AS ALWAYS


Part 6

Thursday night�.

Naka-received ako ng call from Mark. Naiinis pa nga si Aling Toning dahil nakikisuyo lang kami ng telepono. Paano ba nalaman ni Mark kung saan ako makokontak?

Mark: Hello?! Celine� are you ok?

Celine: No� kinakabahan..

Mark: Don�t worry about tomorrow� manalo ka or matalo, at least you�ve tried.

Celine: thanx.

Bah.. ang thoughtful naman, naalala nya ako. Ibig sabihin iniisip nya kung ano ang nararamdaman ko at this moment?

Friday.. 1pm

Wala pa akong isusuot na gown. Di nakasingil si mama sa patahi sa kanya. Bakit ba naman kasi may mga nangangako na magbabayad ng utang tapos di rin makakapagbayad� samantalang suot na nila ung damit na pinaghirapang tahiin ni mama. Haaay! Nagiging makitid na utak ko.. Gusto ko lang naman na may maisuot na damit. Ayoko lumabas na nakakahiya at kawawa.. Lalo na kay Mark. Naku� malapit na� 6pm kaya ang assembly sa plaza. Nakausap ko na si mama� sabi nya mangungutang sya para makapag-rent kami ng gown, sabi ko wag na lang. Kawawa naman sya.. para bang araw-araw nadadagdagan ang wrinkles sa noo nya. Kaso.. ako naman itong namumuroblema ngayon.

Bigla kong naalala nung nangyari nung Monday. Nadumihan ang damit ko..si mark ang tumulong sakin. Tawagan ko kaya sya? Lumabas ako ng bahay.

Celine: Hello.. Mark? (Hello pa lang nya.. kumakabog na dibdib ko� kabisado ko pala ang boses nya)

Mark: Hello. Cel! Ano? Susunduin na ba kita? Ang aga naman!

Celine: Hindi. May problema kasi Mark. Di na ako mkkpunta sa party mamaya.

Mark: Bakit?!

Celine: Wala akong isusuot� (Huh? Bat kaya non ibinaba ang telepono..Kainis!) Paano ko nalaman number ni Mark? Pilyo kasi sya� isinulat ba naman sa frontpage ng notebook ko �in case of emergency call Mark at this # 25*-**-*0. Nakakatawa sya.

After 30 minutes�

Celine�s mother: (natatawang nailing) Anak..may naghahanap sayo..andito na si Mark..sinusundo ka na.

Mark: Celine.. halika na�male-late na tayo. Naghihintay na si Tita Fanny Serrano..hehe.

Celine: Anong�?! (Bigla ako natawa sa itsura nya..nakadamit bakla!)

Mark: (kumikindat) Halika na�

Ewww! Baklang kumikindat..hehe Si Mark talaga.. is this his way of making me laugh?

Di pa nga ako nakapaligo hinatak na nya ako paalis� napilitan akong magbaon ng damit.. sa kanila na daw ako magbihis. Napaka-unexpected talaga ni Mark� akala ko nga� pinabayaan na nya ako dahil binabaan ako ng telepono.

Sa bahay nila�

Mark: Wow! Saan ba ang punta mo Miss� ikaw ba ang prinsesang hinihintay sa aking kaharian?

Celine: (belat)

Mahilig talaga sa pink ang ate nya. Pink na gown ang ni-rent nila� bare back hanggang kalahati ng likod ko� na may thin straps pero itinatali sa leeg. Design na lang ata ang straps na iyon kasi.. kahit hindi nakatali naka-fit sa katawan ko ung damit. May naka-linyang fuschia pinki na sequins sa may breast. May slit! At ang haba� grabe! Napaka-daring naman nito� kaso nakakahiyang tumanggi.. kasi sila na nga ang gumastos magrereklamo pa ako� siguro si Mark ang may gusto nito� hmp!

Mark: Pwera biro.. ang ganda mo talaga� (ngiti)

Ngiti na naman� ano ba �toh?! Pwede bang mabungi na lang sya para wag na syang ngumiti. Nawawala ako sa sarili ko eh.

Mark: Tara na�. (Sabay akbay)

Aba�t sinasamantala ako ng mokong na to �ah. Pasalamat sya at napakabait ng family nya. They�re really nice to me. Para ngang kilalang-kilala na nila ako.

To be continued.......

Links to other sites on the Web

Continue to next part
Home


Hosted by www.Geocities.ws

1