All came out to be like it is planned.
Minsan umuwi ako, nakita ko si Julius nakatayo at parang wala sa sarili� Nakatingin sa isang dako�
Aba!
Parang pumapalakpak ang puso ko sa galak sa isang eksenang nakatambad sa aking harapan� si Aleya�.
At si Alex� naghahalikan!
Nagdidiwang ang puso ko sa sobrang saya.. at least hindi malaki ang kasalanan ko, may part din si aleya sa kasalanan. Hinayaan nyang mangyari ito, siguradong magagalit si Julius at ako naman to the rescue sa isang pusong sugatan.
Kulang na lang ay humalakhak ako ng napakalakas.. di pa man inaa-anticipate ko na eksenang magiging mitsa para matapos na ang paghihirap at pagtitiis ng kalooban ko ng dahil sa lihim na pagtingin na namamahay sa puso ko.
Pagtalikod ni Julius kina Aleya, sumalubong ako sa kanya at hinatak sya papunta sa bahay.., ginagawa ko yon para palitawin na isang akong kaibigan na nakahandang makinig sa kanya. Pagdaan nmin sa harap nila aleya nag-iwan ako ng nag-aakusang tingin, para bang paghuhugas kamay na rin.. to let her know na whatever kasalanan man ang gagawin ko, its not my fault alone.
Bad man o hindi.., when it concerns my life ahead� gagawin ko lahat makuha ko lang ang gusto ko� ang maging masaya.
Sa bahay�
Rio; Im here for you Julius�
Yumakap sya sa akin. Sa sobrang sakit siguro ng nararamdaman nya, wala na syang choice kundi sumilong sa strength ko. Ni hindi man kami nakaupo, dahil agad-agad syang sumobsob sa balikat ko. Bahagya akong lumayo.. inabot ko ang mga labi nya.
Walang reaksyon� pero hatid siguro ng nag-aalimpuyong damdamin, nagpadala na sya sa mga halik ko.
Nagrerebelde ang mga halik na yon.. lahat ata ng galit nya kay Aleya ibinuhos nya sa mga labi ko� hindi ako umangal tinaggap ko yon at sinuklian ng may pagsuyo.
May nabasag na baso!
Si mommy sindak na nakatingin kay Aleya�
to be continued...