Masaya… napakasaya… wala na akong mahihiling pa.
Kaya lang…
Pag naghilom pala ang puso hindi mo na kakailanganin ng pansamantalang lunas…
Ginagabi na si Julius ng uwi…
Uuwing nakangiti.. pag nakita ako ay agad na sisimangot.
Ilang buwan ko ring pinagtakhan yon. Minsan dumalaw si coleen, dahil daw sa pakiusap ni raffy. Sinabi ko sa kanya ang problema ko… niyakag nya akong sundan si Julius.
Pakiramdam ko nag-skip ang hininga ko sa nakita ko… parang gumuho ang lahat ng nasa paligid ko.. si Julius may kasamang ibang babae.
Niyaya ko nang umuwi si coleen, ayaw nito pumayag gusto nito sugurin nmin si Julius gaya ng ginawa nmin noon kay Wendell.
Rio: Coleen.., hindi ko na kaya… hayaan mo na.
Coleen; tanga ka! Akala ko ba kaya mong ipaglaban ang pag-ibig mo! Bakit ka nagkakaganyan?!
Rio; tama na.. coleen, willing akong magtiis.
Iniwan ako ni Coleen. Parang nakikinita ko na, na magsusumbong ito kay raffy.
That night, wala pa si Julius… siguro ay gagabihin, maaring gumimik pa ito. Lasing na naman sigurong uuwi. Mula ng nagbago xa nagpaparamdam din nmn ako ng hinanakit ko, kasi nawawalan na sya ng panahon sa akin, pero mula ng i-confront ko sya tungkol don… sa pag-inom ng alak nya ginugugol ang oras nya para makaiwas sa akin.
Kung ang ugali ko lang ay gaya pa rin ng dati.., ang depinisyon ko sa ganitong buhay ay impiyerno. Ewan ko nga lang paano nagawa ni Julius na pasunurin at pagtiisin ako ng ganito. Nagmumukha na akong martir.
May malalakas na kabog sa pinto.. actually, mga katok iyon kaya lang mukhang galit ung kumakatok kaya halos gibain na iyong pinto.
Si raf!
to be continued....