ang bawat pangyayaring naganap noon sa amin ni Julius, lahat pawang masasaya. Pilit kong kinakalkal sa isip ko kung may napuna ba ako noon na nagkukunwari lang si Julius.
Natapilok ako sa paglalakad. Kung bakit ba nmn ksi iniisip ko pa iyon.. tama na yung sa bibig ni Julius na napagaling ko nmn sya sa kalungkutan kahit ako rin nmn ang may gawa non.
Hindi ako kaagad umuwi sa bahay.. tumuloy ako kina Raf. Parang walang tao�.
Sa kuwarto ni Raf�. Maraming nagkalat na bote ng alak. Naroon sya sa isang sulok, nakatulog na ata sa kalasingan.
Tumabi ako sa kanya at yumakap.. don sa dibdib nya ako naiyak. May taglay talagang comfort ang dibdib nya, nailalabas ng dibdib nya ang kung anumang bumabagabag sa akin na hindi ko mailabas. Don sa dibdib nya nari-realize ko ang kahinaan ko at dun din ako nakakasumpong ng strength, kht wala ang masusuyong haplos ng palad nya sa buhok ko or sa likod ko. Tulog pa rin xya, kht basa na ng luha ang damit nya.
Naalala ko yung mga panahon na xa ang umaalo sa akin pag nalulungkot ako. Noon kay Wendell.. sa baby ko.. kay Julius ngayon. Alam kong hindi nya ako tatanggihan ngayon.. kht pa ako ang dahil ng paghihiwalay nila ni Coleen.
Kaya lang�paano kung.., maisip nito na may sarili nga nmn syang buhay, hindi habang buhay ay mananatili sya sa tabi ko. Kht hindi nito sabihin alam kong ako ang madalas nilang pag-awayan ni Coleen. Paano kung mahal na mahal nito si Coleen, maisip nya hindi nya kayang mawala si Coleen, at ang kapalit para makuha nyang muli si Coleen ay layuan na ako? Wala nmn sigurong babaing papayag na mayroong isang Rio na isa sa priorities ng lalaking mapapngasawa nila.
Kagabi pakiramdam ko iyon na ang huli nming pagkikita ni Raf, pakiramdam ko sumuko na sya sa pagtitiyaga sa akin�, ngayon ko lang malinaw na naiisip iyon.. dahil wala na akong ibang matatakbuhan. At ayaw kong mawala sya.., sya lang palagi ang tinatakbuhan ko. Pag wala si Raf, paano na ako?
Ngayon ko lang din naiisip.., ako pag nagmamahal nagagawa kong isakripisyo ang damdamin nya, wala akong pakialam kht mgalit sya, katwiran ko alam ko kung paano sya susuyuin. Pero paano kung isakripisyo na nya ako ngayon, at ang gawin nyang priority mula ngayon ay kanyang mapapangasawa na si coleen.
Naghintay ako ng mga kulang dalawang oras bago sya naalimpungatan na may nakadagang ulo sa dibdib nya.
Raffy; rio�.?
Malungkot akong tumitig sa mga mata nya.
Rio; Can you be my boyfriend Raf?
to be continued...