PERFECT


part 19

After a week… panibagong Rio ang nakita nila.

Mas determinado sa anumang bagay na gustong gawin. Anumang bagay na gustuhin ay kailangan kong makuha… hindi na ako papayag na muling makaranas ng pakiramdam ng nawalan.

Sa lahat ng nangyayaring pagbabago sa akin, tanging si Raffy pa rin ang nakakakita ng kahinaan ko. Bawat pagkabigo xa ang nagiging takbuhan ko, xa rin ang nagpapahiram ng katatagan na ginagamit ko sa pakikipagbaka sa sarili kong buhay.

Nagpapalit-palit ako ng boyfriend… gusto kong aliwin ang sarili ko. Gusto kong ibalik ang pride at self-esteem na nawala sa akin ng paglaruan ako ng kauna-unahang lalaking minahal at iniyakan ko.

Lahat ng ito na ginagawa ko… alam ni Raffy na paraan ko ito para takasan ang mapait na karanasan ko. Alam nyang paraan ko ito para mas madaling makalimot. Dahil nga hindi nya naman ako mapigilan…, nanatili na lang xa sa tabi ko para paalalahanan ako pag sumosobra na. Ipinarere-realize nya sa akin ang mga mali sa ginagawa ko. Pero gaya ng dati napapailing na lang ito minsan sa katigasan ng ulo ko. Pero sa kahit sa kabila non, nanatili pa rin syang nakaalalay sa akin… pati si Coleen na lalo rin naging pasensyosa sa akin at kay Raffy.

Lumipas ang mga taon… 1,2, 5.. limang taon na. Minsan nakakikitaan ko na ng pananawa o kaya minsan ay pagtatampo si RAffy, pero gaya nga ng dati, hindi lumilipas ang lahat ng iyon sa konting lambing ko lang. Ang sumbong nga nito kay Dougs, lalo raw akong lumala! Tawa lang nman ng tawa si Dougs, alam ko kahit hindi ko xa nakikita napapailing ito at nandon pa rin ung masuyong yakap nito sa akin, pag ipinagtatanggol ako sa panenermon ni Raffy.

Sa phone….

Dougs: how are you now, baby?

Rio; Your baby is now a lady.. daddy Dougs!

Dougs: What do you mean by that…? (nangingiti)

Rio: If before I only scratch… now I bite! (bumunghalit ng tawa)

Dougs: Ouch! Dangerous….

Napapailing na lang si Raffy, pero magkahinang ang mga mata nmin, kami na lang dalawa ang nakakaalam ng kuwento.. ang puno’t-dulo ng napakaraming bagay sa buhay ko ngayon.

Kuntento na ako sa buhay ko ngayon.. walang steady relationship… Not until I met Julius….

Hosted by www.Geocities.ws

1