PERFECT


Part 21

Manliligaw pl ni Aleya si Julius.

Hinatak ko si mommy�

Rio: mommy� manliligaw ni Aleya si Julius?

Rio�s mom: o-oo! Bakit? (taking-taka)

Rio: kelan pa mommy?

Rio�s mom: Ay, naku! Magi-isang taon na nga noh.. mukha ngang nahuhulog na ang loob ng kapatid mo.. malamang nga ay sinagot na nya ito.

Rio; eh, bakit hindi ko nakikita?

Rio�s mom; Bakit naglalagi kb dito sa bahay? Ni hindi nga kayo nagpa-pang-abot dhl nakaalis na sya bago ka makauwi.. gimikera ka kasi masyado.

Napangiwi ako�

Napataas ang kilay ni mommy at napailing� na-gets nya na type ko Julius kaya ganon ang reaksyon ko.

Nagpaalam na ako kay mommy at umakyat na sa kwarto ko. Pero nasa isip ko pa rin ang mukha ni Julius. Sinulyapan ko pa nga uli ang sala. Sa pagkakangiti ni Aleya, parang masaya ito, parang nk-recover na sa break-up nila ni Mark. Ex nya si mark.., matagal din bago ko sya nakitang magaan ang mukha na gaya ngayon. Siguro ay handa na syang magbukas muli ng puso para sa iba�.

Buti pa si Aleya� nk-recover na.

Wala nmn kc akong siniseryoso sa mga nagiging boyfriend ko eversince maghiwalay kmi ni Wendell at malaglag ang batang dinadala ko. Its been years since then.., ewan ko kung natakot ako magmahal or paraan ko lang iyon para itago ang lungkot ko.

Lungkot? Bat para bang nkkramdam ako ng lungkot ngayon�

Alam mo ba ung lungkot na para kang nagluluksa di ka pa man nawawalan. Or� nawalan na talaga ako.. dahil di pa man bigo na ako ulit.

Bigo? Kakatwa.. hindi kaya may muli nang nkpukaw ng puso ko?

Gusto kong tawagan si Raffy kaya lang.. parang ito ung kauna-unahang pagkakataon na nakaramdam ako ng kalungkutan na parang ayaw kong ibahagi sa kanya.

Pumikit ako para matulog� kaya lang nanatili gising ang diwa ko.. para bang tukso na bumabandera sa gunita ko ang mukha ni Julius.

Ay naku, Rio? Natitiyak kong gulo lang itong kasasangkutan mo.

to be continued...

Hosted by www.Geocities.ws

1