PERFECT


Part 15

Pagdating sa bahay nandon na nga si Raffy, paikot-ikot sa terrace ng bahay nmin. Nakatupi na ang long sleeves nya hanggang siko� at nktanggal na ang butones nito hanggang sa dibdib.. sa bulsa nya ay ang kurbatang gamit nito.

Naalala ko pa kaninang umaga, bago ito pumasok sa trabaho ay dumaan pa xa sa bahay para lang ipagyabang ang bago nyang damit na ipinadala daw ni Dougs sa kanya.

Pagkakita sa akin at kay Coleen ay nakahinga na ito ng maluwag.. nag-aalala na nga dahil hindi nmin masagot ni Coleen ang tawag nya. Yumakap ako kaagad at ang luhang hindi lumabas sa mga mata ko kanina ay bumuhos sa dibdib ni Raffy.

Habang hinahaplos nya ako ay narinig ko ang mahinang bulong ni Coleen na aalis na muna xa.. uuwi na raw para makapag-usap kami ng sarilinan. Naramdaman ko pa ang banayad na pisil ni Coleen sa braso ko. Lumigon ako sa kanya at pinilit kong makangiti bilang tanda ng pasasalamat ko.

Matapang akong tao.. laging buo ang loob ko sa paggawa ng isang bagay na gustuhin ko at buo rin ang loob sa anumang problemang kakaharapin ko. Pero tanging si Raf lang sa mga panahong ito ang nakakakita ng kahinaan ko. Kahit si Dougs ay hindi pa ako nakita ng gaya nito� dahil nga kumbaga si Wendell ang nagparanas sa akin ng first heartbreak. Lahat naman kasi nang naging boyfriend ko bago si Wendell ay patay na patay talaga sa akin at handang umiyak maranasan lang ang makasama ako sa isang araw bilang kanilang nobya� iyon pa lang ang nakita ni Dougs sa akin.. ako ang nagpapa-iyak.

Maya-maya ay nagku-kwento na pala ako kay Raffy kahit nakatayo pa kami at magkayakap. Hinahaplos-haplos nya ang buhok ko at panay ang buntunghininga sa tuwing hihikbi ako.

Rio: Sinampal ko nga xa.. hindi lang isa kundi dalawang beses pa. (habang umiiyak)

Raffy: Tapos..

Rio: Umalis na kami ni Coleen.

Raffy; Cge na.. tahan na.

Rio: Promise ko RAf� hindi na talaga.. I�ll move on na.

Raffy: That�s good!

Nang tumigil ako sa pag-iyak, pinapasok na nya ako sa bahay nmin. Bago ko pa isara ang pinto ay kumaway pa xa. Gusto ko pa sanang makasama si Raf kaya lang sabi nito kailangan ko na raw magpahinga kaya hindi na xa pumasok.

Dahil nakaramdam ako ng kaunting gaan ng dibdib matapos kong ikuwento kay Raff yang nanyari.. agad akong nakatulog.

Hosted by www.Geocities.ws

1