AS ALWAYS


Part 4

Kakaiba ang dulot ng halik na yon. Di ako makatulog. Hanggang ngayon napi-feel ko pa ang warmth ng kiss nya. Kahit nakakainis dahil ang presko nya, i can�t deny that i like that kiss.

Celine.. this should�nt be..

Kinabukasan....

Mark; Di ka nakatulog ano?

Celine: At bakit naman?!

Mark: Dahil sa kiss ko...

Celine: Tumigil ka nga dyan. May araw ka rin!

Ang hirap mag-deny.. Totoo naman ung sinabi nya eh.

Monday.. (araw ng parade sa contest)

Kinakabahan ako. Kung wala mang tao na nage-expect sa akin, ayaw ko namang magmukhang kawawa.

Naputol pagmumuni-muni ko, may tao sa labas�

Mark: Tao po. Tao po...

Celine: Anong ginagawa mo dito?

Mark: Sinusundo ka. Im sure marami ka dala. I have my dad's car para di na tayo mahirapan. Are u ready?

Celine: Salamat.(Napipilitan) Oo..,ok na ako.

Mark: Wala ka pang make-up.

Celine: Wala namang magme-make up sakin eh.

�Ni hindi pa nga alam ni mama na napasali ako dito eh. Naku, wag mo nga ako titigan.. bastos �to ah, harap-harapan na yan. Hmmm�sana wag ako mag-blush, bakit ba kasi hindi ako sanay ng ganito eh. Nakakahiya pag napansin nya baka kung ano pa isipin nya..�

Mark: (saglit na nag-isip) Ganun ba? Halika!

Sumakay na kami sa sasakyan at pumunta kami sa bahay nila. Malapit lang pala yon sa school namin. Naiinis ako... naiilang... if im going to listen sa sinasabi ng isip ko... i should not allow this thing to happen... nilalaro ata talaga ako ng pagkakataon.

Mark: Ate.. paki-make-up naman ang muse ko. (Ngisi)

Mark's ate/Sheree: Ok. Sana inagahan nyo. Hi Cel, kaw pala ung kinukwento ng bro ko, maganda ka nga!(ngiti)

Celine: Salamat po.

Ikinukuwento? Ano namang nakakatuwa dun Celine.., wag ka nga umasa. Mag-isip kang mabuti wag kang padadala.

Tuwang-tuwa naman ang lolo nyo na pinapanood ako habang inaayusan. Ano ba �to di ko mapigilan ang pag-iinit ng pisngi ko� baka akalain ni ate Sheree makapal na ang blush-on ko.

Sa venue ng parade... during the assembly.

Mark: Ang ganda-ganda mo.. lalo kang gumanda.

Celine: (belat)

Lalo akong kinakabahan... knowing na tumititig sya sa akin.. naaalala ko tuloy ung kiss. Pero nanliliit pa rin ako, ang gaganda kasi ng mga kalaban ko. pinaghandaan talaga, lalo na si Cynthia, kanina pa matalim ang tingin nya sakin. May gusto kasi sya kay mark.

Nang biglang may dumaan na owner type jeep... ang bilis... tumalsik ang putik sa damit ko.

Celine: (naiiyak) Ang damit ko...

Mark: No... Dont cry. (sabay yakap sa akin) gagawan natin ng paraan. At that moment, lalo akong naiyak... kasi sa oras na down ako... nakasumpong ako ng comfort through him unexpectedly. Ni hindi ko na nagawang kumalas sa yakap nya...the warmth of his body tells me... that im not alone. I like his hug... parang nandon lahat ng strength na pwdeng magpalakas sa nangangailangan... strength na kailangan ko. Strong and broad shoulders..

to be continued....

Links to other sites on the Web

Continue to Part 5?
Home
View comments

Hosted by www.Geocities.ws

1