PERFECT


Part 18

Nang malaman ni Coleen na buntis ako.. halata na ang pagseselos nito sa atensyon na ibinibigay sa akin ni Raffy. Palibhasa si Raffy lang ang masasandalan ko ngayon na tumatayong imahe ng isang lalaking umaalalay naging demanding ako lalo sa atensyon nya. At mukha atang napaglilihian ko pa si Coleen dahil parang natutuwa ako na nakikita syang naiinis. Napapiling na nga lang si Raffy sa pinaggagawa ko� pinapalagpas na lang nya ang kapilyahan na ginagawa ko sa gf nya.

Inilihim nmin ni Raffy kay dougs ang nangyayari sa akin� sa hindi maipaliwanag na dahilan basta na lang nmin napagkasunduan na huwag na itong sabihin.

Masaya na rin ako at tanggap ko ang nangyayaring ito sa akin� kaya lang kung kelan payapa na ako�..

Rio�s mom: Raffy, hijo! Si Rio, narito sa ospital!

Paggising ko.. nasa palibot ko sila lahat. Sa itsura ng mga mukha nila parang alam ko na ang nangyari�.

I lost my baby.

Umiyak na naman ako� kakaibang depresyon na naman ito na pagdadaanan ko.

Naramdaman ko ang palad ni Raffy na humahaplos sa braso ko. At ang banayad na pagpisil-pisil ni mommy sa isang kamay ko.

Pagkatapos non, hindi ko na alam kung ano ang nangyari, nakatulog siguro ako sa sobrang pagod ng isip o dahil sa sobrang bigat ng problema at depression na nakadagan sa dibdib ko.

Paggising ko nasa bahay na ako�

Nandon si Raffy, hinahaplos-haplos ang buhok ko habang nakatitig sa mukha ko. Muli kong naramdaman ang mainit na likidong dumadaloy mula sa mata ko.. dumaan sa pisngi at nawawala sa pandama ko at bumabasa sa unan na kinahihigan ko.

Hindi nagsasalita si Raffy. Pakiramdam ko.., xa man ay parang nawalan ng buhay� gaya ng nararamdaman ko ngayon. Paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang lahat ng nangyari simula sa paghihiwalay nmin ni Wendell hanggang sa pagkawala ng buhay sa sinapupunan ko. Ni hindi ko na alam kung paano lalaban o babangon.. paano ba haharapin ang sakit na sumasakal sa dibdib ko at pumipigil sa maayos kong paghinga.

Para bang ang tanging alam kong mabilis na paraan para makalimot ay takasan ang sakit, i-shelf ang sarili ko sa anomang emosyon.

Hosted by www.Geocities.ws

1