Part 23
Makulit talaga si Alex� sadya ata talagang desidido syang bawiin ako.. akala ko ay natanggap na nya kahapon na hindi kami para sa isat-isa.
Sinalubong nya ako habang naglalakad pauwi sa bahay.
Alex; Aleya.. (ngiti)
Aleya: Anong ginagawa mo dito Alex?
Alex: Aleya.. please mag-usap uli tayo.. halika don sa plaza� sa yellow bells.
Aleya: alex� tama na! Wala na tayong dapat pag-usapan! Ginugulo mo lang ang buhay ko.
Alex: Aleya� matagal tayong nagsama� mula pagkabata. Hindi ako naniniwalang wala na ako sa buhay mo. Sumumpa ka sa akin� kahit anong mangyari.. tayo pa rin db?
Naalala ko ang pangako niya sa akin noon� �kahit na anong mangyari�..� Hindi! Bakit ko ba naiisip yon? Ako ba ang hindi tumupad sa kasunduan? Pero matagal na iyon.. pareho naman kaming nagkaroon na ng sariling buhay.
Naalala kong pinanghawakan ko rin ang pangakong iyon� Hindi! Tapos na iyon� alam namin na imposibleng magkatotoo yon� sa panaginip lang iyon nangyayari� na ang isang pangako ay napaninindigan ng nagsumpaan.
Aleya; tama na alex! Tigilan mo na ako!
Nagpupumiglas ako� sa kapipiglas ko gusto siguro nyang kalmahin at pigilan ako kaya�
Hinalikan nya ako sa labi!
Saglit huminto ang pag-inog ng mundo ko� parang bang tumigil sa pagkilos ang lahat ng bagay. Pagdilat ko�
Anyo ni Julius sa di kalayuan ang tumambad sa akin� Nakita nya kami!
Bumitiw ako kay Alex� para din syang natauhan ng makita ang lalaking tinitingnan ko� maaaring nahinuha na nya na iyon si Julius, ang kasintahan ko.
Aktong paatras palayo si Julius ng may mabangga ito sa likod nya� si Ate Rio. Nakatingin si Ate sa akin� may sinabi xa kay Julius at inakay nya ito papunta sa bahay. Pagdaan nila sa harap ko napayuko ako. Nakakahiya kay Julius� naging matiyaga xa para kunin ang pag-ibig ko. Naging maingat xa sa damdamin ko. Hindi nya deserve ang masaktan na gaya nito.
Nang makadaan sila sa harap namin� sinibat ko ng matalim na tingin si Alex. Tinitigan ko ang kamay nyang nakapigil sa braso ko. Binitiwan nya iyon.
Nahihiya si alex sa akin�nakayuko ito� at nagsimulang lumakad palayo.
Napabuntung-hininga ako� bakit ba ngayon ay parang nag-aagawan ang pag-ibig na hindi lang minsan na naging mailap sa akin?
Lumakad na ako papunta sa bahay. Habang daan ay binubuo ko na isip ko ang paliwanag na sasabihin ko� siguradong makikinig xa sa akin.
Pagbungad ko sa pinto� nanlumo ako sa nakita ko�
Part 24
May magkayakap� nakatalikod ang lalaki sa akin. At ang kamay na humahagod sa likod ng lalaking iyon ay panay ang haplos na para bang nasisiyahan sa paghalik ng lalaking nakatalikod na iyon.
Si Julius����
At si Ate Rio!
Bigla ang paninikip ng dibdib ko.. paano nagawa ito sa akin ng ate?
Bat ba iyon ang itinatanong� noon pa man ay may inggit ng itinatago ang ate sa akin. Paano ito nagawa ni Julius? Dala ba ito ng galit nya sa akin?
Ewan ko... Hindi ko na alam kung ano ang iisipin ko� Parang namanhid ang buong pagkatao ko. Wala akong maramdamang sakit pero ni hindi ko maibuka ang bibig ko.. o maihakbang ang paa ko sa panlulumo.
Ang dibdib ko ay parang pinipiga� ni hindi ko makuhang humugot ng isang hininga. Ang luha sa mga mata ko ay patuloy sa pag-agos. Para bang awtomatiko ang ikinikilos ng katawan ko pero ang isip ko� nakapako lang sa isang tanawin� ni hindi ko makuhang isipin kung ano ang dapat gawin.
Pagdako ng tingin ko sa pinto ng komedor� si mommy bubungad sa sala na napakaluwang ng ngiti parang natutuwa sa bisita ng anak nyang panganay� na para bang ang ipinaghahanda nya ay si ate at ang nobyo nito.
Napalis ang ngiti ni mommy nang makita ako. Nabitiwan nya ang dala-dalang juice sa tray. Hindi nya ito nabitiwan dahil nakita nya si Ate at si Julius na naghahalikan kundi nabitiwan nya itodahil ako ang nakita nya at nahuli ko sila sa akto!
Kaya pala� nang dumating si Alex� inistima ito ni Ate at kulang na lang ay itulak ako nito na sumama kay alex sa pamamasyal.
Kaya pala.. tuwing may lakad si Ate.. kay Julius nagpapasama.
Kaya pala� pag nandito sa bahay si Julius, umaaligid-aligid si Ate.. at itong si Julius ay hindi malayo sa tabi ko� na kahit pupunta ng CR ay nagpapasama sa akin. Akala ko pa naman ay paraan nya lang iyon para masolo ako� un pala ay umiiwas ito kay Ate. Ako naman si tanga ay di nakaramdam sa pakay ni Ate kay Julius kaya lagi nya itong ipinagpapaalam sa akin na pasamahan ko xa kay Julius.
Napukaw ang atensyon ng dalawang naghahalikan ng mabitiwan ni mommy ang juice. Napatingin sa direksyon ng tingin ni mommy�. Sa akin.
Nanlaki ang mata ni Julius� natauhan sa nangyari, ngayon nya lang napagtanto na pakana iyon ni Ate Rio. Si Ate naman ay napangisi. Para bang sinasabi nito na, nagtagumpay din akong akitin ang nobyo mong faithful sayo.
Di ko kinaya ang tagpong iyon at agad na lumayo... paiwas sa kahubaran ng katotohanang nagdudumilat sa aking paningin.
to be continued....
Links to other sites on the Web