Nagmamadaling lumayo si Aleya.. bago pa ito tumalikod nakita kong may tumulong luha sa mga mata nya.
Ayokong ma-guilty�
Pag na-guilty ako� sayang ang pagkakataon kong ito. Ngayon lang nmn uli nagbukas ang puso ko sa tunay na pag-ibig. Ngayon lang ako muling naging handa�. Besides nasaktan din nmn ako nung mga panahong naghihintay ako� panahon nmn na para masuklian ang sakit ng kabiguan ko noon db?
Gulat pa rin si Julius sa nangyari. Maya-maya ay napatingin ito sa mukha ko� may bahid ng pag-aakusa ang mga titig nya. Iniisip siguro nito na pinlano ko ang lahat.
Nagpakawala ako ng isang luha.. at umarte akong inosente sa pangyayari. I acted as needed, dahil gusto ko lang syang konsolahin.
Lumambot ang ekspresyon ng mukha nya. Yumakap ako sa kanya.
Ang totoo.. naluha ako dahil sa katotohanan ng pag-aakusa nya.. hindi ko matanggap sa sarili ko na kaya kong magpakababa ng ganito para sa sa isang tao. Gagawa ng mali� tatapakan kahit sino alang-alang sa puso� kahit hindi masuklian ang pagmamahal na inaasam ko, na kulang na lang ikamatay ko dahil sa walang kasiguruhang paghihintay ng pagkakataon.
Gumanti sya ng yakap� wala syang choice.. kailangan nya ako para maging magaan ang pagtanggap nya sa nangyari sa kanila ni Aleya. Payag akong maging panakip butas basta nasa akin lang sya.
Doon nagsimula ang relasyon nmin ni Julius. Matapos ikasal si Aleya at alex� niyaya nya akong mag-live-in. Pumayag ako. Mahal ko sya� nai-outline ko na ang buhay ko sa isang pangarap na sya ang kasama ko.
Sinabi ko ito kay Raf� laking gulat ko ng bigla ako nitong niyakap at tahimik na lumuha. Mami-miss ko sya, magkakalayo na kmi ng bahay. Di ko akalain na mami-miss nya rin ako. Panay ang paalala nito na tumawag lang ako pag may problema ako at pupuntahan nya ako.
Rio; wag kang mag-alala Raf, I�ll be fine.
to be continued...