PERFECT


Part 17

Nasa opisina kmi ng OB-Gyne ni Mommy�

Alam na ni mommy ang sapantaha nmin ni Raffy sa kalagayan ko. Hindi ko na inilihim sa kanya� dahil alam kong mahahalata nya rin ako sa paglipas ng araw.

Magkaharap kmi ni Raffy sa mga upuan na nasa harap ng mesa ni Dra. Jimenez. Ito na yata ang pinakaka-tense na pangyayari sa buong buhay ko. Magkakahalong emosyon at isipin ang naglalaro sa utak ko. Kung pag-aaralan mo ang itsura ni Raffy, magkahalong tensiyon, pag-aalala at may bahagyang excitement akong nakikita sa mga mata nya.

Excitement? Normal lang ma-tense ka kasi� unexpected ito.. andyan na ung sa loob-loob mo nahihiling mo na sana false alarm� na sana mali kmi ng akala. At sa isang kaibigan na gaya ni Raffy, alam nyang it would ruin my future kaya hanggat maari ay humihiling din ito na sana hindi totoo ang sapantaha nya. Pero ung excitement�?! Out of place nga ba?

Pinakiramdaman ko ang sarili ko.. kanina.., takot talaga ako at ayaw ko maging totoo ang hinala namin tungkol sa kalagayan ko. Pero ngayon na alam na ni mommy, at nandyan pa si Raffy na naka-suporta sa akin.. bigla sumagi sa isip ko ang isang pantasya na may hawak akong bata� at yumayakap ito sa akin at ibinubulong na �I love you, mommy�.

Pumasok ang nurse at inabot na ang isang envelope kay Dra. Jimenez. Inabot sa amin iyon at kinuha ni Raffy.

Dra. Jimenez: Congratulations po Mister! Your wife is almost two months pregnant.

Napatulala ako.. nakaawang pa nga ang bibig ko. Kani-kanina lang ay ini-imagine ko ang sarili ko na may kargang bata� pero parang may gumapang na takot at nahaluan ng sakit ng marinig ko iyon� kht pa inihahanda ko ang sarili ko sa maririnig para pa rin iyong bombang sumabog sa pandinig ko na labis kong ikinabigla.

Shock din si Raffy.. pero nang iabot ni Doktora ang mga palad para kamayan xa ay napilitan na itong ngumiti.. at pagka-absorb ng nangyayari ay parang natural na ang katuwaan sa mga mata nya. Parang ngang sya ang tatay na nakarinig ng magandang balita.

Tumingin xa sa akin at napangiti. Napatawa ako dahil ngmukha syang excited na maging tatay. Lumabas na kami.

Sa labas ay bahagya akong ngumiti ng nakakaloko� gusto ko syang tuksuhin dahil parang mas excited pa xa sa akin.

to be continued...

Hosted by www.Geocities.ws

1