May kasama itong babae….
Sino? Babaing malaki ang kinalaman sa nakaraan namin ni Wendell.. si Chelsea na naman.
Sinundan namin sila hanggang sa makalabas ng mall… ang punta… sa isang building na may mga units na ipinapa-rent parang condo. Maybe.., jan nakatira si Chelsea.
Coleen; Oh no! Lets wait until they get out.
Rio: Wag na lang kaya…
Coleen: Come on Rio.., I don’t expect you to be so coward like this, you have to face your fears, whatever the truth is.. we have to find it out!
Tama si Coleen.. kailangan kong malaman. Naramdam ko na there is finality sa takbo ng isip ko.. feeling ko if I ever find out na may relasyon nga sila ulit.., makikipaghiwalay na ako for life.
We waited for three hours. Tumatawag na nga si Raffy sa cel ni Coleen… hindi nito sinasagot kaya after a minute sa fone ko naman tumatawag. Nag-aalala na siguro ito. Baka naghihintay na si RAf sa bahay.
Finally, lumabas na si Wendell, mag-isa. Nagkatinginan kami ni Coleen. Parang iisa ang tumatakbo sa isip nming dalawa. Don nga nakatira si Chelsea.., don may sarili silang mundo… mundong malayo sa akin.
Biglang may humatak sa akin… si Coleen! Papunta sa kinaroroonan ni Wendell. Nagulat na lang ako dahil wala pang isang minuto kaharap ko na si Wendell. Inipon ko ang tapang sa dibdib ko… sinalubong ko ang tingin nya… tumingin ako sa building na parang may alam ako sa nangyari sa itaas… namutla siya…. Pagkatapos, sinampal ko xa!
Dagli rin akong hinila ni Coleen palayo para siguro hindi na ako makapagbago ng isip. Pero kahit pa hindi nya ako hilahin, buo na talaga ang desisyon ko na makipaghiwalay na nang tuluyan kay Wendell at pagsarhan na xa ng pinto sa puso ko. Tama na ang kabaliwan ko.
Hinabol kami ni Wendell… magpapaliwanag daw ito ulit pero hindi ko na xa binigyan ng pagkakataon. Nang pigilan nya ako sa kamay para hindi ako makalayo.. sinampal ko xa uli.. at hindi pa nakuntento si Coleen, sinuntok pa nya ito sa braso.
Ewan ko kung nasaktan ba si Wendell sa suntok ni Coleen kasi naman ay napakalambot nman ng pagkakasuntok nya… suntok-babae. Gusto kong matawa pero mas nakaka-agaw ng pansin ko ang kakaibang kirot sa dibdib ko. Parang ngayon lang ako natauhan sa pangaral nina Coleen, Dougs… lalo na si Raffy na naging napakatiyaga sa akin kahit nakukunsumi na.
Nakauwi ako ng bahay na natutulala habang pinipisil-pisil ni Coleen ang palad ko.