PERFECT


Part 16

Holiday walang pasok si Raff kaya nasa bahay ito. Nag-cancel daw xa ng date nila ni Coleen.

Ang totoo nahihiya na ako kay Coleen.., maraming beses na, na ako ang dahilan kaya nakaka-cancel ang lakad nila ni Raffy. Lately, kahit alam kong pilit nyang inuunawa si Raffy, napapansin ko na rin ang selos sa mga mata nya. Siguro ay mahal lang talaga nito si Raffy kaya hindi naglalabas ng saloobin nya.

Raffy: Kumusta ka na?

Rio; Ok-- (naduduwal)

Magsasalita sana ako kaya lang parang bigla akong nahilo at parang gusto kong magsuka.

Bigla ang dating ng realisasyon sa isip ko� napatitig ako sa kawalan, malalim ang iniisip. Paglingon ko kay Raf, nagtataka rin ito at sa likod ng mga mata nya ay nakita ko ang nabubuong hinala�.

Dagli nya akong hinatak� paalis ng bahay.

Rio: Aray! Raf, sandali! (ipinipiksi ang braso)

Sa tigas ng reaksyon sa mukha nya, alam kong naglalaro sa isip nya ang itsura ni Wendell na parang gustong nyang pagbayarin sa isang pagkakautang.

Maya-maya ay parang natauhan ito na dahan-dahang lumuwag ang pagkakahawak nya sa braso ko. Hinatak ang katawan ko payakap sa kanya.

Raffy: Magbihis ka magpapa-check up tayo.

Bago pa ako nakakilos� parang awtomatikong tumulo ang luha sa mga mata ko. Naramdaman ko na naman ung sakit� mas higit ngayon kasi.. may isang buhay na maaaring maapektuhan ng pagkakamaling nagawa ko.

Bakit ngayon pa na desidido na akong lumayo kay Wendell saka pa nangyari ito.. Paano kong haharapin ang pagsubok na ito gayong ayaw ko nang magkaron sya ng koneksyon sa buhay ko, ni ayaw ko nang makita pa xa at muling maalala ang sakit na inukit nya sa puso ko. Tapos mayron pa lang mas malinaw na alaala ang maiiwan sa akin at mabubuhay pa sa sinapupunan ko.

Naramdaman kong humigpit ang yakap ni Raffy at sa kauna-unahang pagkakataon, naramdaman kong bahagyang nabasa ang buhok ko sa dakong kinahihiligan ng baba ni Raffy.

Umiiyak xa� nahihirapan din para sa akin.

Hosted by www.Geocities.ws

1