AFTER ALL


Last Part

Part 25

Di ko alam kung san ako pupunta para mag-isip. Basta ba parang may humihila sa akin papunta sa plaza�. Sa ilalim ng yellow bells.

Pag dating ko ron� naisip ko� ang huling kong punta pala ron ay noong naghiwalay kmi ni Alex. Mula noon ay ni hindi ko man lang nasilayan ang anyo ng yellow bells na iyon. Malungkot ang lugar� sa paglapit ko ay parang may nabanaag akong sigla.

Para akong namamalikmata habang sinusuri ang dating lugar na naging kanlungan ko tuwing ako�y umiiyak. Namukhaan ko ung inukit kong �I hate life� sa semento na nasa tapat ng bench. Naupo ako at tinitigan ang sementong yon na pinag-ukitan ko� kalakip non, naalala ko ang tagpong sinasaway ako ni Alex�

....un din ang araw na sinagot ko xa.

Binusisi ko pa ang ibang nakasulat sa semento� sa bench at sa puno. Dati ay kaunti lang ang nakasulat don� katabi ng mga pangalan namin ni Alex ay may mga iba na ring pangalan. May iba na rin palang tao ang namugad sa ilalim ng yellow bells na paborito nmin ni Alex tambayan.

Napangiti ako pagkaalala ng mga memories na iyon na pinagsaluhan nmin ni Alex. Kahit paano ay nakaramdam ako ng kaunting luwag sa dibdib.

Aleya�s back� parang may nawawalang bahagi ng pagkatao ko ang muli kong natagpuan ngayon� ang alaala ng kabataan ko. Bagama�t maraming nagbago sa akin� nahubog nman ako sa mas ikabubuti.. naging mas matatag ako sa pagharap sa maraming problema ng buhay.

Ahhh� malayo na rin ang nararating ko.

Pero xempre hindi kumpleto ang kahapon, ngayon at bukas ko kung walang karamay.

Isang pamilyar na anyo ng lalaki ang papalapit sa akin�

Ang sabi� �miss, miss.., di ba ikaw ung batang iyakin na nakilala ko dito dati?�

Napangiti ako� tumayo para yakapin ang lalaking iyon.

Naramdaman ko ang matitipuno nitong braso na humapit sa baywang ko. Ang pamilyar na init ng katawan na naging proteksiyon ko at umalo sa nagngangalit na damdamin ko patungkol sa malupit na buhay� at ang labing lagi nang mapagmahal.

Matagal nmin pinagsaluhan ang sandaling iyon� para bang bumawi kami sa tagal ng panahong nagkalayo�

Si Alex�.

The end.

Links to other sites on the Web

Home

Hosted by www.Geocities.ws

1